Pages

Friday, April 2, 2010

Third Party

..sa lahat ng party ito ang hindi masaya.


Tatlong taon na tayong ganito. Hindi ko alam kung bakit nakatagal ako sa relasyong ito at ikaw bakit hanggang ngayon hindi humahanap ng iba. Wala sa hinagap ko na papasok tayo sa ganitong relasyon. Estudyante ka pa noon, samantalang ako abala na kung paano bubuhayin ang sarili ko.Magkaibang magkaiba tayo pero talaga yatang pinaglapit tayo ng tadhana. Sa isang party ng common friend nakilala kita. Hindi ka mukhang estudyante, kung tutuusin mas mukha kang matured kumpara sa iba na nakakahalubilo ko. Mas matured hindi lang sa mukha kundi sa pag -iisip. Siguro dun ako nahook. Ako? Hindi ko alam kung bakit ako ang napili mo. Basta ang alam ko hanggang matapos ang party, hanggang mag uwian ang lahat, hanggang umuwi ako sa condo ko...kasama kita. Akala ko nga that was it, a one night stand, pero nagkamali ako.

Dumadalaw ka na sa bahay. Maabutan kita na nakatanga sa may lobby, hinihintay ang pag uwi ko. Matyaga ka rin, kahit madaling araw hinihintay mo ko. Kahit pa nga minsan hindi ako umuuwi ng ilang araw nalalaman ko sa guard na nagpupunta ka. I never gave you my number, sabagay hindi mo rin naman hiningi. Pareho na lang siguro tayong nakuntento na nag aabang ka lang sa pag-uwi ko.Masaya akong nandun ka. Bawat sulok ng condong iyon napunan mo ng alaala. Malungkot o masaya napagsaluhan natin ng magkasama. We talk about things. Mga pangarap mo , pangarap ko at pangarap natin para sa mga sari-sarili nating pamilya. Seryoso ka sa studies and you have set your priorities straight.Alam mo kung san ka pupulutin after graduation. At times naiisip kong magtanong kung kasama ba ko sa priorities mo, but then pinipigilan ko ang sarili ko because I don't have the right to demand. Kabit ako.

Two years na kayong mag-on ni Paula. You said you're happy pero tinawanan lang kita kasi you wouldn't be here kung masaya ka sa kanya. Maganda siya, you have her picture on your wallet and you told me she came from a good family. Tinanong kita kung mahal mo siya, hesitant ka noong una but then you said yes. Tapos right after niyakap mo ako at sinabing mas mahal mo ako kesa sa kanya na hindi mo lang siya mahiwalayan kasi may utang kayo sa pamilya nila. Hindi ako naniniwala sa'yo pero later I was convinced. Lalo na nung pinakilala mo ako sa mga magulang mo. Akala ko magagalit sila sa akin or pakikitaan ako ng masama kasi nga sabit lang naman ako pero parang pamilya yung naging turing nila sa akin. Hanggang ngayon parang parte pa rin ako ng pamilya niyo. I guess naiintindihan nila ang sitwasyon mo. Ako, hindi ko sila maintindihan kung bakit natatanggap nila ang lahat sa akin, sa atin. Hindi ako nagrereklamo dahil kung tutuusin maswerte nga tayo. Wala lang, siguro kasi kung sa pamilya ko yun matagal na kong nakurot sa singit.

Ako na nga yata ang pinakamaswerteng kabit sa lahat. Akin ka, kahit kelan hindi ako nagpaschedule sa'yo. Buong atensyon mo lagi ang nakukuha ko pati pagmamahal mula sa pamilya mo damang dama ko. Lahat na nasa akin, pwera lang siguro ang titulo bilang girlfriend mo. Ayokong mag demand dahil masaya ako kahit pa para sa iba nakaw ang lahat ng iyon.

Ngayon, gagraduate ka na at sinabi mo sa aking hihiwalayan mo na si Paula. Nakabayad na pala kayo sa utang niyo,lusot ka na, pwede mo na nga naman siyang hiwalayan. Maraming ka nang plano para sa ating dalawa at tinanong mo kung mahal kita. Dapat akong magsaya, sa wakas maipapakita mo na sa buong mundo na tayo na. Hindi na ako kabit sa buhay mo kundi official na girlfriend mo. Pero hindi ko yun naramdaman, nanghina ako. Hindi ako makasagot sa tanong mo, nagmamakaawa ka na at umiiyak. It broke my heart lalo na nung sinabi mo sa akin: " Hindi ako magdedemand sayo, kung ano yung kaya mong ibigay, ilaan na oras at panahon sa akin ok na yun. Ngayon na maghihiwalay na kami ni Paula, handa akong mag antay na kayo naman ni Frank ang maghiwalay"

Kabit ko din siya. Alam niya yun nung simula pa but he still insisted. Nung mga times na ilang araw akong nawawala at hinihintay niya sa condo ko, nasa Davao ako kasama si Frank. First year anniversary namin ni Frank noong nakilala ko siya sa party, parang gumanti lang ako kay Frank cause he wasn't there hindi ko naman akalain na aabot kami sa ganito. At siguro kaya hindi na namin kinuha ang number ng isa't isa para hindi kami masaktan. Isipin pa lang kasi na iba ang kasama ng isa, siguradong hindi kami makakatiis na hindi tumawag o magtext. Naging kuntento kami na nagkikita at nagkakasala sa condo ko. Mahal ko siya pero hindi ko mahiwalayan si Frank. Pinagkasundo na kami ng pamilya ko. It would break my papa's heart kapag nakipaghiwalay ako. It would break the tradition.

Niyakap ko siya. Hindi ko na napigilan yung mga luha ko. Sinabi kong mahal ko siya. Yun naman ang totoo, bakit ba pipigilan ko pa ang sarili ko. Alam kong mali, alam kong baka masira ang mga pangarap niya sa kasalanang kinukunsinte ko. Pero mahal ko siya, mahal namin ang isa't isa. Bahala na kung anong mangyayari, kung anong magiging ending ng storya namin. Ayaw ko mang mangyari, alam ko makakahanap rin siya, magmamahal ng iba na bibigyan siya ng buong atensyon, yung siya lang ang mamahalin. Ako,pipiliting mahalin si Frank mapasaya lang ang pamilya ko. Pero sa ngayon, sa amin ang mundo. Sa akin siya, sa kanya naman ako.Iniisip kong magiging maaayos din ang lahat para sa amin. Alam kong magiging masakit, magiging mahirap pero sana makaya namin ang lahat lalo na ngayon, magiging tatay na siya.

1 comment:

  1. oh my gosh! hala! wula ako masabi... shock lang ako.. pero galing mu talaga gumawa ng story :D

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design