January 1, 2013
Happy New Year Madz!
Hope this year will be a better year. Improvement lang sa lahat ng
aspect and I’m sure magiging ok ka. Remember that you are not alone. You always
have Him and your family. The RIGHT GUY may come this year but do not despair
if he didn’t. Just take care of yourself and prepare when that time comes.
Please, guard your heart & think a hundred times before doing
something. Of course, STAY POSITIVE as always. Enjoy your travels. Meet people,
learn new things & HAVE FUN! :) Stay beautiful girl
& reach for the top! Excel in your work and you’ll see good results!
2013 is Madz’s year!!!
Remember:
*Be honest
*Don’t be afraid to get what you want
*You can have it…Want it & get it!
Sumulat ako sa sarili ko noong bagong taon (Jan2013) at yung nasa taas
nga ang laman. Reading this, bumalik yung mga nangyari sa akin and I can say
that I’m truly blessed this year.
Career:
Napromote ako, sa wakas (March)! :D Dagdag responsilibidad pero ok lang. Mas
challenging , mas nakakaganang magtrabaho. I’m aiming for the next position,
konting lakas ng loob pa. :)
Health:
Na-ospital ako this year (June). Reminder siguro na
kailangan kong bantayan at panatilihing malusog ang aking sarili. Ayun, may
nakakapansin naman ng mga pagbabago. Sana matuloy-tuloy ko pa.
Spiritual:
Tuloy pa rin ako sa pakikinig sa preaching ni Bro. Bo
Sanchez. Malaki yung nagawa nito para sa akin at sa family ko. Next year,
sisikapin ko na mas madalas pumunta sa PICC kesa makinig lang online.
Recreation:
Di pa rin nawawala ang pagka-adventurous ko sa pagsubok na
magtravel mag-isa. This year bukod sa b-day trip ko sa Ilocos (September),
first time ko rin nakapag out of the country (Singapore – February). Tapos year
end gala ko na yung sa Corregidor, kasama naman ang friends (Nov-Dec.).
At isa pa palang nacross out sa bucket list ko ay pag-akyat
sa bundok (Pico de Loro – September)!
Maraming gala at pag-akyat sa bundok pa sana next year!
Finances:
Although maraming kagastusan ngayong taon, finally naisipan
ko na ring magbukas ng account sa bangko. J
Kailangan ng mag save para sa future hihihi
Relationship:
Konting kwento lang: May isa akong guy na nagugustuhan na
nakakasama ko paglabas-labas. We were
doing ok, then suddenly parang may bumulong sa’kin (gut feel) na I needed to
wait and be sure of my feelings for this guy. So I asked him to give me time
and he agreed. But things suddenly become sour between us. We unfriended and
unfollowed each other. To cut the story
short, FO (friendship over) ang kinalabasan. I was disheartened and then
grateful na rin at the same time. Dismayed,
kasi we were friends eh. I value him more than my feelings for him
that’s why I asked for space. But I think, he didn’t understand my point. I
hope in time he does. I am grateful
because I wouldn’t be this happy today if I rushed into things.
This year, nasimulan ko na maging priority ang sarili ko
above all else. Narealize ko na hindi naman ako pwedeng magbigay ng wala naman
ako sa sarili ko. I also learned to cherish the people who pushes me to be the
best of myself and let go of those who does nothing but break my heart.
Kailangan ng mag-evict para magkaroon naman ng espasyo para sa mga taong gustong
pumasok sa buhay ko.
Volunteer Opportunities:
Sobrang blessed ako pagdating dito. At nagpapasalamat din
ako sa mga indibiwal at grupo na nagtitiwala sa akin at sa kakayahan ko. Huwag kayong mag-alala, hangga’t kaya di ako
mawawala. :)
Family:
My mom got sick this year. Sobrang hirap para sa amin ng
pamilya ko dahil wala kaming magawa kasi magkalayo kami. Emotional
rollercoaster talaga ito para sa amin. Pero thankful dahil hindi Niya kami
pinabayaan. All our prayers were answered at tignan mo naman ngayon, makakasama
pa namin siyang mag Pasko dito sa Pinas. :D
Sa lahat ng nangyari sakin ngayong taon, masuwerte pa rin
ako dahil naisulat ko itong lahat. I’m blessed to be alive. At sana sa mga
susunod na taon marami pa akong babalikan na mga pangyayari sa buhay ko.
Merry Christmas and Happy New Year! :)