Sunday, October 30, 2011

Antok na ko


Buksan ang tv
2,7, 12, 34, 50
49, 36,24, 10
takte gusto ko nang matulog

baling dito baling doon

iikot ang roleta
pumili ng magandang musika 
doo wa dee boom boom boom
takte gusto ko ng matulog

baling dito baling doon 

sa mga letra'y naduduling
gusot na pahinang malapit nang mapunit
nagdidilim na ang paningin 
takte gusto ko ng matulog

baling dito baling doon 

unti unti nahihilo
papunta sa kabilang mundo
heto na heto na si antok
nang biglang tumunog ang cellphone


baling dito baling doon 
sapakin mo na lang kaya ako









Thursday, October 27, 2011

Pasabook (8) CLOSED

Haluuuu, andito ulet ako para sa pasabook ngayong buwan ng Oktubre. Pasensiya naman kung medyo nalate kasi nawala siya sa isip ko :)) Pero ayun nga humahabol pa rin tayo at ito po ang ibibigay ko sa maswerteng mapipili ni random.org.






1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas. - oo ako na ang nagtitipid :))

2. Para makasali, mag-iwan lang po ng comment dito sa post. Kahit anong comment, pasok ka na!

3. One entry per blogger lang po.

4. Hanggang November 1, 2011 lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.

5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa Wednesday  (Nov. 2, 2011) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong mailing address.
 

Happy vacation ulit sa ating lahat! God Bless!

Wednesday, October 26, 2011

Heypi Bertdey Dyowel!





****
Medyo mahina ang audio nito, tsuri naman :)

Sunday, October 23, 2011

UVG 587



Papa, hindi po ba tayo dadaan sa gasolinahan?
Bakit anak nasi-CR ka ba?
Hindi po. Sabi kasi ni Jillian, mahilig daw po kayo dumaan dun. Magpapagasolina ka ba papa?


******

Birthday ni Melissa. Naisipan ko siyang ipasyal  at pagkatapos ay kumain sa labas. Nais ko rin kasing i-test drive ang bago naming biling sasakyan na gagamitin kong pangbyahe. Bagong sasakyan.  Bagong buhay.

Balak ko ng painitin ang makina nito nang makita ko si Melissa doon sa isa. Yung luma.

Melissa anak, bakit nandyan ka? Dito tayo sa bago, mas malamig dito. Tsaka mas maluwag.

Ayoko po  papa, magagalit si Jillian. Dito daw niya gusto, kaya dito na lang po tayo. Pleaseeeeee

Si Jillian ang imaginary friend ni Melissa. Sabi ni dok, normal lang daw ito at mawawala din. Pero sa case ni Melissa, ilang taong na niya itong kasa-kasama. Hinayaan ko na nga lamang ito dahil hindi naman ito nakakaapekto sa kanyang pag-aaral at pakikisalamuha sa ibang bata.

Anak, kailangang i-test drive ni papa itong bago nating sasakyan. Dito na lang tayo.

Ayoko po papa, kung hindi po tayo dito sasakay, huwag na lang po tayong umalis. Sabay simangot ni Melissa.

Ang kanyang pagsimangot ay katapusan na nang aming diskusyon. Siya na lamang kasi ang natitira sa akin kaya naman hindi ko makuhang tumanggi sa aking anak. Namatay ang aking asawa upang maisilang sa mundo si Melissa kaya naman ganun ko ito kamahal. Lahat yata ng kanyang hiling ay hindi ko matatanggihan.

Ilang minuto na kaming umaandar sakay sa dati kong sasakyan ng simulang humimig  si Melissa ng isang kanta. Bagamat hindi ko alam ang pamagat  nito ay bigla akong kinabahan. Pamilyar ang kantang ito, kakabit ng isang nakaraan na gusto ko nang kalimutan. Katulad ng pagpapalit ko ng sasakyan. Gusto ko na ng bagong buhay.

 Patuloy sa paghimig si Melissa at maya-maya pa ay sinimulan na niya itong kantahin.

“I want somebody to share, share the rest of my life
Share my innermost thoughts know my intimate details...”

Anak, saan....saan  mo natutunan yang kanta na yan, maganda ah... 

Papa, tinuro po sa akin ni Jillian. Magaling siyang kumanta papa.

Ah talaga. Sige anak magpaturo ka pa ng iba. Malay mo maging magaling ka din tulad niya.

Papa, hindi po ba tayo dadaan sa gasolinahan?

Bakit anak nasi CR ka ba?

Hindi po. Sabi kasi ni Jillian, mahilig daw po kayo dumaan dun.

Magpapagasolina ka ba papa?


******

“I want somebody to share, share the rest of my life
Share my innermost thoughts know my intimate details...”

Neng daan lang tayo sa gasolinahan ha. Nasi- CR kasi ako.

Matatagalan ba tayo kuya?

Hindi madali lang, may malapit naman doon papunta sa inyo.

Ah.. sige...

Dinig na dinig ko pa siyang kumakanta habang pinapark ko ang sasakyan sa lumang gasolinahan.

“Someone who’ll stand by my side
Give me support
And in return he’ll get my support”

Ang mga titik ng kanta’y unti-unting naging himig na lamang habang nakapatong ako sa kanya at nakatutok ang punyal na kanina'y nakatago sa aking upuan. Wala iyak o sigaw akong narinig hanggang sa malagutan siya ng hininga mula sa aking pagkakasakal. Malaya kong nagawa ang aking gusto.  Walang nakaalam. Walang nakapagsumbong.  Piping saksi ang lumang gasolinahan sa kamunduhang aking ginawa.

******

Sabi kasi ni Jillian, mahilig daw po kayo dumaan dun.

Nanlamig ako sa aking kinauupuan sa sinabi niyang iyon. Nagkunwari na lamang ako na hindi apektado subalit lalo pang lumakas ang paghimig niya sa kanta.

Anak huwag mong masyadong laksan, tayo lang naman ang tao dito.

Sabi ni Jillian hindi mo raw maririnig kaya nilalakasan ko papa. Hindi mo daw siya narinig. Bad ka papa. Bad ka papa.

Bigla akong napahinto sa pagmamaneho.

Anak ano bang nangyayari sa’yo?

Hindi sinasagot ni Melissa ang aking tanong bagkus ay patuloy lang siya sa paghuni ng kanta. Parang bigla siya natulala at nakatingin lamang sa kawalan.

Ilang beses ko siyang inaalog subalit hindi niya ako pinapansin. Nagsimulang tumulo ang aking mga luha ng mga sandaling iyon.

Jillian huwag mong gawin sa akin ito. Alam kong malaki ang pagkakasala ko sa’yo pero ako na lang ang singilin mo wag mo ng idamay si Melissa. Bata pa ako nun, mapusok at maraming kalokohan. Pero nagbago na ko ngayon. Maawa ka kay Melissa. Maawa ka sa anak ko.

“I want somebody to share, share the rest of my life
Share my innermost thoughts know my intimate details”

Wala pa ring nangyayari.Mababaliw ako habang pinagmamasdan ko siya. Hindi ko na alam ang aking gagawin.

Maya-maya pa’y pinaandar ko na ang makina ng sasakyan. Pinaandar ng mabilis, baka sakaling may mangyari. Bahala na. Kailangan kong subukan.  Kailangan kong magbagong buhay.

Para kay Melissa.

************
Tanaw-tanaw ko ang aking anak habang lumalakad siya papalayo sa akin.  Ilang beses na niya akong pinupuntahan. Ilang beses ko na ring pinipigilan ang aking sarili na hindi mapaiyak sa tuwing nakikita ko siya.  Ganun pa rin, maliban sa pagsagot sa aking mga tanong ay nananatili siyang tahimik. Minsan ay bigla na lamang mapapatitig sa akin na tila ba nagtatanong kung bakit namin kailangan maghiwalay.

Kailangan ko munang pagbayaran ang kasalanang aking nagawa. Siguro kapag malaki ka na anak, sasabihin ko din sa’yo kung bakit.  At sana pag dumating ang panahong iyon ay maintindihan mo si papa. Sana ay mapatawad mo ako, ninyo ni Jillian. Gusto ko nang makalaya. Makalaya sa nakaraan.  Gusto ko ng magbagong buhay.

Para sa iyo anak.









Somebody - Depeche Mode
Mp3-Codes.com

Ang akdang ito ay lahok sa patimpalak ni ser Gasoline Dude


Friday, October 21, 2011

Full Tank na Love nga po ^_^



Para kang gasolina at ako naman ay pamasahe.

Ikaw ang dahilan kung bakit ako nagmamahal.

                                                                                                          
                                                                                                        (sabi ng isang texter)


May mga banat ka bang ganito? O kaya naman tula at kwentong nakakafull tank ng utak?  Sali na sa pakulo ni ser Gasdude at siguradong mabubusog ka rin sa kanyang papremyo.

Paano sumali? 

Pit stop ka muna DITO then you're good to go!  

Kitakits sa finish line :)

Thursday, October 20, 2011

Pangarap kong Laruan

Parang love at first.... ano nga yun? sight ba? oo basta tumibok agad pagkakita ko pa lang sa kanya. Gusto ko siyang mapasaakin. Subalit nanliit agad ako sa lugar pa lang kung saan siya nakalagay. Maporma ang kadalasang pumapasok doon tapos ano... mababango pa. Ako kasi ano... naliligo naman ako kaya lang kulang pa rin. Hanggang tingin na lang yata ako sa laruang gusto ko.

Ako nga pala si Neng - di ko tunay na pangalan- tindera ng basahan.

********

Manicure, pedicure, footspa at kung anu-ano pang kakikayan ang sinikap kong matutunan para makadagdag sa pang araw-araw naming pangangailangan at makapag-ipon na rin para mapasaakin na ang laruang iyon.  Pero kahit abala ako sa pagttrabaho ay hindi ko pinapabayaan ang aking pag-aaral. Gusto ko kasi ay maging karapat-dapat ako sa pagpasok ko sa tindahang iyon. Na hindi ako titignan na may kasamang pangungutya ng mga tindera, kasi alam nilang kagalang-galang ako. Na mayroon akong pinag-aralan. Na mayroon akong pambili.

Ako nga pala si Anna - palayaw ko- dating si Neng, nagtitinda pa rin ng basahan pero malapit ng magtapos sa hayskul.

**********

Pagkaraan ng ilang buwan at halos kasabay ng aking graduation ay nakaipon na rin ako ng pambili. Sinabi ko sa aking sarili na bago kami umuwi ni ina ay dadaan kami doon dala-dala ang aking ipon. Ano pa ba ang kulang? Mayroon na akong diploma, mayroon na akong pera, may makakapigil pa kaya sa pagkakamit ko ng laruan iyon? Palagay ko naman ay wala na.

Subalit mali ako. Pagdaan namin sa tindahan ay iba na ang nakalagay sa istante. Dali -dali akong pumasok sa tindahan at siya'y aking hinanap. Wala na siya. Hindi ko na siya makita. Tinanong ko siya sa tindera.

Phase out na daw.

Umuwi akong malungkot nung mga oras na yun. Kahit anong alo ni inay ay walang nangyari. Pakiramdam ko kasi natalo ako. Kung kelan kaya ko na, tsaka naman nawala yung gusto ko.

Ako nga pala si Annalyn Reyes - tunay kong pangalan- highschool graduate.

*********

Nag-apply ako bilang student assistant sa isang unibersidad kapalit ng libreng pag-aaral sa kursong aking napili. Naging mahirap subalit nalagpasan ko din naman ang lahat ng pagsubok bilang isang college student.   Nakatapos ako na hindi gaanong gumagastos si inay, maliban sa pagkain at sa damit na isinuot ko noong graduation. Nakakuha rin agad ako ng trabaho at kasunod noon ang pag-angat ng aming pamumuhay. Makalipas lamang ang ilang taon ay may sarili na kaming bahay at hindi na rin nagttrabaho si inay. 

Minsan, dumadaan pa rin ako sa tindahan na pinaglagyan ng laruan nagpabago sa aking buhay. Nung araw kasing hindi ko ito nabili ay pinangako ko sa aking sarili na hindi ako magsasayang ng oras para makuha ang gusto ko, para matupad ang aking mga pangarap.

Hanggang ngayon, ninanais ko pa rin na magkaroon ng laruan na iyon. Pero hindi na yung pigurin na lamang, yung walang buhay at hindi gumagalaw. Gusto ko ay yung nakakasalamuha ko sa araw-araw. Yung mababahaginan ko ng aking nalalaman. Yung magiging magandang halimbawa sa mga batang kanilang sinasanay at tinuturuan.

Ako nga pala si Dr. Annalyn Reyes, guro at ngayon ay isa sa mga dekana ng unibersidad na aking pinagtapusan.








(piktyur mula sa google)


Isasali ko sana ito sa SBA subalit hindi ko siya natapos. Ayun, pinost ko na rin bilang pagsuporta. :)

Friday, October 14, 2011

Laughtrip Friday



Nasa kasarapan ako ng pag-wiwi nang mapansin ko ang notice na ito sa CR namin. LOL

Tuesday, October 11, 2011

Sign


 
Dito ka. Higit sa akin ni Zeb habang nasa loob kami ng MRT.

Ano ka ba naman Zeb, sardinas na nga tayo dito sa loob tapos feeling mo pa rin eh mawawala ako. Relax.

Baka mamaya madukutan ka.

Wala naman silang mahihita sa akin bukod sa super sexy kong katawan.

Kung anu-ano nalalaman mo diyan. Umisod ka pa dito.

Alam mo ikaw talaga sisisihin ko kapag hindi ako nakahanap ng jowa. Para kang jowa slash bodyguard slash tatay. Ligawan mo na lang kaya ako, ano? Ay, wag na pala kasi alam ko ang tipo mo.

At ano naman yun?

Yung teacher slash madre slash nanay material.

Napatawa ang ilan sa mga katabi namin. 

Ginagawa mo pa kong katatawan Elaine.

O e di sorry naman, hindi ka pa kasi nag-ggirlfriend kaya feeling ko ganyan ang tipo mo. Well anyway, alam mo ba dahil diyan sa sobrang protective mo nakaisip na lang ako ng paraan para magkajowa.Humingi ako ng sign kay Lord.

Sign?

Oo katulad nung napapanood ko sa tv. Humihingi ng sign kung itutuloy ba yung balak o kung siya na talaga. Mga ganun.

Ano namang sign yung hiningi mo?

Secret. Baka hindi lumabas pag sinabi ko sa iba.

Ok bahala ka. Next stop na tayo. Kapit ka na lang sakin.

Opo itay. :)


One week later.


Elaine d aq mkksbay. May pnthn ako impt. See you tom.

Biglang kumabog ang dibdib ko ng mabasa ang text na yun ni Zeb. Ito na ba ang araw na yun??? Shaks, makikita ko na siya. My dream boy.

Rush Hour. Madami na naman ang magsisiksikan sa MRT para mauwi sa kani-kanilang bahay. Bago lumulan ng tren ay sinigurado ko muna na presentable ang aking itsura. This is it! Finally binigay na din Niya ang sign at sa wakas makikilala ko na ang lalaki na makakasama ko for life.

BUENDIA
Negative.

GUADALUPE

Negative.

BONI

Negative. Ito ba talaga yung sign na inaantay ko?? Hayyy sige ilang station pa naman.

SHAW BLVD.

Negative.

ORTIGAS

Negative. May ilang butil na ng pawis na tumutulo kahit paunti-na ng paunti ang tao. Lord, singlehood po ba ang finish line ko? 

SANTOLAN

Negative.  Sige na, kung ito po talaga. Tatanggapin ko na lang.Last station na eh, mukhang wala nang pag-asa.

ARANETA CUBAO

Pagbukas ng pinto ay napatulala na lang ako sa lalaking bumungad sa akin. Nakatitig siya sa akin, malapad ang mga ngiti at may hawak na bulaklak. Hinawakan niya ang aking mga kamay hanggang makababa ako ng tren. 

Paano mo nalaman?

Na?

Hindi mo alam? 

I just took my chance. Baka kasi dumating na yung sign mo. Inunahan ko na, hindi ko kasi ma-imagine na mapunta ka sa iba.

Alam mo bang ikaw yung sign ko? Sabi ko pag dumating yung time na hindi kita makakasabay dun ko makikita si right guy. Na yung unang station na magpproduce ng guy na makikita ko pagbukas ng pinto, yun na yun. And then ikaw... nung akala ko wala na, dumating ka.

Tahimik kaming naglalakad pauwi. Nagpapakiramdaman o ninanamnam lang yung moment. God is so good. Hindi ko alam na andito lang pala yung tao na hinahanap ko and He made me realize it today. 

Malapit na kami noon sa aming bahay nang tanungin ako ni Zeb.

Pwede ba Elaine?

Na ano?

Pwede bang maging tatay slash bodyguard slash boyfriend mo?

Hahahahaha. Zeb obvious na naman di ba? Hindi lang pala ikaw yung sign, ikaw rin yung magiging sagot. I am one lucky girl. Goodnight Zeb.

I don't think it has to do with luck Elaine. It's destiny. Goodnight. :)











Monday, October 10, 2011

Blogtwist




PITAK

TIPA

KATI

AKIT

KAPIT

TAKIP

PAIT

PAK



Sunday, October 9, 2011

Last Friday Night



10:00AM - Umaga pa lang ay eksayted na ako at nagdadasal na rin na sana ay huwag umulan para hindi ako tamarin sa aking lakad.Nagpaalam na rin ako sa aking supervisor para makapag-undertime. Oo ako na talaga ang excited. 

4:00PM Nag-out na ako at tumungo sa Cubao. Mukhang hindi uulan, nagwork yata ang itlog na inalay ko at yung sun dance na ginawa ko nung umaga. :)) Habang hinihintay ang aking makakasama, nagpunta muna ako sa National Bookstore at naghanap ng pwedeng basahin at ipasabook. Pero ilang minuto pa lang ay lumabas na agad ako dun kasi naman, SOBRANG INIT! Hindi yata uso ang aircon sa branch na yun. Antay pa ng konti sa aking kasama na pangalanan na lang nating Pnoy at nung dumating siya ay diretso na agad kami sa aming destinasyon. Sa 19 East para mapanood ang paborito kong banda na Up Dharma Down.

8:00PM - Pagdating namin dun ay wala pang tao. Takte nagtanong kami, 10pm pa daw. hahahaha Kaya naman lumamon muna kami ng kangkong na may peanut sauce w/ lechon kawali toppings, pinaputok na tilapya na mukhang hiniwaan lang sa tagiliran at special pandan iced tea. Unang tikim ni Pnoy sa iced tea niya, sobrang tamis daw tapos pagtikim ko dun sa akin, sobrang pait naman. Parang huling nilagyan yung sa akin kasi tumining na yung tsaa. Buti na lang nadaan sa yelo at masayang kwentuhan.

Maagap kami pumasok dun sa bar after kumain kasi sabi ko baka mawalan kami ng pwesto. Pagpasok namin, ayun kami ang kaunahan LOL Dun kami sa malapit sa stage. Minsan lang 'toh kaya nilubos-lubos ko na.

10:00PM - Nagsimulang tumugtog ang Hidden Nikki. Ayus naman ang tugtugan nila at kyut ang vocalist. Yun nga lang parang hipid na hipid ang buhok niya ate Charo. LOL 



ang larawan ay ninenok sa kanilang FB page 

Sumunod ang Radioactive Sago Project. Actually di ako nakikinig sa kanila kasi kala ko rakrakan din sila tulad nung iba. Pero di pala. Ang galing nila infairness. Kahit isa o dalawang salita lang yung lyrics at paulit-ulit lang, hindi siya nagmukhang trying hard kasi  kering keri nung mga instrumento na gamit nila (hindi ko alam ang tamang term). Tapos kyut din yung parang DJ dun na band member daw ng Keso.


ang larawan ay ninenok sa kanilang blog


At  sa wakas, tumugtog din ang aking fave band: Up Dharma Down. Pootek inlove na ko kay Armi (vocalist ng UDD). Ang ganda niya este ng boses niya at walang pinag-iba yung live version. Napatulala na nga lang ako hanggang matapos yung set nila eh. Akala ni Pnoy di ako nag-enjoy kasi daw di ako naimik. hahaha pero sa totoo lang siksik, liglig at nag-uumapaw ang kasiyahan ko kasi narinig ko silang tumugtog ng live. 

  
ang larawan ay ninenok sa kanilang FB Page

2:00AM - Tapos na ang gig. Pauwi na kami pero sobrang lakas ng ulan. Wala akong dalang payong. Ang dala naman ni Pnoy eh yung trusted mini-payong niya kaya inantay na lang namin yung ipapahiram ni manong gurad na jumbo payong na hanggang gate lang ang renta. Habang inaantay ang payong, eh ginawan namin ni Pnoy ng istorya ang fountain na nasa harap namin. LOL May drama, horror, sci-fi. fantasy at kung anu-ano pang kwento ang nabuo namin. Saya lang.

Paglabas namin ng gate, ayun nagtampisaw kami sa ulan. Pootek yan nakuha pa ni Pnoy magbiro, tinatanggal yung payong. Adik! :D Nahiya tuloy ako sumandal sa bus na sinakyan ko kasi basang basa yung likod ko ate Charo. Hindi ako nakanakaw ng tulog.


4:00AM - Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, diretso tulog na ko. Bahala na kung lagnatin mamaya. Sulit na sulit naman ang lakad :D 


PS.

Wala akong piktyur na nakuha kasi napatulala na lang ako nung nagsimula na silang tumugtog. Wala na kong ginawa kundi tumutok at makinig sa kanila :)) 

Salamat Pnoy sa pagsama sa akin last Friday! Sa uulitin \m/




Friday, October 7, 2011

Tara na't magbulakbol kasama ang bolero :)




Alona Kew Beach Resort in Bohol


Anurin man ng dagat
Patagin man ng panahon
Di kailanman mawawala
Ang bakas nang minsa'y doon nagbulakbol




Hindi po ako kasali. 

Suporta lang ito sa pa-contest ng aking kaibigan na si Bulakbolero. 

Para po sa  mga detalye ng paraan ng pagsali, i-click lang po ito. 

Kitakits sa finals! :D

Wednesday, October 5, 2011

Perfect Destination



d2 n q mla, san ka?

Andito na pala si Gian, saan na naman kayang lugar nagmula yun? Parang last time sa Baguio yata o somewhere north siya nagpunta eh. Hindi na talaga natigil ang paa nun sa kagagala. 

Hindi ko muna sinagot ang kanyang text kasi sigurado...

Boy you got hearbeat runnin' away
Beating like a drum and its coming your way 
Can't you hear that boom badoom boom
Boom badoom boom bass
(malakas na pagtunog ng aking telepono)

Ang tagal mo namang sumagot Hannah

Eh sorry naman napasayaw kasi ako sa ringtone ko. hahaha o bakit ka napatawag?

Di mo ba nareceive text ko?

Nareceive.

E ba't di ka nagreply?

Kuya, atat? May pupuntahan? Haha Alam ko kasing tatawag ka kaya inantay ko na. O e ano bang bago? Sang lupalop ka na naman napadpad?

Secret. Pero may good news ako sa'yo. Finally nahanap ko na siya.

Tao ba 'to? Hayop? Lugar? Pangyayari?

Haha adik ka talaga Hannah. Natatandaan mo ba yung kinuwento ko sa'yo? Kung bakit ako gumagala?

Weh? Nahanap mo na yung lugar na gusto mong tirhan? Saan?

Kaya nga ko tumawag eh. Kasi isasama kita dun.

Takte baka malayo? Pagpaalam mo muna ko kay mama.

Nagpaalam na bago pa ko tumawag sa'yo. 

Wow. Pinaghandaan talaga.

Siyempre.Kaya maligo ka na, suot ka ng maganda ha.Tapos dalhin mo si Bugoy, magpapapiktyur tayo.

Takte demanding ka na ngayon? Sige sige punta na lang ako dyan sa inyo.

Habang naliligo ay hindi ko mapigilan na mapangiti. Sa wakas eh matitigil na rin Gian sa pagliliwaliw kung saan-saan. Simula pa nung highschool eh pangarap na niyang gumala. Lagi kasi niyang sinasabi, may gusto siyang puntahan. Yung lugar daw na magbibigay sa kanya ng true happiness (ang arte lang!) at peace. Di daw siya titigil hangga't di niya natatagpuan ang place na yun. Siyempre bilang kaibigan niya sabi ko pag dumating yung time na yun eh isama niya ko. Haaay bat bigla naman akong nalungkot? Sana malapit lang yun para makikita ko pa rin siya.

Diretso agad ako sa kanila pagkatapos kong magbihis. Dala-dala ang regalo niyang camera na si Bugoy ay nagsimula na akong kumatok sa kanilang pinto.Nakailang katok at tawag din ako pero walang sumasagot. Aba, hindi na yata nakapaghintay si Gian. Mukhang nauna na. Pambihira talaga.

Aalis na ako ng tumunog ang aking telepono.

Boy you got hearbeat runnin' away
Beating like a drum and its coming your way 

O nasan ka ba? Kanina pa ko kumakatok eh.

Relax lang. Pasensya na hindi kita narinig. Sige pasok ka na dito ko sa taas.

Ang dilim naman dito kina Gian. Naputulan ba sila ng ilaw? 

Pag-akyat ko ay nakita ko si Gian na nakaupo sa may terrace.
Hoy Gian, sarap ng upo mo diyan, akala ko ba aalis tayo?

May sinabi ba ko na aalis tayo?

E sabi mo nahanap mo na yung lugar na gusto mo dun ka na magsstay.

Nahanap ko na nga.

Hinila ko siya sabay sabing: o e di tara na!

Pero nagpabigat lang siya at muntik na akong malaglag. Buti na lang tumayo na siya at napayakap na lang ako sa kanya.

Matagal ko na palang nakita yung lugar na hinahanap ko eh.

O e san ba?

Pwede ba makinig ka muna.

Ok.

Dami ko ngang lugar na pinupuntahan. Pero kahit naging masaya ako parang laging may kulang. Akala ko kung ano... sino pala.

Ha? Kala ko ba lugar? Ba't naging tao.

Magulo eh. Pero pwede na ba tayong magpapiktyur?

Ha? Saan ba?

Dito lang.

Ito na yung lugar/tao?

Hannah, pagong ka ba?

Hahaha, slow ba? Sorry di ako makahabol. 

Sa totoo lang kahit nakukuha ko na yung gusto niyang sabihin, hindi ko pa rin maabsorb.

Iniharap niya ako sa kanya at tinignan ako sa mga mata.

Nahanap ko na yung lugar Hannah. Diyan ko gustong tumira. Sa puso mo. Kaya i-ready mo na yang si Bugoy at magpapiktyur na tayo. Sa wakas, alam ko na kung saan at kanino ako magiging masaya. Ikaw lang pala, pwede ba kong tumira diyan Hannah? Kahit rent-to-own lang muna. Huhulug-hulugan ko ng pagmamahal ko sa'yo.

Boy you got hearbeat runnin' away
Beating like a drum and its coming your way 
Can't you hear that boom badoom boom
Boom badoom boom bass

Sakto. Galing ng timing ng telepono ko. Sasagutin ko na sana pero pinigilan ako ni Gian.

Si tita yan, makikibalita lang. Wag mo na yang sagutin, ako na lang.

Tanggal Stress na Ngiti


Siksikan man at tulo ang pawis
Dito sa MRT na minsa'y nakakabwisit
Isang ngiti mo lang huhupa na ang inis
Sa aking pagbaba, pakiramdam ko'y nasa langit 





Salamat sa mabubuting sponsors ng SMILE Quotes Contest : Field of Dreams, Alohagems on Squidoo, ISP101 at from the dungeOn.


piktyur ni Anne galing dito

Tuesday, October 4, 2011

FB Stat (9) Password Protected





************

INVALID PASSWORD

************

INVALID PASSWORD

************

INVALID PASSWORD

************
BLOCKED!




Kahit anong decrypter pa ang ihain ni Google sa'yo
Hindi mo na mahuhulaan ang password sa puso ko.


piktyur galing kay google

Monday, October 3, 2011

Day 9

Gud morning po tita


Anong ginagawa mo dito? Lakas din naman ng loob mong walangya ka!


                        Ma, walang kasalanan si James.


Tita, let me explain...

Ngayon ka pa mag-eexplain, nasan ka nung dinala si Celine dito sa ospital


                        Ma, alam mo naman na...


Madami lang po akong inasikaso, kailangan ho ako sa kumpanya.


Letcheng trabaho mong yan, uunahin mo pa kesa sa anak ko?Aba mabuti pang yan na lang trabaho mo ang pakasalan mo.


Tita nagpunta po ako para dalawin si Celine. 


                        Ma, please tama na. 


Pasalamat ka ikaw ang pinili ng anak ko. Pagalit na sabi ni Mama bago lumabas ng pinto.


Hi babe, kamusta na?  Mukhang highblood si tita ah. Malamang nawalan ng sustento.


                       Shhhh hayaan mo na lang si mama. I'm ok. Eto hindi makagalaw. I miss you babe.


I miss you babe. Kelan ba ang gising mo? Tinatanong ka na ni Papa. Actually hindi ko pa sinasabi sa kanya ang nangyari. Ang sabi ko lang you went on a vacation.


                        Why?

Papagalitan ako nun at siguradong irereto na sa mga anak ng kumpadre niya. I'm sorry babe, pero kilala mo naman si Papa di ba? 


                        Naiintindihan ko.


Alam mo namang ayaw niya sa relasyon natin di ba? Mababaw pero...writer ka kasi. Sabi ko naman sa'yo, kaya naman kitang buhayin. Hindi mo na kailangang magsulat kung saan-saan at lalong hindi na lalabas ang pangalan mo sa mga pipitsuging pocketbook na yan. All you have to do is marry me. Ganun kasimple. Pero ang tigas- tigas ng ulo mo, ayaw mo pa ring magpakasal. Tignan mo ang nangyari.


                         James, alam mo namang first love ko ang pagsusulat.


Kapag nagising ka na, magpapakasal na tayo. Ititigil mo na yang pagsusulat mo. I'm serious Celine.

                         Pero...

I have to go babe. May meeting pa kami, tinatawagan na ako ni Papa. I'll see you, pagaling ka na.


                         I love...


Bago pa man ako matapos ay marahang nang sumara ang pinto.




                      





Day 1

Hi


...hi din


Pasensya ka na ngayon lang ako nakadalaw, matagal ka na pala dito sabi nung nurse na nakausap ko


hindi ko alam, i've lost track of time. Palagi kasi akong tulog.


Ok dito,  hindi ka nila papabayaan. Pero wag ka masyado maging kumportable ha, mas masaya pa ring umuwi sa sariling bahay

Kelan daw ba ko lalabas? Naiinip na ko.


Baka matagalan ka pa daw sabi ng doktor  pero depende pa rin yun sa'yo


Pinipilit ko na ngang gumising eh


Pero wag mong pilitin, baka lalo kang mapasama. Take your time hanggang kaya mo na. Palagi naman kitang dadalawin dito para hindi ka mainip. Kukuwentuhan kita. Pagpasensyahan mo nga lang mga kwento ko


Bakit naman?


Sabi kasi nung nurse writer ka daw, baka yung mga imbento kong kwento di pumasa sa'yo. 


Ok lang yun. Di naman ako choosy baka nga magka-idea pa ko sa susunod na librong isusulat ko.


Pagaling ka ha.

Seriously, natatakot ako baka hindi na ako magising.


Hindi ko inasahan na hahawakan niya ang aking kamay na nagdulot sa akin ng kakaibang pakiramdam.


Huwag kang matakot, gigising ka din miss. Relax ka lang diyan.


Sir, kung sino ka man na humahawak sa kamay ko salamat. Hindi ko maexplain pero somehow parang nawala yung takot ko. Salamat dahil naiintindihan mo ko, hindi ko pa yata talaga kaya eh may nararamdaman pa kong kirot. Huwag kang mag-aalala gigising talaga ko. Para kay mama. Para kay James. Para na rin sa'yo. Gusto kitang makilala.


Pero habang tulog pa ko pwede bang humingi ng pabor? 

Hawakan mo lang ang kamay ko, wag kang bibitaw. 





Sunday, October 2, 2011

Butones

Sa post ng isang blogger friend na pangalanan na lang natin na an indecent mind, ay inihambing niya ang relationship natin sa iba sa mga butones ng ating damit. Syempre nakarelate ako, kasi that time ay nagkaroon kami ng misunderstanding ng isang kaibigan kaya nga nagcomment ako sa post na yun nang ganito:

medyo may ibang maluwag na ang pagkakasulsi na butones sa damit ko pero inaayos ko na :) 

Update lang 'to guys, just wanna share the good news.

So ayun nga, magbibirthday pa lang ako at nag-iisip kung iimbitahin ko ba siya. Honestly, natatakot ako. Sa loob kasi ng  4 na buwan na magkakasama kami sa iisang opisina at iisang cubicle ay hindi kami nag-iimikan. Di ba baka hindi lang ako pansinin?

Nilakasan ko lang yung loob ko kasi namimiss ko na siya at ang barkadahan namin. Buti na lang talaga, kasi ang sagot na nakuha ko ay YES at eto pa, nakalaan na daw talaga yung araw na yun para sakin :)

At yun nga nung dumating yung araw ng salubong ng birthday ko, ay dumating siya at sobrang saya naming magbabarkada. Parang bumalik lang kami sa college days. ANG SAYA!



Siguro nga binigyan lang talaga kami ni Lord ng panahon para mag-isip. Isipin kung hahayaan ba naming masira ang aming pagkakaibigan para lang sa mga bagay na pwede naman pag-usapan.

Salamat po sa pinadala Niyong  messenger para maging daan para matauhan ako at sa courage na binigay niyo sa akin para ayusin at higpitan ang maluwag na pagkakatahi ng butones sa aking damit. Thanks Bro!

Ngayon, eto andito kami sa opisina nilalantakan ang dala kong siomai at eksayted na rin kami para mamaya kasi manonood kami ng sine. Bonding time! Salamat po ulit Bro!

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design