Gusto ko Paglaki ko

Madaming pangarap, mga "gustong maging" sa buhay. Ngunit habang lumilipas ang panahon, sa pag-abot ng mga pangarap na ito ay may naiiwan na mumunting mga bagay na nais nating balikan. Balikan kasi hindi mo alam kung anong saya o lungkot ang maidudulot nito sayo o kaya naman iniisip mong baka nagbago ang takbo ng buhay mo kung hindi ka natakot na sumubok gawin ang mga bagay na ito. Na kung kelan huli na o yung kaya pa ng utak ngunit sinusukuan na ng katawan, saka pa natin gustong gustong gawin.

Kaya naman sa post kong ito, isusulat ko ang mga bagay na sa palagay ko eh sana matagal ko nang nagawa o naachieve at gusto kong maaccomplish habang kaya pa ng powers ko. At i-uupdate ko din siya kung halimabawang mayroon akong nagawa sa mga nakalista o kaya mayroong mapapadagdag.



1.Magcartwheel

2. Magdrive

3. Wall climbing, zipline etc. basta yung parang adventure camp.

4. Sumakay sa rollercoaster/space shuttle

5. Mag-enroll sa dance class

6. Learn a foreign language

7. Malasing

8. Makatakbo ng ilang laps sa oval

9. Makapagluto ng dinuguan

10. Matutong mag-apply ng make-up

11. Makicrash sa isang party

12. Skinny dipping

13. Magpakulot ng buhok

14. Makakain sa Kaffe Razzo - NA

15. Maggitara/Piano

16. Gumawa ng fondant cake

17. Magsuot ng dress

18. Magpatattoo

19. Umakyat sa Mt. Banahaw o sa kahit anong bundok

20. Kumanta kasama ng band.

21. Mag-alaga ng hayop

22. Pumunta sa Italy or magtravel sa Europe

23. Maligawan

24. Get married and have kids

25. Makapagpublish ng book

26. Sumali sa fun run.

Post a Comment

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design