Thursday, May 17, 2012

Birhen



Marahan kong ipinasok ang aking kamay sa kanyang palda. Dinama ang nilalamig niyang binti. Hinagod ng tingin ang kanyang kabuuan. Matapos ay hinaplos ko ang kanyang buhok at inilapit ang aking mukha upang simsimin ang bango nito.

Hindi na ako nakapagpigil. Inilabas ko ang ilang dadaanin mula sa aking pitaka at ibinigay sa babaeng kanina pa naglalaway sa tabi. Tuwang tuwa siya. Ang hindi niya alam doble pa nito ang sayang nararamdaman ko. Sa wakas. Birhen.

****

Ipinasok ko siya sa kwarto, dahan-dahang inihiga.Ilang butil ng pawis ang nagmantsa sa kobre kama nang magsimula akong gumapang dito.

Maya-maya pa’y sinimulan ko na.

‘Happy Birthday to you. Happy Birthday to you. Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to youuuuuuuu. Happy Birthday Annie! 


Nakangiting bumangon ang aking anak. Hinanap agad ng kanyang mga mata ang aking dala, ito yung matagal na niyang hinihiling sa akin. Sana’y magustuhan niya ang regalo kong manika. Bagong manika.

12 comments:

  1. hahaha muntik na ko mag-isip ng kung ano-ano! lels

    ReplyDelete
  2. yay.. nung una akala ko pwede nang pang-tiktik yung binabasa ko.. galing ng pangbawi hehe

    ReplyDelete
  3. panalo! akala ko kung ano na. galing!

    ReplyDelete
  4. hahaha may nalalaman ka pang pasok pasok ng kamay sa palda ah!

    lels ka!

    ReplyDelete
  5. mahirap talagang lagyan ng kulay ang mga bagay. mabuti na lang may tanduay ice. eto masarap lagyan ng kulay...ahihi!

    ReplyDelete
  6. Ang green ko pala.. Iba naiisip ko..ehh madaling arawba naman basahin to hahahaha..

    ReplyDelete
  7. eto ang version ko ng kwento mo:

    binayaran ni kuya 'yung babae para makaraos. bumili ang babae ng manika gamit ang perang pinambayad ni kuya. umuwi ang babae. ibinigay ang manika sa magbi-bertdey na anak. the end.

    ReplyDelete
  8. ur pretty good w/ ur story... lahat kung ano ano ang inisip nah... buti akoh nde.. haha.. tlgah lang.. lolz.. yeah napadaan lang... take care.. Godbless!

    ReplyDelete
  9. I like your think and your article is so good that,s why I like your blog.
    escorts in kanpur

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design