Pages

Thursday, January 6, 2011

Shed

Pag may dumaan na sampung jeep na walang sakay aalis na ko.


"hon,san ka na?"
"d2 q sa may shed nina pa,san knb?"
"sorry hon may inutos pa si mama,papunta na rin ako jan"
"cge."


Isa...

Dalawa...

Palagi na lang late si Santi.

Tatlo...

Nakakasawa na.

Apat...

Lima...

Ako naman si tanga kinukunsinti,nasanay tuloy.

Anim...

"hon, im on my way na.30mins."

Katatapos ko lang ubusin ang sandwich na baon ko nang mabasa ang text niya.Sana pala nagdala na rin ako ng mani.

Pito...

Mapapanis na naman ako dito sigurado.

"hon sori ha palaging late.malapit na talaga.luv u"

"k lang,w8 kita.luv u 2"

Walo...

Dalawang jeep na lang,alam ko darating na siya.Sana.

Siyam...

"Babes, wait m q puntahan ko lang si Olive sa may shed. Promise, aayusin ko na 'to. I love you"

....

....

....

....

Sampu...

"wrong send ka Santi"

Dumaan na yung sampung jeep pero parang hindi ako makatayo.


Mamaya na lang siguro,



kapag may dumaan na gold na taxi...



uuwi na ko.






Tuesday, January 4, 2011

Hula (3)

“Goodmorning”
“Bigla na lang ako nakatulog, ang tagal mo kasi”
“Pansin ko nga, ayan oh may mapa na sa unan mo.”
“Kapal mo talaga. Gusto ko yata ng pizza”
“Bawal pa sa’yo yun. Saka na pag nakalabas ka na dito”
“Apat lang naman”
“Yun na nga eh, apat pa gusto mo. Sabagay yun nga pala ang normal sa’yo”
“Ang yabang mo din. Naku kapag pala magkasama na tayo bye bye na sa peyborits?”
“Hindi naman. Sana lang alam mo yung eating in moderation”
“Whatever.”


Salamat? Ano yun? Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matuwa o manlumo sa sagot niya. Uulitin ko pa sana ang pagtatapat ko ng bigla siyang tumayo at magpaalam. Inalok ko siyang ihatid pabalik sa kanyang trabaho pero tumanggi na si Andi.

Ilang araw na ang nakakalipas subalit hindi pa rin siya nagpaparamdam. Naubos na yata ang load ko sa pagtetext at pagtawag subalit napanis lang ako kahihintay sa kanyang sagot. Pinuntahan ko na rin siya sa kanyang trabaho subalit sa tuwing darating ako ay masyado siyang tutok sa trabaho o kaya nama’y palaging nasa banyo. Akala siguro niya ay susuko na ako pero mas lalo pa akong nagpursige sa panunuyo sa kanya.

“Lakas din ng radar mo Xander, pano mo nalaman na nandito ko?”

“Masyado na kasing routine yung ginagawa mong pagtatago sakin Andi, kaya nagcreate ka na ng pattern nang hindi mo napapansin”

“Gumaganon ka pa? Hindi kita pinagtataguan, di ka lang talaga magaling sa pagtiyempo.Salamat nga pala sa mga text at tawag. Medyo busy lang talaga eh. Tsaka huwag ka nga palang magpadala ng bulaklak. Parang flowershop na yung bahay namin. Kamusta?"

“Andi, alam mo bang nagpahula ako?”

“O tapos?”

“Sabi kasi nung manghuhula mamatay daw ako pagdating ko ng 25”

“Sus maniwala ka naman dun, hula nga eh di ba?”

“Hindi naman kasi pumapalya Andi kaya parang naniniwala na ko”

“Bakit may sakit ka ba Xander?”

“Wala. Sabi kasi nung manghuhula yun nga mamatay daw ako ng maagap pero makukuha ko daw lahat ng gusto ko. Parang ngayon nga lang pumalya”

“Paanong pumalya?”

“E kasi, bente singko na ko next year pero yung pinakagusto ko hindi ko pa nakukuha”

“Ano bang pinakagusto mo?”

“Yung mahalin mo ‘ko”

“Ayusin mo buhay mo Xander, di ka nakakatuwa.”

“Inayos ko na Andi. Wala na kami ni Cyril.”

 “Ah ok”

“Andi anong ok?”

“E di hiwalay na kayo ni Cyril. The End. Congrats”

“Lupit mo talaga Andi. Next year na yun.”

“Ipakontra mo kaya”

“Alin yung hula?” 

“Oo. E mamamatay ka na pala.”

“Pwede ba yun? Patawa ka naman Andi, tsaka bakit bigla kang concerned?”

“Pag gusto may paraan, pag ayaw maraming dahilan Xander, nalimutan mo na ba? Naku ewan ko sa’yo, pambihira nakuha mo na nga yung gusto mo ayaw mo pang ipakontra.”

“Ano?”

“Hindi ano, sino”

“Sino?”

“Ako.”


Sunday, January 2, 2011

Moving on...

"Huwag ka na kaya pumunta,baka mapahamak ka lang."

"Kailangan ko lang naman peace of mind,sana ibigay na nila yun. If ever di ako makabalik,alam mo na..."

Seryoso,natatakot din ako. Matagal ko na itong pinagpaliban at pinipilit burahin sa aking isipan. Pero hindi ko pala kaya.Kailangan kong malaman ang totoo, kung ano man ang kalabasan nito,siguro ito talaga ang para sa'kin...

Last attempt na 'to. Sana mabuo na ang kulang na piraso ng kwento mo...

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design