Mag-isa akong pumasok ng kwarto. Maaga pa subalit parang gusto ko na agad magpahinga. Pabagsak akong humiga sa kama na parang ginagaya ang isang komersyal noon sa tv. Ang kaibahan nga lang pagal na pagal ang aking katawan at ramdam na ramdam ko ito sa paglapat pa lang ng aking ulo sa unan. Tila hinihele ako ng mga tubig na pumapatak sa bubungan, musikang nag-aanyaya sa isang masarap na pagtulog. Unti-unti na akong naiidlip nang malanghap ko ang simoy na palaging nakakapagpatindig ng aking balahibo. Subalit iba ang araw na ito. Pagod ako.
Dad...
Hmmm...
Wala akong balak sumagot subalit automatic na ata na kapag naglambing si Helena, iyon ang aking itinutugon. Naramdaman ko ang pagsampa niya sa kama. Nagkuwanri akong humikab at bumaling patalikod sa kanya. Wala pang ilang segundo, ay nakapulupot na siya sa akin.
Dad... ang lamig noh?
May bagong kumot akong nilabas diyan, nasa ilalim ata ng unan baka hindi mo lang napansin.
Hmmm.. parang human blanket gusto ko dad.
Matagal akong hindi nakasagot sa tinuran niyang iyon. Hindi dahil sa antok kundi dahil sa may pinipigil akong mabuhay sa aking katawan.
Maaga pa tayo bukas Helena. May reunion kayo di ba?
Oo nga.. e tayo ba dad kelan magkakaroon ng reunion?
Ha?
Si dad nabibingi..R-E-U-N-I-O-N ...reunion!
Narinig kita Helena..
Ows?
Oo nga di ba ang sabi mo 'R-E-U-N-I-O-N ...reunion!'
Sus mukhang hindi eh..teka nga tignan ko baka may nakaharang...
Nakaharang sa....
Bago ko pa matapos ang aking sinasabi naramdaman ko na ang malalim na paghinga niya sa aking mga tenga. Nasmistulang kendi ang aking mga tenga sa kanyang ginawa at para naman akong ice cream na natutunaw sa init na dulot ng pagdampi ng kanyang mga dila.
Helena...Alam mo naman mainipin sina Mama baka malate tayo bukas...
Dad... ako rin hindi na makapaghintay...
Unti unting bumaba ang kanyang mga labi, ang kanyang mga halik ay tumutulay pababa sa aking mga balikat, sa aking batok, sa aking likod...
Pagod ako Helena matulog ka na...
Ang KJ mo Dad, reunion lang ayaw pa...malamig pa naman...
Bigla niya akong naitulak at kahit hindi naman ganun kalakas ay nalaglag ako sa kama. Dala ng sobrang pagod ay madaling nag-init ang aking ulo.
Ano ka ba naman Helena, pagod na nga yung tao tapos ilalaglag mo pa. Pwede bang sa ibang araw na yang sinasabi mong reunion, alam mo naman tambak yung nilabhan ko kanina. Kundangan naman kasi...
ANO? Na hindi ako marunong maglaba? Aba Mr. Policarpio Marquez, mamili ka, ako ang maglalaba o may maisusuot kang damit araw-araw? Buti nga hindi nahawaan ng kulay yung polo mo nung sumubok akong maglaba. Malay ko ba naman na humahawa pala ng kulay yung isang bra ko. Sana kasi katulong na lang ang pinakasalan mo!!!
Sabay talikod niya sa akin at humalukipkip sa gilid ng kama. Ayos talaga ako na nga ang naglaba at nalaglag sa kama, ako pa ngayon ang masama. Nag-antay pa ako ng ilang minuto sa sunod niyang tirada subalit wala na akong narinig bagkus umayos lang siya ng higa sa kama. Pambihira talaga 'tong misis ko. Hindi ko maintindihan kung nagagalit o sadya lang nanggagalit sa pwesto niyang iyon. Halos makita ko na ang kanyang....*&^%&^#$ nasisilip ko na nga!! Parang instant na nawala ang kaninang nararamdaman kong pagod at naghahanap na muli ng papagod sa aking katawan. Umupo ako sa gilid ng kama malapit sa kanya.
Ma....
O bakit?
Ummmm...
Abay, ang tagal mo namang magsalita diyan, inaantok na ko.
Mukhang may nalimutan kang isuot, alam ko na kung bakit nilalamig ka.
E ano naman ngayon sa'yo? Nakita ko na yung kumot...
Manipis ata yung kumot na nakuha ko, gusto mong palitan ko?
E di palitan mo...
Talaga? Papalitan ko??
Bingi talaga...OO NGA PO PALIT...
Mabilis na gumapang ang aking mga kamay upang kumutan ang kaninang naghuhumiyaw lumabas.
Dad... ano bang ginagawa mo?
Lumambot na ang kanyang mga tinig. Parang ang kaninang galit at unti-unti nang naglalambing.
Di ba sabi mo palitan ko yung kumot. O eto na pinalitan ko na. Ako muna ang kapalit. :D
Hindi ko na inantay ang kanyang sunod na itutugon. Automatic nang tinungo ng aking mga kamay ang kanilang destinasyon at gumalaw na ang aking katawan upang maging ganap na human blanket ng aking misis. Kasabay ng malakas na ulan ay ang pag-ingit ng aming higaan habang nakikipagpaligsahan naman ang mga dagundong ng kulog sa mga impit naming tinig na unti-unting nagiging sigaw. Ilang reunion din ang naganap nang tuluyan nang bumigay ang nanghahapo naming katawan.
Bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat ay muling yumakap si Helena.
Dad...
Knocked out na Ma, hindi na makakatayo...
Hindi yun dad...may nalimutan ka ata...
Anu yun Ma?
Alas-kwatro na, magluluto ka pa ng dadalhin natin mamaya.
Saturday, July 24, 2010
Reunion
Tuesday, June 1, 2010
Tsunami Mail
Dear Spongebob,
Kamusta ka na? Sana ay palagi kang nasa mabuting kalagayan. Kung ako naman ang tatanungin, eto ok na hindi ang emote ko ngayon.
Hindi ako makatulog. Nakailang cartwheel na yata ako sa aking kwarto, pero ayaw pa ring bumigay ng aking mga mata. Siyempre hindi ka maniniwala na ginawa ko yun dahil alam mong hanggang ngayon part pa rin ng bucket list ko ang maka cartwheel ng 5 times, imagination ko yun syempre. Talaga yatang kanta mo lang ang makakapag paknockout sa akin. Alam mo bang ang rendition mo ng "Ipagpatawad mo" ang pinaka the best sa lahat ng selection sa songlist mo? Favor naman, paki LBC naman yung recorded copy mo nito. Pero sana yung practice mode na lang kasi feeling ko mas emote ka dun katulad nung narinig kitang nagpapraktis. Tawa pa rin ako kapag naalala ko yun. Kung bakit naman kasi bibirit ka eh nakalagay lang sa ilalalim ng unan ang phone, hindi ko ba nasabi sa'yong napakalakas ng pandinig ko..LOL
Nga pala gagala muna ako habang inaantay mo pa ang snail mail galing sa ibang planeta. Paki-email mo na lang ako ASAP kapag may sagot na para maigooglemap ko agad ang iyong location at makabalik ako papunta sa'yo. Ikaw naman kasi eh, binalandra mo pa yang malapad mong pagmumukha yan tuloy nasakop mo pati hart ni feelinggerang si Patrick. Pero wag kang mag-alala naibulong ko na kay Batman na siya na ang bahala. At take note, kinaibigan ko na siya para kung sakali, alam na kung san siya papanig. So EVIL of me..KIBER!
O siya, hanggang dito nalang muna ang aking liham, nawa'y maging merry ang lahat lalo na us. Magkita na lang tayo sa Manila Ocean Park kapag kumalma na ang alon. Ingat sa dive mo bukas. PLEASE LANG WAG KANG PASAWAY ok? Medyo malayo ang spot mo baka hindi ako makaabot kapag naghihingalo ka na. O wag seryosohin, joke yun. O siya ending na muna, lagyan na lang natin ng continuation, someday we'll know kung kelan. Mi Manchi Spongebob!
yours forever at sea,
feelinggerang Patrick
P.S. (Pahabol Sisid)
Huwag kalimutan ang pasalubong ko ha, kundi ibabaon kita sa buhangin. ^_^
Thursday, May 13, 2010
Para sa mga %^$#@#$% sa Mundo
" O bat nandito ka na naman? May problema?"
"Gusto ko siyang makita.."
"Sino naman? Artista ba yan, politician o anime character"
"Seryoso naman ako"
"Yun na nga eh seryoso ka na naman, hulaan ko si Mark na naman yan ano?"
"May iba pa ba?"
"O bakit naman gusto mong makita yung *#@!^=% na yun?"
"Wala gusto ko lang ng closure.."
"PAMBIHIRA, hindi na nga nagparamdam after ibreak mo sa text tapos nagka gf agad. Hindi pa ba yun closure sa'yo?
" Eh kaya naman hindi na nagparamdam yun kasi sabi ko nung tinext ko siya wag nang magreply"
"Ikaw, hindi ko alam sa'yo kung tanga ka o tanga ka. Sino ba namang matinong lalaki ang susunod sa sinabi mo? %#@+!$^& tatlong taon kayo tapos pumayag lang makipagbreak sa'yo sa text? Wala lang talagang bayag yung #$%@&*!# yun kaya hindi masabi sa'yo na nakahanap na siya ng iba"
"Oi sobra ka, ok naman siya nung kami pa e. Kahit nga ikaw bumilib dun di ba?"
"Haller, di kaya siya perfect! Tsaka pakisampal naman ako kung may nakilala ka ng tao na hindi nakakagawa ng masama kahit gaano pa kabait. My dear, tanggapin mo na kasi na hindi na kayo magkakabalikan. At ewan ko naman sa'yo kapag bumalik ka pa dun, spell desperada na talaga."
"Hindi naman ako makikipagbalikan sa kanya e, gusto ko lang na masigurado sa sarili ko na wala na kong nararamdaman sa kanya. Alam mo yun, yung kapag nakita ko siya, wala lang, nakita ko lang siya."
"Hambalusin kaya kita ng magising ka!! E ano, kung makita mo siya? Magbabago ba ang ikot ng mundo at magsosorry siya dahil sa kagaguhan niya? Girl akala ko ba ok ka na? Sino na naman bang magaling ang nakausap mo?"
"Nagkainuman kasi kami kagabi sa dorm, ayun napag usapan na naman."
"Sabi ko na nga ba e, kasi naman ang hilig makinig sa mga inggitero't inggitera. Insecure yung mga yun kasi masaya ka ngayon sa status mo. Palibhasa ang gusto yata e palaging may pinaglalambitinan. O eto itatanong ko sa'yo, pa'no pag hindi kayo nagkita hanggang sa pumanaw na yung #$%&@! yun? Magpapakalosyang ka? "
"Siyempre hindi, hindi lang siya ang lalaki sa mundo."
"Exactly my point. Huwag mo munang problemahin ang mga bagay na hindi pa dumadating kasi mapupuno lang ng takot yang puso mo. Enjoyin mo lang ang life mo araw-araw, kahit na maraming #$^@*! sa mundo."
"Parang ganun kadali noh?"
"Kasi yun ang iniisip mo, na mahirap. Nasa utak lang naman yan eh. Oo, hindi naman maikakaila na minahal mo yung $#@^&% na yun. Pero past na yun, I mean my place na siya sa puso mo, hayaan mo naman yung iba na makapasok diyan. Paano ka makakattract ng possible candidate for bf position kung navivibes nila na hindi ka pa ready? At tsaka kung feel mo naman maging matandang dalaga forever and ever, e di go lang! Malay mo dun ka mas magiging masaya"
"Haha patawa ka talaga. Ewan ko ba napapaisip lang naman ako kapag may nag-uungkat nun. Inggit nga siguro."
"Tignan mo nga ako"
"Nakatingin naman ako ah!"
"O di sige titigan mo ko sa mata. Ngayon, sino nakikita mo?"
"AKO"
"Masaya ka ba ngayon? Kahit wala kang boyfriend?"
"Oo naman. Marami akong nadidiscover sa sarili ko. Maraming nakikilala"
"May nagpaparamdam ba sa'yo ngayon or nanliligaw na?"
"Meron. Pero date date lang. Nag eenjoy ako ngayon."
"Naaalala mo pa ba siya?"
"Mas madalas ang hindi"
"Pwedeng favor?"
"Ano yun?"
"Pakilala mo nga sa'kin yung mahilig mag-ungkat niyang first love mo. Dyombagin ko lang ng slight!"
"Sira, hindi na kelangan noh. Nagets ko na"
"Ok ka na?"
"Oo"
"Ay siya, labas na! Kanina pa nangangatok ate mo, naparami yata kain kanina"
"Salamat ha"
"Wala yun, alam ko naman babalik ka pa ulit!"
"Oo na...ikaw na..ikaw na"
"Favor ulit pwede?"
"Ano na naman?"
"Pwedeng magsuklay ka? Pumapangit ako e! Baka lalong ma-zero lovelife natin niyan sa itsura mo.."
Monday, May 3, 2010
Dahil Inlove ako...
"bagay sau...bt ka nagpagupit?db gurls nagppgupit pag broken? :P"
Yan ang reply na natanggap ko pagkatapos kong ipangalandakan ang mukha ko sa lahat ng numero na nasa aking phonebook. Nakakatawa na sa lahat ng tinext ko ay siya lang ang nagreply at yan pa ang laman ng kanyang mensahe.
"di nmn ako broken, buong buo nga e, nag uumapaw pa :P"
Buti na lang kabaligtaran ang nararamdaman ko, tsk kung siguro nung last year yun baka nasungitan ko pa si SLEX (code name ng nagtxt ).
Oo inlove ako ngayon. Alam mo yung feeling na kahit anong aberya pa ang dumating, nakangiti ka pa rin. Yung parang baliw lang. Parang kanina, umaapaw ang trono sa aming mansion. Ang aking housemates ay hysterical to the max na ang drama at baka bumuga ng malakas ang bulkan sa banyo. Paktay kakaibang lava ang lalabas. Pero wapakelz ang lola mo, kulang na lang maglunoy sa tubig, dumapa sa sahig at ikampay kampay ang feet. Parang ang bango bango ng paligid at puro puso ang lumulutang. Adik nga e.. adik sa kanya...
At di pa nakuntento, may I group message ang inlababo. Ilang kanta rin yun, nagmistulang dalikdik queen habang tinatype ang lyrics ng kanta. Nagsimula sa Summer Sunshine, napunta sa I Don't Wanna Sing, sinundan ng Di na Natuto at sinundan pa ulet ng I need to be Next to you, Knocks me off my Feet at natapos sa Let's just Fall in Love ni Jason de Castro... Spread the L-O-V-E, 'ika nga.
Ayun oh may nagtext pa :
"weh? Kanino?"
"di m rn nman kilala, bsta inlove ako sa kanya :P"
Nagreply ang curious na katext:
"ayiii...gud 4 u...inlove ba sau?"
Nakanang tanong iyan, napatumbling naman ako dun, 4x pa. Pero dahil uber nga sa kasiyahan ito ang tangi kong naireply:
"may feelings :D"
Taray! Pero hindi ko rin naman talaga masasagot ang tanong niya, basta inlove ako. Wala na lang basagan ng trip..
Natahimik ang lahat. Mukhang wala ng magugulo sa kabaliwan ko. Kaya naman dumayo ako sa aking blog. Nangapit bahay at nagbulakbol sa bahay ng may bahay..ayiii at may naabutan pa nga. ahahaha Ipagpatuloy niyo yan, konting damoves pa pare. Nagpaalam na ako at baka makaistorbo pa. Kunwari natutulog pero naninilip sa kanila..hahaha spread the love mga kapatid ^_^
Holiday nga ang araw na ito at magcecelebrate ako. Sarap kaya ng pakiramdam. Parang tanga lang..hahah Parang lasing, lango sa pagmamahal niya..takte kesong keso
Actually hindi naman kami, inlove lang ako sa kanya at siya may feelings. Ayokong madaliin baka magtampo ang tadhana at mabulilyaso pa. Magbabago din ang status namin sa FB, sa ngayon currently dating muna ^_^
Goodluck naman jan...hahaha adik talaga ko.
****PAALALA: FICTION po ito. Kung may pangalan o pangyayari na sa tingin niyo ay halaw sa tunay na buhay, nagkakamali po kayo. Hindi kayo yan kaya wag magfeeling.LOL Ang totoo lang po jan ay yung nagpagupit ako. Post ko din bukas!!!
O ETO NA!!!hahaha pagpasensyahan na, hindi ko ito napaghandaan. BEFORE and AFTER yan. Halata na naman siguro..LOL Kung hindi niyo nagustuhan, huntingin niyo yung kasama ko sa pic. Siya ang may sala. hahahah





Wednesday, April 21, 2010
Sorry na...Please

“Tsk tsk, sino na naman kaya nangialam ng gamit ko.
Pati stationary ko pinakialaman oh. Pambihira paborito ko pa naman yun”
Salubong na ang mga kilay ni ate habang nag-iikot sa kwarto hanap-hanap ang nawawala niyang stationary. Sinasadya niya atang lakasan ang kanyang boses para marinig naming magpipinsan. Nagkakatinginan lang kami, yung parang nagtatanong sa isa’t isa kung sino ang salarin. Pero sigurado akong wala sa kanila ang aamin. Paano ba naman wala naman sa kanila ang kumuha. Dahil ako, ang nag-iisang kapatid at bunso ng ate ang siyang pasikretong umumit ng stationary niyang mabango.
Maganda ang stationary na iyon. May nakadrawing na pusong pula sa pagitan ng isang boy at girl. Feeling ko inlove sila sa isa’t isa. Tapos may nakasulat yata sa bandang itaas. Hindi ko nga maintindihan kasi parang stick lang na pinagdikit dikit o pinagpatong patong yung nakalagay. Bagay na bagay kasi kapag susulatan ko na ang crush kong si Darwin dahil kamukha ko yung babae sa papel. Para atleast pagkabigay ko kay Darwin lagi niya kong makikita sa stationary na yun. Kinikilig na tuloy ako kahit hindi ko pa nasisimulan yung sulat ko. Actually, nag iisa na lang ‘yun kaya nga kinuha ko na. Mukha namang makakalimutan na ni ate yun, last piece na nga di ba? Pwede ulit siya bumili ng bago.
Wala pa ring natinag sa aming magpipinsan. Tuloy pa rin kami sa paglalaro ng bahay-bahayan. Mukhang walang naniniwala sa panakot ng ate ko. Palibhasa nasanay na kasi kaming si ate pa ang nasasabihan ng napakakalat kaya nawawalan ng gamit. Sa isang banda nakokonsensiya na ko habang pinapanuod ko si ateng naghahalungkat ng mga gamit niya. Kaya lang ayokong umamin baka kunin niya ulit sa akin yun. Medyo kinakabahan na nga ako kasi baka maghalungkat naman siya sa mga gamit namin. Patay, baka hindi na maamoy ni Darwin ang mabangong stationary ko. Buti na lang tinawag na kami ni tita para maghapunan.
Tita C: O bakit?
Ate: Tita yung stationary ko po nawawala. May kumuha po sigurado nun sa mga ‘to
Tita C: Ang hilig mong magbintang, napakakalat mo kasi kaya hindi mo alam kung saan mo nilalagay.
Ate: E nawawala naman po talaga e. Hinanap ko na sa kwarto. Wala talaga.
Tita C: Hay naku kumain ka na nga lang. Bumili ka na lang ng panibago
Ate: Paborito ko nga po yun. (Nagmamaktol sabay tingin sa amin) Hay naku kung sino man kumuha ng stationary ko, pagdadasal ko na dalawin ng mumu at tsaka…
Tita C: Immaculada, tumigil ka na nga. Alam mo namang matatakutin yang mga yan, mapapalo kita eh
Ate: Basta! Malalaman ko kung sino kumuha nun mamayang gabi… awooooohh (sabay tawa)
Naku po. Sa lahat ng ipapanalangin ng ate ko, multo pa ang naisip niya. Ok lang sana kung mapaihi sa kama kasi pwede ko namang itago yung salwal ko pagkagising. Pero multo??? Siguradong hindi ako makakatulog nito. Isipin pa lang na mamaya may lalapit sa akin na babaeng nakalutang, pinaninindigan na agad ako ng balahibo.
Bigla akong nawalan ng gana sa pagkain. Sayang paborito ko pa namang munggo ang ulam. Umiiyak akong pumasok sa kwarto at inilabas ang stationary na inumit ko. Sorry Darwin ha, hindi mo malalaman na crush kita. Sana maging magkakklase na lang tayo sa susunod na pasukan. Hayaan mo tita ko naman ang titser, sasabihin kong gawin tayong magkagrupo. Pero teka paano ko ito isosoli kay ate? Kailangan maisoli ko na ito sa kanya bago kami humiga. Baka maipanalangin pa niya, natatakot na ako ngayon pa lang.
Naisipan kong gumawa ng sulat:
Dear Ate,
Sori, ako yung kumuha ng stationary mo. Sana mapatawad mo ako. At sana wag mo nang ipanalangin na dalawin ako ng multo. Ibabalik ko na naman sa’yo. Please. I Love you.
Love,
Mutya
Habang nanonood siya ng tv ay dali-dali kong tinapon sa harap niya ang sulat at nagtalukbong na ako ng kumot sa kwarto pagkasara ng pinto. Nag-antay ako ng sisigaw pero wala akong narinig. Pinakiramdaman ko kung may lalapit pero walang yabag ng paa o anumang kaluskos. Maya-maya biglang bumukas ang pinto, pero wala pa rin nagsasalita. Natatakot na ko, baka maagap nagdasal si ate ah. Nalate yata ako sa pag - amin. Katapusan ko na.
“Nagbigay na ko ng sulat kay ate, umalis ka na. Patulugin mo na ko. Maawa ka. Ibabalik ko na yung stationary niya” Umiiyak na ko nito kasi feeling ko lalapit na siya. Hindi nga ako nagkamali, lumapit nga siya. Nagsisigaw ako habang umiiyak, kasi naman eh, isosoli ko na naman.
Pahikbi-hikbi pa rin akong nakatalukbong ng kumot kahit alam kong si ate na yun. Nakakahiya kasi, bistado na. Inantay ko pa ang kanyang susunod na sermon, pero sa halip niyakap niya ako at hinalikan sa noo. Matagal ding ganon ang itsura namin nang bumulong siya:
***** Para sa kapatid ko, alam kong pamilyar sa'yo ang istoryang ito. :P Ate Dimple Happy Birthday!!! I Love you!!! Mwaaaaaaaaaah
Thursday, April 15, 2010
Napahimbing
Malamig ang umaga. Sumiksik ako sa iyong tabi subalit wala akong naramdamang init bagkus isang unan lamang ang napuluputan ng aking mga bisig. Pimilit kong imulat ang aking mga mata, nakita kong maayos na nakatiklop ang ating kumot at wala ka na. Alas kwatro pa lang iyon ng umaga, nakakapagtakang maagap ka ngayon gumising. Bumaba na ako upang magtimpla ng kape nang makita kitang mahimbing na natutulog sa sofa. Ginigising kita para palipatin sa kwarto, pero pagkakita mo sa akin tinalikuran mo lang ako. Nakupo, mukhang masisimulan ang umaga ko nito a. Ano na naman kaya ang nagawa ko?
Hindi ka nagsasalita habang nag uumagahan tayo. Actually OA naman kapag sinabi kong hindi ka nagsalita. Parang ganito lang naman tayo kanina:
Ako: Ba’t sa sofa ka nga pala natulog kanina?
Ikaw: Wala lang.
Ako: Galit ka ba?
Ikaw: Hindi.
Ako: E bakit nga?
Ikaw: Ewan ko. Ikaw baka alam mo kung bakit.
Konting katahimikan.
Ako: Ang sarap ng kape mo ah.
Ikaw: (kibit balikat)
Ako: Siyanga pala restday ko ngayon. Pinayagan ako ni Boss ng dalawang araw na pahinga. Anong gusto mong gawin? Gusto mo lumabas? Manood ng sine? Mamasyal sa mall?
Ikaw: Ayoko.
Ako: Mahal, galit ka ba? (sabay hawak sa kamay mo)
Ikaw: Hindi sabi. (sabay tanggal ng kamay mo)
Akala ko nag cool down ka na nung tanghalian kasi habang niluluto mo ang paborito kong humba ay pakanta kanta ka pa. Tinigtignan kita habang kumekembot kembot ang iyong balakang, sumasabay sa iyong pagkanta. Hindi ko tuloy alam kung saan ako mas natakam. Sa humba na niluluto mo o sa’yo mismo. Pero hanggang sa matapos tayong kumain ay hindi mo pa rin ako iniimik. Halos buong araw mo na akong hindi pinapansin maliban lang noong pinagtimpla mo ako ng kape. Nagkuwanri pa nga akong matabang para mapaimik ka pero inabot mo lang sa akin ang isang kutsarita at lalagyan ng asukal.
Ako: Mahal ano bang problema, buong araw mo na akong hindi pinapansin a.
Ikaw: Wala naman a.
Ako: Wala ba yan? E parang kanina pa ko sayo invisible e. Sabihin mo na kasi para hindi na lumaki.Ayan nasayang pa yung araw imbes na naipasyal kita.
Ikaw: May problema ba? Wala naman e. Ayoko naman pati lumabas kaya hindi nasayang yung oras. May sasabihin ka pa ba? Maliligo na muna ako bago matulog.
Ako: Wala na.
Ikaw: Sa susunod kasi kung may sisimulan ka tapusin mo.
Ako: Ano???
Ikaw: Wala. (sabay pasok sa banyo)
Saglit nga, wala naman tayong pinag awayan kagabi di ba? Maagap pa nga akong umuwi at may dala pa nga akong isang kilo ng green apple na paborito mo. Sabay pa tayong kumain tapos naglalambingan pa tayo habang naghuhugas ka ng pinggan. Napapangiti tuloy ako. Hinahalikan ko ang iyong batok habang yakap yakap kita mula sa likuran. Muntik mo pa ngang mabasag ang pinggan mabuti na lang mabilis ang mga kamay ko. Sabay nating natapos ang hugasin at pinagpatuloy ang kulitan sa kwarto. Teka…. Kwarto? Kulitan? Halik sa batok habang yakap yakap ka? Bakit wala na akong maalalang kasunod? Tinamaan ng magaling, alam ko na kung bakit masama ang loob mo. Takte, nakatulog pala ako.
Ikot na ang pwet ko kaiisip kung pano ako makakabawi. Ipagluluto ba kita bukas, bibilhan ng bulalak, alahas, damit o cellphone? Damn, malapit ka nang matapos sa paliligo pero wala pa akong naiisip. Tinignan ko ang kwarto, wala namang unan sa gitna at may nakalagay din na unan sa side ko sa bed. Ayos, mukhang walang matutulog sa sofa. Pero teka, anong gagawin ko para makabawi? Ayan, lalabas na siya. Sa sobrang katarantahan hinarang ko siya sa may pinto.
Ikaw: O may problema ka ba?
Ako: (Walang imik)
Ikaw: O ano? Padaanin mo na nga ako jan. Gusto ko nang matulog.
Ako: (Wala ulit imik)
Ikaw: (Wala na ring imik kasi naglapat na ang ating mga labi)