Pages

Tuesday, October 23, 2012

TUGTOGSILOG (JAM for a CAUSE)

Everyone is invited to be a part of this benefit concert for the Malaya Kids Ministries in Baseco Tondo. For a door fee of P100 PLUS any kind of canned goods, you can enjoy the night with alternative music from some of our local bands and also share your love with the kids this coming Christmas.

Share a bread for the soul.  Watch Tugtogsilog this coming Thursday, October 25, 2012 @ 8pm in Autonomy Bar and Resto Mandaluyong.

See you there!
 
 ***Guys, sana makapunta kayo. Bonding time din with fellow bloggers tapos makakatulong ka pa. Tutal holiday kinabukasan di ba? Sana magkita-kita tayo dito. :) Maraming salamat!

Sunday, October 14, 2012

Ang Churros, bow!

 

Pagkatapos namin pumunta ng barkada ko sa isang outreach, naisipan naming kumain sa medyo malayo na place. Kaya naman from Shaw ay nakaabot kami sa Maginahawa St Teacher's Village sa QC para tumikim ng burger.

 

C360_2012-10-13-18-06-43_orgC360_2012-10-13-17-47-59

C360_2012-10-13-17-57-09_orgC360_2012-10-13-18-10-34_org

Yep, sa Burger Project nga kami natuloy. Hmmm ok lang yung food. Di ko alam kung masyadong safe lang yung napili kong combination ng ingredients o talagang… Basta magdadalawang isip yata akong kumain ulit dito.

Niweiz back to the title of the story. Ngayon habang kumakain naalala ko na meron akong nabasa sa net na masarap daw ang churros. Nagkataon na paborito yun ng barkada ko. Kaya naman niloko ko.

Me: Ate kapag nahulaan mo kung saan yung may masarap na churros dito, ililibre kita.

Barkada: O sige!

Pagkatapos naming kumain, tinitignan ko siya kung gumawa na ba ng damoves para makalibre. Pero wala tahimik lang siya, mukhang walang librehan na magaganap.

Nung mag CR siya, naisipan kong kumonek sa net. Tinype sa google : BEST CHURROS MAGINHAWA. Laking gulat ko ng makita ang result

churros

sancho bur

Mukha akong tanga na tawa ng tawa mag-isa sa upuan. Sino bang mag-aakala na katabing establishment lang pala yung pinapahanap ko sa barkada ko. Paglabas niya ng CR sinabi ko:

Me: Ate wag mo na palang hulaan.

Barkada: Bakit naman?Itatanong ko pa naman sana dun sa mga nagseserve kung saan yun, Baka naman mamaya katabi lang nito yun.

At hindi ko na naman napigilan tumawa. EPIC FAIL talaga!

Kaya ayun kahit di naman ako technically natalo, nilibre ko na siya. Siyempre bumili din ako ng akin at ito yung hindi ko pinagsisihan kasi MASARAP talaga! Smile

C360_2012-10-13-18-55-13_org

 

Kaya naman next time na magawi kayo sa bandang QC, wag niyong kalimutan na dumaan at kumain dito. Tsaka isa pa, wag kayong maghahamon ng walang pang back up na research. Sinasabi ko na, mapapahamak ka talaga! LOL

 

P.S.

Bukod sa churros may isa pa kong gustong balikan sa Sancho: Brazo de Mercedes. Paano ba naman sa 11 rolls nito yung nakalagay dun sa cake display area. Mantakin mo yun!

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design