Sunday, August 28, 2011

Same Shit Different Day




Dapa, dulas, talapid at lagapak queen. Ilan lang yan sa mga titulo na masasabi kong maikakabit sa aking pangalan kapag tinanong mo ako sa aking mga kaibigan at sa aking pamilya. Ewan ko ba pero iba nga yata ang halimuyak ng lupa at kalsada sa akin. Parang araw-araw eh gusto kong magdive kahit wala namang tubig. Minsan nga nasubukan ko na rin magdive sa mainit-init kong ebak noong ako ay bata pa. At ngayong matanda na, kalbaryo naman ang pag-uwi galing sa opisina, inaantay ko na lang na one day dumausdos ako pababa hanggang sa main gate ng aking pinapasukan. Ganyan ako ka-classic sa mga lagapakan moments. 

Kaya naman nitong uwi ko sa Bohol, ay  chinallenge ko ang aking sarili tutal araw-araw na naman akong nadidisgrasya, e bakit hindi ko pa ito itodo. Wala na naman sigurong mawawala sa akin.

August 28, 2011. 

Kabado na ako habang ikinakabit sa akin ang harness. Sabi ko sa sarili ko, sigurado pag-lagpak ko dito eh magmumura lang ako sa ere. P@#^% ina, ano ba itong pinasok ko parang sinetensyahan ko na ang sarili ko.  

Turn ko na. Pinalapit ako ni manong, kinabit ang mga dapat ikabit sabay tanong: Head down o yung isa? Tae hindi ko alam kung anong posisyon kaya ang sinagot ko na lang: Kuya, yung nakatiwarik! Pinahiga na ko, sabay sabit ng paa ko at pumosisyon daw na parang cool lang, yung kamay eh nasa may  ulo. Ayus na sana eh kaya lang nung tinanong ako ni manong ng pangalan ko, ang sabi ba naman eh baka daw mamaya makalimutan ko na pagbagsak ko. P@#$% ina, manakot ba!




At eto na nga, pagbaba nila sa akin, wapak! Eto na yata ang pinakamasarap na lagapak na naranasan ko  :). 








Habang sinsisway-sway ako sa ere na nakatiwarik eh hindi ako napamura. Ang tangi ko lang inuusal nun eh THANK YOU PO (repeat 100x) tapos nung nakasitting position na, shaks ang ganda ng view parang gusto kong tapakan yung mga puno at idutdot ang paa sa tubig. Shaks SUPER GANDA talaga, speechless ako! 





Nung iaakyat na nga nila ako parang gusto ko pang pigilan kasi iba yung pakiramdam, AS IN! Sana araw-araw na lang akong lumagapak nang ganito, may certificate pa! :))




Uwian na. At habang lulan ng sasakyan pauwi, naramdaman ko yung pagkaproud sa sarili ko. Sabi ko ok lang pala na madapa, madulas, matalapid at lumagapak. At least, hindi na ko natatakot kahit pa diyan sa PLUNGE na yan. SISIW!

Ang mahalaga ay kung paano ko inenjoy yung bawat moment na yun,kung paano ko hinarap at kung paano ako tumayo muli ---- taas noo ala model na pasway-sway ang hips habang pinapagpag ang dumi sa damit at tuhod. Nakangiti. 




*****

Lahok sa pakonteshit ni LioLoco \m/.

Thursday, August 25, 2011

Pasabook (6) - CLOSED

Isang tulog na lang at mag-eeyeball na naman kami ng tatay ko. Oo eksayted na kong magpagulong-gulong sa mga burol na kulay tsokolate. Long vacation ito as in looooong vacation (6 days) :D 
Pero bago magbakasyon, siyempre hindi ko nalilimutan ang pasabook. Yep,pasabook ulit ito (nabasa mo naman sa title :P ) at katulad ng ipinangako ko last time ay akda ni Miguel Syjuco ang ibibigay ko sa mapipili ni random. org. 
Papasilip ko muna yung cover para naman maglaway kayo ng slight :)) 



O alam niyo na ang gagawin niyo ha, kung hindi pa eh scroll down ka lang ng konte. May nadagdag lang na isa at sana mapansin niyo kasi sayang naman :)  

1. Open po ito sa lahat ng Pinoy bloggers, PERO sa mga nasa ibang bansa na sasali, pipili lang po kayo ng kamag-anak o kaibigan na papadalhan ko nito dito sa Pilipinas. 
2. Para makasali, mag-iwan lang po ng comment dito sa post. Kahit anong comment, pasok ka na!
*** Isama rin po pala sa comment ang SIZE ng shirt niyo. Huwag nang magtanong, basta ilagay niyo na lang :D

3. One entry per blogger lang po. 

4. Hanggang August 30, 2011 lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.

5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa Thursday  (Sept. 1, 2011) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong mailing address.

Happy vacation to me! Goodluck sa inyo :D

Thursday, August 18, 2011

Paalala



"miss, pwede bang makiupo?"

Nakaharap ako noon sa cabinet, nag-aayos yata ng damit habang nasa likuran ko naman ang isang lalaki. Hindi ko siya kilala, pero meron kaming pinag-uusapan na hindi ko na matandaan. Sa pag-uusap na yun, bigla nalang umagos yung luha ko sa kaliwang mata. Walang tigil. Yung kanan, wala tuyo naman. Kahit nag-iba na yung setting ng panaginip ko ganun pa rin parang gripo yung mata ko. Sa kaliwa lang.

Kahit panaginip lang yun, damang dama ko yung sakit sa bawat patak ng luha na iyon. Parang  hinugot sa malalim. Kaya naman pagkagising ko, nagmadali ako sa pagligo at dirediretso papunta sa lugar na iyon. Ikaw ang lalaki na yun sa panaginip ko... Ikaw lang ang pwede...

"miss pwede bang makiupo?"


isang caramel fudge at dalawang fries na regular

dine in or take out?

...dine in


Dating pwesto pa rin. Yung sa dulo, malapit sa may salamin. Kanina pa ako nakatitig sa salamin. Sarili ko lang ang nakikita ko. Repleksiyon kung ano ako ngayon na wala ka.


"miss pwede bang makiupo?"

may hinihintay ako, pasensya na. maghanap ka na lang ng ibang pwesto.

ito na lang kasi ang bakante


Muli akong tumingin sa salamin. Sa labas. Sa mga tao. Sa sarili ko. Sa labas. Sa mga tao. sa sarili ko.Katulad ko rin sila... naghihirap, malungkot at...

Kumuha ako ng isang piraso ng fries... tinignan ang nalulusaw na icecream. hindi ko kaya. hindi pa...

Muli akong sumulyap sa labas. Pero wala na akong makitang mga tao. Wala na rin ang repleksyon ko. Ang tanging nakikita ko ay mukha ng lalaking hindi ko kilala. May sinasabi siya, pero hindi ko maintindihan kung ano.

Anong ginagawa mo? galit kong tanong sa kanya.

Mag-isa ka lang naman miss, bakit pinaghiwalay mo pa ang order ng fries mo? Nakangiti niyang sagot sabay kuha ng isang piraso at isinawsaw sa tunaw kong caramel fudge.

Mag-isa ka lang naman....

Mag-isa....

Napuwing ang mga mata ko sa salitang yun. At mula sa pagkapuwing na iyon ay dumaloy ang mga luha. Walang tigil.Parang gripo na umaagos mula sa mata hanggang natiktikman na nang aking mga labi. Napapikit ako.

Mula sa likuran ay naramdaman ko ang kanyang mga kamay. Pinapakalma niya ako. Pinapatigil sa pag-iyak. 

Tuloy-tuloy pa rin ako sa pagluha. Habang ang lalaki na hindi ko kilala ay nandun pa rin sa tabi ko. HIndi ako iniiwan.

Bitawan mo na siya, Miss. Bitawan mo na ang mga bagay na nagpapasakit sa iyo.

Siya lang yung magandang nangyari sa buhay ko.

Dahil hindi mo binubuksan yung mata mo, yang puso mo. Kaya hindi mo nakikita yung magagandang bagay na gustong ibigay sa iyo ng mundo. O kung nakatingin ka man, lampasan pa rin, siya pa rin ang nakikita mo sa dulo.

Wala na siya. Hindi ko na siya makikita kahit kailan. Kahit kailan. 

Ikaw ang nandito ngayon. Ikaw ang binigyan ng pagkakataon na maranasan kung paano mabuhay.Imulat mo lang ang mata mo. Alam ko, makikita mo rin siya, na masaya na nandito ka. Lumalaban. Nabubuhay. Kasama nila. Kasama ng mga tao sa labas na kanina mo pa tinititigan.

Kakayanin ko ba?

Makukuha mo lang ang sagot kapag binuksan mo na ang iyong mga mata.

Hindi ko kaya.Natatakot ako. 

Subalit sa muling pagdampi ng kanyang palad sa aking likod, tila ako'y napayapa.Parang may bumubulong sa isip ko na dapat wala akong  ikatakot. 

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata. Tumingin ako sa salamin na nasa harapan ko. Nakita ko siya. 

Ang lalaki na hindi ko kilala. Natakot ako nang bahagya subalit kinalaunan ay napalis din ang takot na iyon.

Nakangiti siya sa akin. Andun sa labas at kumakaway kasama ng mga bata.  Bukod pa roon ay wala na akong nakitang iba. Wala na akong nakita na naghihirap, malungkot at... nag-iisa.

Nagpapaalam na ang lalaki sa akin. Ngiti lamang ang itinugon ko sa kanya at inihatid na lamang ng tingin.

Inayos ko ang aking sarili at sa aking pagharap,  lumibot ang aking tingin sa fast food na kinakainan ko. Ako lang palang mag-isa. 

Pero hindi ako nalungkot. 

Kasi naintindihan ko na. 

Na sa mga oras na nararamdaman kong ako na lang mag-isa sa mundo.

Alam ko kakatok Siya.

Makikiupo. 


Maghahanap ng espasyo para makinig. 


Para ako'y patahanin.


At ipaalalang, maganda ang buhay.


Kailangan ko lang imulat ang aking mga mata.
 

Friday, August 12, 2011

Wednesday, August 10, 2011

FB Stat (8)

"Sa dinami-rami nila nagtataka ka siguro kung pano kita nahanap. Simple lang, sayo kasi nakaturo yung built-in compass ko — at home sa'yo ang puso ko. :) "

Published with Blogger-droid v1.7.4

Thursday, August 4, 2011

Trabaho at Pagbblog



Hindi ko talaga sila mapaghiwalay. Kapag nasa trabaho ako, hindi pwedeng hindi ako magbblog. Sabi ko nga ako na ang multi-tasking queen. Swabeng swabe ang partition ng window ng media player classic, excel at syempre mozilla sa screen ng aking pc. Nag-aadjust lang ako kapag may makulit na mahilig mag-pm. Matagal ko nang gawain ito kaya naman sanay na sanay na ko. Akala ko wala nang magiging aberya hanggang sa: (PALAKIHIN ANG LARAWAN SA IBABA) 







Oo, nai-pm ko sa SUPERVISOR ko na NASA KABILANG CUBICLE LANG yung link ng post ni ser Gasolinedude (talaga namang nabighani ako sa boses niya, i crush him na!LOL). Shaks lang.. as in FAIL na FAIL! 

Wednesday, August 3, 2011

Luha ng Isang Alaala



Kanyang daliri sa aking mga labi,
gumuguhit na parang sili
Alab na nadarama ng katawan
tumatagos sa buong kaibuturan

Naglapat  mga labing sabik
Nanunuyo ang bawat halik
Dila'y nagsasalimbayan, bumibilis
Tulad ng tibok ng pusong nagmamahal, nagnanais

Marahas na halik unti-unting naging dampi
hanggang matirang kapit ay ibaba ng labi
Sa paghugot ng hininga lingkis ay napigtal
Nagkatinginan, mata'y naiwang umuusal

Kanyang daliri sa aking mga labi,
ngayo'y isa na lamang guni-guni
Tanging naiwan at nalalasahan
pait ng luha sa kanyang paglisan




*** Lahok sa pacontest ni iya_khin

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design