Thursday, June 6, 2013

Laro ng Buhay


'Nak gising na

Tinignan ko ang orasan.

6:15. 

Konti pa. 

6:30 pramis babangon na ako. Sabay talukbong ulit ng kumot.



'Nak gising na. Mas malakas ang boses ni inay ngayon.

'Nay, opo babangon na. Inaantok ko pang sagot sa kanya.

6:28.

Dalawang minuto pa.



6:30

Kinusot ko ng ilang ulit ang aking mga mata. Nagtanggal ng muta sabay bangon. Sinuot ang tsinelas para pumunta sa banyo. Bago ko pa buksan ang pinto ng aking kwarto ay narinig kong muli ang sigaw ni ina.

'Nak gising na
'Nak gising na
'Nak gising na

Nay gising na ho. Maliligo na nga.

Subalit hindi pa rin natigil si inay sa pag-gising sa akin. Maya-maya pa'y narinig ko na ang paghagulgol niya. 

'Nak gising na
'Nak gising na
'Nak gising na
Michael gumising ka, wag mo kaming iwan. Anak!!!!!!!!!!!!!!!


Tumakbo ako pabalik sa kama. 

Nagtalukbong ng kumot at pumikit.

Ngunit hindi na ako muling nakatulog.

At hindi na rin ako muling nagising.




*sort repost na parang hindi. :) nakikithrowback Thursday din sa post.

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design