Madalas kapag nasisimulan tayo sa umaga ng isang di kaaya-ayang pangyayari (hal. pagka-late sa trabaho dahil hindi gumana yung alarm ng telepono), pakiramdam natin parang may chain of bad vibes na throughout the day. Yun bang nag-aabang ka na kung ano pang kamalasan ang pwedeng mangyari na hindi na natin napapansin na meron din namang magandang nangyari sa atin sa araw na yun.
Nagkaroon ng proyekto si Pablo Quaderno kasama ng ibang taga-Tumblr na tinawag nilang
Blog Mo, Ipasuot Mo. Layunin nito na damitan ang mga kabataang salat sa maayos na pananamit katulad ng t-shirt na mayroong tatak ng blogname at url ng magdodonate. Simpleng gawain subalit siguradong malaki ang maitutulong sa kapwa lalo na sa mga kabataan.
Bago pa ang mismong araw ay nagkaroon muna sila ng group sa FB na siyang naging daan upang malaman ko ang kanilang proyekto at walang pasubali naman akong nagsabi na susuportahan ko sila. Subalit sa mga hindi inaasahang pangyayari ay hindi ako nakadalo sa kanilang mga pulong at hindi rin ako nakapagbigay ng t-shirt (loser lang noh).
Pero gusto ko talagang sumama kaya naman kinapalan ko na yung mukha ko at nagtanong kay Paq kung pwede ba akong sumali kahit wala naman akong dinonate kumbaga manpower yung maiaambag ko sa araw na yun. At sa awa ng Diyos, pwede naman daw.
Feb. 19, 2012
Maagap akong gumising para makarating sa tagpuan. Isang tao lang ang kilala ko dun sa group kaya naman nung hindi ko siya macontact, parang nag-alangan akong pumunta. Mahiyain din naman ako paminsan-minsan :D
Natuloy din naman ako pero ilang minuto akong nakatingin sa kanila mula sa malayo kasi nga wala yung contact ko. Paano ko sila nakilala? Yung isa dahil sa bangs tapos yung isa, sa mukha nung nakasideview siya. Nung may nadagdag pang isa sa grupo nila, sabi ko na lang: sige na nga maghapon ko din naman silang makakasama so simulan ko na ngayong makipagbonding. Maya-maya pa ay dumating na yung kakilala ko at yung may pasimuno. Off we go to our destination.
Binalak namin na magdala na ng makakain ng mga bata, pero nag-inarte ang crew dun sa fastfood na bida ang saya. Kaya naman bahala-na-mamaya-sige-padeliver-na-lang-tayo ang emote namin pagpunta sa park na walang tao.Yep, bokya, itlog, nada, zero ang population sa park. Buti na lang may plan B sila (feeling ko nga hanggang plan Z meron eh :D ) kung saan nakasalamuha namin ang mahigit 30 kabataan.
So ano ang nangyari sa ilang oras na yun?
PURE FUN! Pak na pak yung palaro ni Joleah na dodge ball (ang galing nilang umilag, meron pang nagha-high jump) at the boat is sinking (nauna kami, nauna kami!!!) Tapos nung bigayan na nung t-shirt kanya kanyang sigawan per group at matunog na matunog yung The Karakas nadaan yata sa kulay ng shirt LOL. Bagamat may ilan na hindi nakatanggap ng t-shirt, bumawi naman kami sa pagkain. :D Lahat eh umuwing busog. Pati kami busog din hindi man sa pagkain pero dun sa feeling na nagtagumpay yung unang sabak. Yeah boy!
Maswerte din siguro kami sa mga batang nakasama namin kasi madali silang sumunod at hindi masyadong pasaway. Bonus pa yung mga magagaling bumanat at hataw pumose kapag piktyuran na (hello kay antonette sa gabi :D )
Isa nga lang yata ang hindi natuloy dun sa plano eh, yung inspirational speech ni Joleah. Sayang inabangan ko pa naman.
After that day, dun ko narealize yung sinasabi ko sa itaas. Madami ngang nangyaring hindi naman kasama sa plano pero in the end maganda pa rin ang kinalabasan. Masasabi ko pa ngang pumabor pa ito sa akin.
1. Kung hindi na-late si Paq, hindi ako maglalakas loob na iapproach sina Joleah, Jaypee at Julianne at makipag-usap sa kanila. Salamat po sa masayang araw at bonding moments natin :) Nice meeting you din po ser JH Alms at Dwayne.
2. Kung hindi nag-inarte si ate crew ng fastfood kung saan bida ang saya, malamang madami sa mga bata doon ang hindi makakakain (20 lang kasi yung plano naming bilhin).
3. Kung may tao dun sa park na una naming pinuntahan, e di siyempre di namin makikilala yung mga batang very attentive at sobrang taas ng energy.
4. Kung hindi ako pumunta, paniguradong mas magiging malungkot ako kasi hindi ko makikitang nag-eenjoy at nakangiti yung mga bata. Humbling experience. Mapalad talaga ako na napasama sa unang sabak ng proyektong ito. Salamat po! :D
Isa ring patunay nito ay yung isa sa mga bata nung araw na yun. Malaki yung t-shirt na napapunta sa kanya, kaya naman sinabi ko na makipagpalit na lang siya dun sa maliit ang nakuha. Imbes na sumunod ang sinabi niya sa akin ay ok lang daw na malaki yung size kasi ibibigay niya na lang sa tatay niya. awwww natunaw ako dun.
*************
Sa hinaba-haba ng post ko, gusto ko lang naman sabihin e kung hindi man kayo nakasama sa unang sabak ng proyektong ito, may susunod pa po! :D Maaari pa rin po kayong magbahagi ng panahon, pera at lakas para makatulong sa iba. Kung wala man dyan yung kaya niyong ibigay, sige lang ibigay niyo lang. Basta ang alam ko lang at naniniwala ako na MAY MAGAGAWA KA! :)
Magkita-kita po tayo sa susunod pang mga proyekto. Abangan lamang po ang iba pang updates sa kanilang
blog at FB group.