Pages

Friday, April 29, 2011

Ito na ba ang ending??


"umiibig tayong bigla na gaya lang ng love at first sight. (in case na naniniwala ka rin na nangyayari ito) . 
we miss a lot of details. fools fall in love. ganun kabilis yung emosyon minsan. uunahan ka niya sa senses mo ng reasoning. at yun na. naiiwan tayong parang lagas na dahon na hindi alam kung saan lalagpak. sadness. happiness. destiny. walang nakakaalam" - duking

Tuwing bumibyahe ako, hindi ko mapigilang umiyak. Naalala ko kasi ang boses niya, yung way ng pagsasalita niya, kapag nangungulit siya… yung siya yung pumupuno ng tatlong oras ng biyahe ko. Hindi ko siya makalimutan…
 





  

Tuesday, April 26, 2011

Magkakambal daw kami???




Hindi naman kami ganung magkamukha di ba??
 Kuha habang nilalamay namin ang "I am Legend" (koreanovela) na natapos naming panoorin ng dalawang gabi (16eps), kakahilo :P.

Sis, 
         Salamat sa icecream nung bday mo, tignan mo naman ang saya-saya natin, parang adik lang :D . Pramis, pagkakita ko pa lang, manghang mangha ako kasi ngayon ko lang nakita ulit yung ganitong ngiti sa mukha ko. Miss ko tuloy bonding moments nating dalawa, basa ng libro sa isang room ng hindi nag-iimikan,  gala sa mall, kain dun sa Zymurgy (hindi talaga ako makaget-over sa humongous carrot cake) at shopping natin sa ukay-ukay. hehe 
         Nagpapakacheesy lang sissy. IMY talaga :) Love you! Belated Happy Birthday pala :P Promise hanapin ko na yung gusto mong shampoo. Hahahaha 


 
Mutya
 


Monday, April 25, 2011

Pasabook (2) Ang Resulta

Uiii kanina ka pa ba pabalik-balik dito sa bahay ko para sa resulta ng pasabook na sinalihan mo last week? Haha Excited much??

Mula sa 19 entries last time ay nadagdagan ng walong katao ang  interesado na makakuha ng mga libro ni Eros Atalia.Eto ang listahan ng mga sumali:






Katulad ng dati, meron uling nakahighlight na yellow (pasaway talaga :) joke), andiyan na rin yung reason kung bakit mula sa 27 ay naging 25 na lang ang total ng pasok na entry. Matapos ilagay ang bilang na ito sa random.org para bolahin ay ito ang naging resulta ng pangalawang installment ng aking pasabook:





Congratulations Kikomaxx! E-mail  mo na lang (hartlesschiq@gmail.com) yung mailing address mo para maipadala ko na sa'yo 'tong mga libro. Or if nandito ka lang naman sa Manila, pwede namang personal ko nang ibigay sa'yo :).


Salamat po sa mga sumali :). Huwag kayong mag-alala, sabi nga ng isang sikat na author "All endings are also beginnings", kaya naman abangan niyo next month kung anong libro ang muli ko na namang ipapamana. Basa lang po tayo ng basa para mas marami tayong maisulat :D Salamat ulit!

Tuesday, April 19, 2011

I-google map mo




*** Naaliw lang ako ng slight nang makita ko yung bubong ng bahay namin. :P

Monday, April 18, 2011

Lipat Bahay


 
Kung kelan kabisado mo na
Kung kelan inaalagaan mo na
Kung kelan komportable ka na
Tsaka darating ang masamang balita

Sayang.
Madami pa naman akong plano.
Para sa’yo, para sa ating dalawa.
Magagandang bagay na siguradong
ikatutuwa mo.
Subalit yun nga.
Unti-unting naglahong parang bula.

Hindi ko ‘to ginusto
Lalong ayokong lumayo
Sadyang hindi ko na lang kontrolado
Hindi lang ako, hindi lang tayo
Kaya kailangang gawin ito.

Paalam.
Huwag ka nang magtampo.
 Babalikan kita,
sana'y wala ka pang iba
Pangako.


Kapag kaya ko na,
Kapag kaya ko na.


Saturday, April 16, 2011

Pasabook (2)


Sa nakaraang pasabook, kung saan nanalo si Bulakbolero di ba sabi ko sa inyo, peksman may kasunod pa iyon?  Yup, hindi ako nagsisinungaling, mamatay ka man (joke lang :) ), ito na ang pangalawang installment! Pangalawa dahil goal ko ngayong taon na makapagbigay ng libro per month. Alam ko medyo naatraso ako ng ilang buwan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari pero sabi nga may bawian naman. Kaya naman, andito na me para magpasabook muli sa masugid na mambabasa ng aking blog.

Actually nacurious lang ako sa book na ito, kasi naman sabi nila ala Bob Ong daw ang istilo ng pagsulat ng may akda. Kaya naman, isang araw habang nag-aantay sa isang kaibigan sa Fully Booked ay hinanap ko ang librong ito. Madali naman siyang mahanap kasi sa cover nito ay siya ang bubulaga.



After kong mabasa ang una niyang nobela, gustong gusto ko nang mabasa ang kasunod. Ang lakas nga ng pang-amoy ng kapatid ko kasi pagdating ko sa amin sa probinsya, aba bumili na siya nung ikalawang libro. Nakatipid ako ng slight. :P 



Wala naman akong ibang hinihiniling na requirements sa inyo kundi MAG-COMMENT sa post na ito. Tandaan lamang na kahit ilang comment pa ang inyong ilagay, isang entry lang talaga per blogger. Kaya iwasang magflood. :D  Nga pala, ito ay open sa lahat ng blogger na naninirahan saan mang sulok ng mundo. PERO kung sakaling ikaw ang mananalo at nasa labas ka ng bansa, pumili na lamang ng gusto mong padalhan ko nito dito sa Pilipinas. Pasensiya naman purita lang ang bata. Hehe 

Kung tapos ka nang mag-comment, sige papayagan na kitang iclose mo ang tab ng blog ko. Pero huwag mong kakalimutang bumalik dito pagkatapos ng Mahal na Araw ( Lunes malamang :P ) ha! Baka mamaya kasi  ikaw na pala ang napili ng random.org. para makakuha ng mga librong ito. 

So ano pang pinepetiks-petiks mo diyan, COMMENT NA!

Tuesday, April 12, 2011

Wala pa noong txt, wala pa nong email, meron lang..

Pag-uwi ko sa bahay ay hindi ako dalawin ng antok. Sa mga ganitong pagkakataon ay ito ang kadalasan kong ginagawa:

1.Manood/ makinig ng tv habang nagbabasa ng libro, nagtetext at nag-iinternet.
2.Makinig ng radyo habang nagbabasa ng libro, nagtetext at nag-iinternet.

(Oo ako na ang multi-tasker of the century! LOL)

Pero iba kagabi. Wala akong ganang gawin ang mga nabanggit sa itaas. Kaya naman mega-zoom out/in ang aking eyes para maghanap ng pampaantok at ito ang aking natagpuan.






Dami noh?? Hindi ko binasa lahat yan, grabe ka naman. Ang binasa ko lang diyan eh yung hindi ko na matandaan kung sino ang nagbigay at kung ano ang laman. Yep, yung iba diyan alam ko pa kung ano ang tema ng sulat. Adik lang! Sa muling pagbuklat ko sas nakaraan eh may ilang papel/kalat na talagang nag-standout. Ito ang ilan sa kanila:



Mahilo-hilo ako ng muling basahin ang nalagay sa papel na ito. Tantya ko eh 3rd year highschool ako nito dahil yung topic sa tsismisan dito eh nakaklase ko lang nung taon na yun. At talagang umeffort kami sa ganitong istyle ng pagsulat para lang pagtsismisan ang aming mga kaklase. Kung gusto mo ring makitsismis pero nahihilo kang basahin ang sulat eh eto lang naman ang laman niyan:

-kung gaano katsismoso ang isa naming kaklase na walang leeg at malaki ang ulo na sabi ng isa e parang idinikit na lang daw yung ulo sa balikat. Pero wag ka, crush pala namin siya nung time na yun..LOL

- kung matutuloy ba ang praktis namin noon sa Filipino subject.

-ang maarte naming kaklase (dahil nilalandi si malaking ulo na walang leeg naming classmate) at mga bad things about her

- yung tulog naming kaklase at nahuli niya kaming nakatingin sa kanya

Yan lang yun. Sa hinahaba-haba ng sulat, yan lang ang inikutan na mga topic.





Ito naman eh may kinalaman dun sa post ko dati. Yung ticket eh nung magconcert ang Hale, Sugarfree at Sandwich nung birthday ko. heheh Saya lang niyan kasi konti lang yung nanood kaya naman pinalipat na kami sa harap ng stage. Wooh happy birthday talaga!

Yung lalagyan nung film alam mo ba kung ano ang laman?? Hahahaha CHOCOBOT/CHOCOMANI na binigay nung crush ko nung 2nd year highschool. Hindi ko talaga kinain yan, at tinatago ko pa hanggang ngayon. AMF!

Anyways, wala lang masarap lang basahin at alalahanin yung mga pinagmulan ng mga  sulat na 'to. Pagka text kasi, pwedeng mabura din agad. Email naman, wala lang katamad magbasa. :P  Tsaka mas napi-feel ko yung effort pag mga ganitong sulat. Parang litrato lang, priceless possession talaga. :)

Friday, April 8, 2011

Muntik na...

Kababasa ko lang ng post ni Khanto through Arvin's post in FB. Same as Arvin, kinilabutan din ako sa nangyari. Pakiramdam ko tuloy I needed to share my experience para na rin babala sa ibang commuters like me. So without further ado, here it goes:

Pauwi ako nun galing work sa Antipolo. Usually ang scenario kasi dun eh palaging punuan at may sabit pa kasi may nadadaanan kaming school kaya naman akala ko normal lang ang lahat that night. But no! (Thanks Salbe! ) Mali pala ako. So ayun nga, nung nasa Marcos Highway na kami sa may Mcdo, may sumakay na mga mga kalalakihan. Normal pa rin naman sa akin na makakita ng mga guys na ganun ang ayos na parang galing sa construction work from that spot/area. Ang hindi lang normal ay yung pinipilit pa rin nilang makisiksik sa loob ng jeep kahit puno na. Pero hindi ko pa rin yun pinansin. Ang nasa isip ko na lang baka ganun kahirap sumakay that day.

Hindi pa man umaandar yung jeep ay may isang pasahero na weird. Weird in the sense na parang hindi siya mapakali at namumula pa siya. Ang tingin ko dun sa babae ay lasing, At parang tama nga ako kasi nung bumaba siya ay nagkaron ng komosyon sa loob ng jeep. Nagsuka daw yung babae.Hinanap ko naman yung suka kasi nacurious ako pero wala naman akong napansin na kahit anong bakas at wala rin naman akong naamoy. Tapos after nun biglang may umimik na guy malapit sa amin. Na kesyo yung katabi daw niya ay may dura. Yup dura po at hindi suka. So si ate na sinabihan ay tumingin sa kanyang damit upang hanapin ang mahiwagang dura at nung matagpuan ay sinabihan nung ibang pasahero na humanap ng pampahid doon, Yung isa pa nga eh may tinuturo sa bag. Nagtaka ako kung bakit yung ibang pasahero eh nagsisibabaan na, lalo na yung mga studyante eh hindi naman sila doon bababa. Ewan  ko ba sadyang matigas lang ata ang ang ulo ko or masyado akong mapagtiwala kaya hindi ako sa kanila nakigaya.

Pagkalagpas namin ng Robinson's Metro East,iilan na lang kaming pasahero ay bigla naman umimik yung katabi ko. Meron din daw ako sa damit. Siyempre ako naman, e hinanap at naramdaman ko nga ang malagkit na something na nakakapit sa damit ko. Kinutuban na ako noong oras na yun, pero I kept myself cool. Binuksan ko ang aking bag, at hinanap ang aking panyo. Nag-offer sila na tumulong pero sabi ko ako na lang. Pagkakuha ko ng panyo, hindi ko alam kung imagination ko lang o talagang may naramdaman akong something sa may bag ko. Ang ginawa ko na lang hinigit ko yung bag ko at kinuha ang cologne at inispray over my shoulder.  Hindi pa rin ako bumaba after non. Hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga ako bumaba. Nga pala nakapwesto ako nito malapit sa may babaan.

Nakarating kami sa may Ligaya (yun ang tawag nila sa lugar) ay bumaba na sila at ako na lang ang natira sa jeep. Hindi pa nun umandar yung jeep at titig na titig lang sa akin ang konduktor at driver. Tinitigan ko rin sila. Wala akong masabi. Umandar na ulit yung jeep.

Pagdating ko sa bahay, Tsaka ako nag-isip. Muntik na ba akong maholdap (oo ako na ang slow)? Hindi ko kasi maimagine na maeexperience ko yun sa totoong buhay. Akala ko e, imagination lang ng walang maisulat. But no! Totoo pala talaga. Kasi nitong nakaraang araw lang ay may nagpatotoo nitong modus operandi na ito, office mate ko.

Kung ano ang nangyari sa akin, ay yun na yun din ang nangyari sa kanya. Pinagkaiba lang, walang nakuha sa akin sa kanya meron. Pera at passport. Nakasingit kasi doon yung pera niya sa passport. After ng kwentuhan namin, naisip ko na kawawa naman yung mga kagaya niyang naholdap at todo pasalamat na rin ako na hindi ako nabiktima. Holdap na pala talaga yun. Nakaligtas lang ako.


From that experience, ang natutunan ko :

1.Follow your instinct.

Kung may nakita na kayong something weird o pakiramdam niyo na may mali sa sitwasyon, umiwas na kayo. Maaring sinuwerte lang ako nung time na yun pero baka sa susunod hindi na.


2. Maging alerto sa gamit.

Yung mahahalagang kagamitan (ID, mobile phone, pera etc.) ay ilagay sa may bulsa ng bag doon sa hindi madaling madukot. Kung maaari nga, maglaan ng iba't ibang taguan ng pera (maaaring sa bag o sa katawan), para kung sakali man na mabiktima ka, may pamasahe ka pa pauwi. Iwasan din ang mag-text o magbalandra ng mga gamit na ayaw mong mahablot mula sa iyo. Takaw tingin kasi, so mag-ingat.

3. Stay Calm.

Ito lang ang paraan para makapag-isip ka ng maayos.

4. Pray.

Nakakatulong ito para magawa mo ang number 4.


Sana ay gawin din ng mga kinauukulan ang part nila para hindi na dumami pa ang mga ganitong modus operandi. Sabi nga, it takes two to tango. So, please lang let us do our part ok?

Have a safe and incident-free trip!

Thursday, April 7, 2011

I'm going home...







 
 
I'll always have you in my heart.
I love you Tita.
I do...
very much. 


Perhaps they are not the stars, but rather openings in Heaven where the love of our lost ones pours through and shines down upon us to let us know they are happy.  ~Author Unknown


I got the phone call. 
She passed away this morning. 

Friday, April 1, 2011

Ang sagot ni Yssa



“Pare ano na? Di ka pa ba sinasagot ni Yssa?”

“Di pa nga eh”

“Ilang  buwan ka nang nanliligaw ah. Pakipot naman masyado”

“Mukhang ikaw pa ang naiinip. Sa totoo lang hindi ko naman napapansin na ganun na pala katagal.”

“Naku pare inlove ka na yata. Delikado yan.”

“Ano namang delikado dun? Kaya ko nga siya niligawan di ba para mas lalo ko siyang makilala”

“Di na ko makikipagtalo sa’yo. Basta kung bastedin ka niya, andito lang ako. Tara magpapakalasing tayo.”

“Gago! Mag-iinom tayo kasi sinagot na ko ni Yssa.Itaga mo yan sa bato, Caleb”

“Lakas ng fighting spirit mo! Good Luck!”

Kung gaano kalakas ang fighting spirit ko noong magkausap kami ng barkada ko, ganun din kalakas ang kaba sa dibdib ko. Mukhang hindi na ako makatayo sa pwesto ko. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko malalaman kung nakuha ko ba ang puso ni Yssa. Muli kong tinignan ang monitor ng aking computer. Hindi ako makapaniwala.

“Spike favor, ok lang?”
“Sige anu yun”
“Check mo naman yung bagong post ko sa blog ko”
“Nagbblog ka pala”
“Oo naman hindi ko lang pinagkakalat. Check mo naman baka may masasabi ka”
“Sige. Ano bang site?
“Bigay ko na lang sayo mamaya.”


At ito na nga nabasa ko na. Wala akong masabi. Parang sasabog ang puso ko sa sinulat niya sa kanyang blog.

Blog ni Yssa  (Buksan sa ibang tab/window)


Ilang minuto pa ang lumipas ay sinara ko na rin ang aking computer. Tumayo na ako at nagsimulang magpalit ng damit. Tinawagan ko na rin si Caleb. Mag-iinom kami. Palabas na ako ng bahay ng biglang tumawag si Yssa.

"Nabasa mo na?"
"Sana diniretso mo na lang ako Yssa.."
"Nahihiya kasi ako Spike. Wala ka bang itatanong?"
"Ano pang itatanong ko e basted na nga ako."

Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Yssa. Sa sobrang pikon ay binabaan ko siya ng telepono. Kailangan ba niya yung gawin?Pagtawanan ako? Nakakaloko ba siya? 

Malapit na ako kina Caleb ng mabasa ko ang text ni Yssa.

"Spike sori, ndi q nmn cnsdya n pgtwnan k.kala q kc npncn mo. Gusto ko kasing maging special. Hindi naman umubra. May ellipsis s ktb ng letter q. Ang passwrd yung gs2 mng mrng mula skin.walang space :D"

Dali-dali akong naghanap ng computer shop upang muling makita ang sinulat na iyon ni Yssa. Pagbukas ko ng blog niya ay hinanap ko agad ang ellipsis na sinsabi niya. 

Matapos kong basahin muli ang post na iyon ni Yssa, tumuloy pa rin ako kina Caleb. Mag-iinom pa rin kami. Pero iba na ang dahilan. Ibang-iba na.

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design