Monday, January 28, 2013

Pasabook 19 Result

Ito na po yung result ng pasabook natin para sa buwan ng Enero. :D







Congrats Hazel! Send mo na lang sa e-mail ko (hartlesschiq@gmail.com) yung contact details mo ha! 

Sa susunod na pasabook ulit guys! Babayush!

Thursday, January 17, 2013

Pasabook 19





Sabi ko nga sa tweet ko tungkol dito, kwela pero alam mong totoo. Simple pero sapul. Mga tanong na in your face na nga ang sagot, nangungulit ka pa rin sa katabi mo (in this case kay sir Ramon Bautista) at umaasang mababago ang iyong kapalaran.   
 
Tandaan: Ang librong ito ay hindi naglalaman ng secret recipe para sa isang long-lasting relationship. Ito ay pangwasak ng iyong mga pantasya at assuming powers. Kaya naman kung ready ka nang humarap sa katotohanang wala ka talaga pag-asa kay Girlie o Boylet, hala sige sumunod lang sa mga nakasulat sa baba. Malay mo ikaw na ang makakuha nito. :)


1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas. 

2. Mag-iwan lamang ng komento na sumasagot sa tanong na:  Bakit hindi ka crush ng crush mo?   

3. One entry per blogger lang po.

4.Hanggang January 27 (Sunday) lang na mga komento ang kasali sa bobolahin.

5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa January 28 (Monday) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong contact details (syempre kasama na yung buong pangalan  ). 

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design