Pages

Tuesday, February 1, 2011

Baka Sakali


"Sakay na."

Hindi ko alam kung bakit tinupad ko pa ang pangako kong ito sa kanya gayung alam ko wala na namang dahilan. Hiwalay na kami ni Leslie. Hiniwalayan ko siya ilang buwan na ang nakakaraan. Nagulat din ako nung pumayag siya, siguro pareho lang nag-iisip na huli na 'to, na for old time's sake man lang. Na ito yung isang bagay na pinangako namin sa isa't isa na gagawin naming magkasama. O pwede ring tanggap na niya...

Pinagmasdan ko si Leslie habang nakatingin sa langit. Napakaaliwalas ng kanyang mukha. Di tulad nung huli ko siyang makita. Nung huli ko siyang makasama. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya. Ngumiti siya at umaktong papasok muli sa kanilang bahay.

"Saglit lang kunin ko lang jacket ko. Mukhang uulan."
"Andito yung ginagamit mo dati, ito na lang."
"Huwag na, kunin ko na yung sakin. Pumasok ka na muna dito sa loob. Baka maulanan ka pa."

Mabilis siyang tumalikod sa akin.Tumingin ako sa langit. Parang hindi naman tutuloy ang ulan. Mas pinili kong dito na lang sa labas maghintay sa kanya. Madali lang naman si Leslie sa loob. Paglabas niya, suot niya ang paborito niyang jacket. Iniisip ko kung nananadya ba siya o talagang ito lang ang gusto niyang  gamitin Ito kasi ang jacket na suot niya noong una kaming nagkakilala.

Inintay ko ang paglapat ng paa niya sa tapakan at pagtuon sa aking mga balikat. Kasunod nito ay ang pagpulupot ng kanyang mga bisig sa aking baywang. Nangyari ang una, hinintay ko ang kasunod.Subalit umandar na't lahat ang motorsiklo ay walang mga kamay na yumakap sa akin. Sinibukan kong bilisan nang kaunti ang pagpapaandar, nagbabakasakaling yayakap siya. Hindi nangyari ang inaasahan ko. Walang kumapit sa akin hanggang makarating kami sa aming pupuntahan.

"Grabe ang ganda naman dito. Ang galing talaga ni Zach."

"Tinawagan nga niya agad ako para sa opening nitong place niya.Excited masyado."

"Hahaha eh kulitin ba naman natin na tayo ang dapat na unang costumer, makakalimutan niya pa ba yun? Mukhang madilim sa loob ah. Tara pasok tayo."

Pagbukas namin ng pinto ay hindi pa nakaayos ang mga upuan at lamesa. Nagtaka kaming dalawa kaya naman dumiretso na kami sa kitchen.

"Tao po, Zacharias Montelibano. Asan ka? Yoo hoo...Andito na bisita mo..Yoo hoo.."

"Wala yata si Zach."

"E bukas kaya yung pinto tsaka di ba nagconfirm naman tayo sa kanya... "

Naglakad-lakad pa kami ng kaunti nang may mapansin si Leslie.

"Wait. Eto oh may note, para sa'yo ata"

Kinuha ko ang sulat kay Leslie. Natawa na lang ako sa mga nakalagay doon. Si Zach talaga kahit kailan.

"Tayo na daw bahala, yung mga kelangan andun daw sa ref. Nasa garden daw  nakaset-up yung table natin. Gago talaga yun. Gusto mo lipat na lang tayo?"

"Ha? Sayang naman yung place, mukhang effort si Zach. Ayaw mo nun tayo na unang costumer, tayo pa unang gagamit ng equipment? Ako na lang magluluto, tulong ka na lang."

"Marunong ka nang magluto?"

"Medyo. Tinuruan ako ni Zach."



***To be continued....

14 comments:

  1. naks.. set up ni zach.. happy valentines day po..

    ReplyDelete
  2. nice one! Happy Valentine's Day Hartlesschiq!!!!

    ReplyDelete
  3. Isa sa mga ayaw ko sa fiction mo ay uberrr bitin!!!! Mukhang maho-hook ako dito. :mj

    ReplyDelete
  4. ayan may bago na naman.. wahehhe

    ReplyDelete
  5. COOL. ANOTHER MARTHA CECILIA :b

    ReplyDelete
  6. wow ang ganda... pag your song hehee... btw new layout ha.. linis :D

    ReplyDelete
  7. tama si salbe... mga ilang days ba kami maghihintay ng karugtong nito madz? hehehe.

    ano lulutuin nila? :D

    ReplyDelete
  8. weeehhh.. ayos ang ginawa ni zach... at sana naman sa susunod yung kumpleto na ang kwento neh para naman hindi nakakabitin. :)

    ReplyDelete
  9. May bago na naman akong aabangan. Ü

    ReplyDelete
  10. Valentines day special series ba ito? Haha. Kapanapanabik ito. Ang galing mag-isip ng mga nagseseries. Yung iba lang. May IBANG pangit. Haha. Ang sama ko talaga.

    ReplyDelete
  11. wow!super like ko yung new layout mo... and nice story again!

    ps: i apologize but i have to give you an award on my blog. hope you don't mind. :)

    ReplyDelete
  12. bat naiwan sa ere ang wento. nagpapasabik ng readers... :D ituloy na ang kwento

    ReplyDelete
  13. wow panibagong kwento! kaabang abang as always :D

    ReplyDelete
  14. Hmmmm. Bogo ulit?

    Baka Sakali.

    Walang masama

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design