Thursday, December 19, 2013

Year End Post



January 1, 2013

Happy New Year Madz!

Hope this year will be a better year. Improvement lang sa lahat ng aspect and I’m sure magiging ok ka. Remember that you are not alone. You always have Him and your family. The RIGHT GUY may come this year but do not despair if he didn’t. Just take care of yourself and prepare when that time comes. 

Please, guard your heart & think a hundred times before doing something. Of course, STAY POSITIVE as always. Enjoy your travels. Meet people, learn new things & HAVE FUN! :) Stay beautiful girl & reach for the top! Excel in your work and you’ll see good results!

2013 is Madz’s year!!!

Remember:
*Be honest
*Don’t be afraid to get what you want
*You can have it…Want it & get it!

Sumulat ako sa sarili ko noong bagong taon (Jan2013) at yung nasa taas nga ang laman. Reading this, bumalik yung mga nangyari sa akin and I can say that I’m truly blessed  this year.

Career:

Napromote ako, sa wakas (March)! :D  Dagdag responsilibidad pero ok lang. Mas challenging , mas nakakaganang magtrabaho. I’m aiming for the next position, konting lakas ng loob pa.  :)

Health:

Na-ospital ako this year (June). Reminder siguro na kailangan kong bantayan at panatilihing malusog ang aking sarili. Ayun, may nakakapansin naman ng mga pagbabago. Sana matuloy-tuloy ko pa. 

Spiritual:

Tuloy pa rin ako sa pakikinig sa preaching ni Bro. Bo Sanchez. Malaki yung nagawa nito para sa akin at sa family ko. Next year, sisikapin ko na mas madalas pumunta sa PICC kesa makinig lang online.

Recreation:

Di pa rin nawawala ang pagka-adventurous ko sa pagsubok na magtravel mag-isa. This year bukod sa b-day trip ko sa Ilocos (September), first time ko rin nakapag out of the country (Singapore – February). Tapos year end gala ko na yung sa Corregidor, kasama naman ang friends (Nov-Dec.).

At isa pa palang nacross out sa bucket list ko ay pag-akyat sa bundok (Pico de Loro – September)!

Maraming gala at pag-akyat sa bundok pa sana next year!

Finances:

Although maraming kagastusan ngayong taon, finally naisipan ko na ring magbukas ng account sa bangko. J Kailangan ng mag save para sa future hihihi 

Relationship:

Konting kwento lang: May isa akong guy na nagugustuhan na nakakasama ko paglabas-labas.  We were doing ok, then suddenly parang may bumulong sa’kin (gut feel) na I needed to wait and be sure of my feelings for this guy. So I asked him to give me time and he agreed. But things suddenly become sour between us. We unfriended and unfollowed each other.  To cut the story short, FO (friendship over) ang kinalabasan. I was disheartened and then grateful na rin at the same time. Dismayed,  kasi we were friends eh. I value him more than my feelings for him that’s why I asked for space. But I think, he didn’t understand my point. I hope in time he does.  I am grateful because I wouldn’t be this happy today if I rushed into things. 

This year, nasimulan ko na maging priority ang sarili ko above all else. Narealize ko na hindi naman ako pwedeng magbigay ng wala naman ako sa sarili ko. I also learned to cherish the people who pushes me to be the best of myself and let go of those who does nothing but break my heart. Kailangan ng mag-evict para magkaroon naman ng espasyo para sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko. 

Volunteer Opportunities:

Sobrang blessed ako pagdating dito. At nagpapasalamat din ako sa mga indibiwal at grupo na nagtitiwala sa akin at sa kakayahan ko.  Huwag kayong mag-alala, hangga’t kaya di ako mawawala. :)

Family:

My mom got sick this year. Sobrang hirap para sa amin ng pamilya ko dahil wala kaming magawa kasi magkalayo kami. Emotional rollercoaster talaga ito para sa amin. Pero thankful dahil hindi Niya kami pinabayaan. All our prayers were answered at tignan mo naman ngayon, makakasama pa namin siyang mag Pasko dito sa Pinas. :D


Sa lahat ng nangyari sakin ngayong taon, masuwerte pa rin ako dahil naisulat ko itong lahat. I’m blessed to be alive. At sana sa mga susunod na taon marami pa akong babalikan na mga pangyayari sa buhay ko. 

Merry Christmas and Happy New Year! :)

Tuesday, December 3, 2013

Weekend Getaway: Corregidor Island


Karamihan siguro sa inyo ay nakita na ang mga picture ko sa fb nung nagpunta kami ng Corregidor last weekend. Siyempre medyo sinipag lang akong magkwento at mag-update na rin ng blog kaya naman isusulat ko ang munting bakasyon kong ito.

Last July habang busy sa pagbabrowse ng website ng airlines at iba pang page na related sa travel ay nakita ko ang promo ng Sun Cruises and it goes something like this:



For only 2,200 (additional 200 for fuel surcharge), ang inclusion na ay overnight stay for 2 with day tour, buffet lunch for day 1 and free zipline ride. Sulit na sulit na kasi kung susumahin, 1,100 lang ang magagastos per person. So ang ginawa ko ayun, nagmessage agad kay officemate at hindi naman siya tumanggi sa imbitasyon ko. In fact, nagsama pa nga siya ng dalawa pa niyang kaibigan. We chose November 16 for no reason except dun lang talaga kami nagkasundong apat. :P

Ang siste, kung maalala niyo yung week na yan ay yung sinalanta ang mga kababayan natin sa Visayas ng bagyong Yolanda. Anong konek? Siyempre eh di maulan na bago mag 16 at nakareceive ako ng text galing sa Sun Cruises saying na cancelled ang aming supposed trip at kailangan naming magresched. We were having problems sa pagresched kasi may klase si officemate at may trabaho naman yung mga kaibigan niya. We even opted na Sunday magtour and maglileave ako ng Monday pero siyempre unfair naman sakin yun lalo na at ubos na ang leave ko. Mabuti na lang may isang mabait na bumulong kay officemate at naalala na holiday nga pala ng November 30 at walang pasok sa school or office. Kaya ayun, walang nagsakrapisyo ng leave without pay at klase. Haaay, thanks Ka Andres, you're my hero! :D

November 30, 2013

Usapan namin nila officemate ay 5:30am magkikita kita sa Taft MRT station. Pero dahil humingi ako sa sarili ko ng 15min extension nung magising ako ng 4am, guess what? Nagising lang naman ako ng 5:30am. Mabuti na lang matiyaga nila akong inantay at sakto alas-siyete ng umaga ay nandun na kami sa daungan ng ferry. Para pala sa mga magtatanong kung paano makarating dun, nasa likod lang siya ng Folk Arts Theater at maaring magcommute via MRT (Taft)-LRT (Vito Cruz) tapos sasakay ng orange na jeep. Pwede rin namang magtaxi katulad ng ginawa namin dahil late ako. hihi

Bakit mo gugustuhing pumunta sa islang ito?

1. History - hindi ako fan ng subject na ito at madalas ko siyang tinutulugan. Kaya naman kahit ako ay nasorpresa sa sarili ko ng buong araw pati kinabukasan na puro boses ng tour guide ang naririnig ko habang sakay ng bus ay hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Siguro nga iba yung nakikita mo in person at naiimagine kung papaano ito naging 'military paradise' noong panahon ng Amerikano. Siyempre added bonus na yung makapagpapicture ka sa mga artillery na ginamit noon sa digmaan pati na rin ang mga lumang building dito. 


Meet sir Edward, our tour guide.

girl power!

2. Away (almost) from the hustle and bustle of the city life - paradise ang lugar na ito at hindi mo iisiping isang oras lang siya, via ferry sa Maynila. Puro puno sa paligid at napakatahimik. Pwedeng mag-emo o kaya naman magde-stress. Home away from home ika nga.



3. Adventure -  biking, hiking, swimming, kayaking, atv and zipline ride. Ilan lang ito sa ino-offer ng lugar. Oops bago ko makalimutan -- ghost hunting!awoooooo 




4. Accommodation -  Nag-iisa lang ang hotel sa Corregidor at ito ay ang Corregidor Inn. Sa kabuuuan wala naman akong naging problema sa kwarto (TIP: Piliin ang room 215 para sa magandang view). Walang TV sa room, dun lang sa lobby meron at nag-iisa pa. Pero feeling ko naman, katulad namin ito na yung pinaka least na worry mo. Mabango yung room, malinis ang sheets, may towel na provided, may heater, maraming electric socket at malamig ang aircon. Tsaka walang corkage fee, pwedeng magdala ng sariling food. Kahit nga extra rice lang orderin, iroom service pa nila. Paano ko alam? Secret. hahaha


Bakit hindi mo gugustuhin pumunta dito?

1. Food - kung balak mong magfood trip sa Corregidor, wag mo nang ituloy. 


2. Expectant mother- hindi sila pinapayagan sa tour dahil may mga activities na medyo stressful para sa mga nagbubuntis. 


3. Takot sa dilim, sa masisikip na lugar - karamihan ng tour na gagawin niyo ay sa mga ganitong lugar. Pero kung gusto mong iovercome ang mga takot mong ito, pwedeng dito ka na magsimula.



I hope to visit this place again. Yung nakabike habang lumilipad lipad ang buhok o kaya naman magcacamping habang nag-aantay ng bibisitang multo. Joke lang yung sa multo part. Gusto kong bumalik hindi dahil bitin yung weekend, pero siguro dahil ganun lang ako naenchant sa ganda ng lugar. Na kapag gusto kong magde-stress at magpahinga, isa ito sa pupuntahan kong lugar. Sana kayo din maengganyo na pumunta dito. Promise mag-eenjoy kayo. :D

Tuesday, September 24, 2013

Hello Pico!




Ang may kasalanan kasi nito ay si friend/opismate (friend 1) na nangulit kay friend/housemate/opismate (friend 2) na nabanggit ko sa nakaraang post. Naging hobby ni friend 2 ang pag-akyat sa bundok. Ngayon itong si friend 1 eh gusto daw niya umakyat ng Pico de Loro kaya nagrequest kay friend 2 na magset ng event. E di siyempre pumayag naman si friend 2. Kung tatanungin niyo kung paano ako napasali sa kulitan nilang dalawa eh hindi ko na rin matandaan.  

Alam niyo kasi nakailang invite na itong si friend 2 sa akin pero puro ako decline. Kasi naman ako yata ang reyna ng sablay. Walang araw na hindi ako nadadapa o nadudulas. Pinakamahina na dito e talisod. Kaya naman nagtaka din ako sa sarili ko kung paano nila ako napapayag. Kung alam lang nila, para akong preso na nag-aantay ng sentensiya sa sobrang takot. Lalo na nung ang pasimuno ng lahat na si friend 1 ay biglang nagback out 2-3 days before the event. Kaloka lang di ba? Ako yung sabit, ako pa yung matutuloy.

So ayun na nga, the day came. Pambihira ang lakas ng ulan! Mas maagap akong nagising kay friend 2 pero nagtulog-tulugan ako. Malay mo nga naman biglang tamarin dahil bumabagyo. Pero NO, ginising niya pa rin ang nagtutulog-tulugan kong diwa. Lintek, katapusan ko na!

Imagine niyo na lang na habang bumibyahe kami eh kitang-kita naming na nagliliparan yung mga signage ng tindahan sa labas tapos walang tigil ang ulan. Gusto ko nang bumalik talaga pramis, pero kapag tinitignan ko yung mga kasama ko, parang normal lang sa kanila yun, tuloy pa rin daw.

kala mo mainit pero ang lakas ng ulan sa labas

At yun nga, kasabay ng malakas na ulan at hangin eh ilang oras naming inakyat ang Pico. Hindi na kami nakapag summit kasi sobrang sungit ng panahon. Kahit nga yung tinatawag nilang clearing, wala rin akong naabutan. White background na lang siya, parang nagpa 1x1 photo ang style. Ganun kasama ang panahon kaya pagbaba naming napa ‘thank you Lord’ talaga ko.

early lunch muna sa DENR, hoping na titigil ang ulan

 
one of the boys


 
ang view


                                                                         summit campsite


alibangbang - landmark daw sa pico

nakangiti ba ako? lol


siyempre di mawawala ang wacky shot


team syet

Sa totoo lang kahit sinabi ni friend 2 na mukhang haggard daw itsura ko pag-akyat at pagbaba, nag enjoy ako. Sobrang malaking distraction yun ulan sa’kin para hindi ko maramdaman yung pagod. Tsaka sobrang bait ng mga nakasama ko. Imagine, nasira yung sapatos ko tapos pinahiram ako nung isa at nagtsinelas na lang siya. Tapos pinagdala pa nila ko ng gamit nung di ko na kaya. Hihihi Prinsesa lang ang peg. Pero seryoso, maswerte ako sa mga nakasama ko dahil todo assist sila tsaka naramdaman ko na wala talagang iwanan.  Pati nga yung mga nakakasalubong namin eh, nag-aassist din, ang gagalang pa. Parang magkakakilala kahit hindi naman.  Tapos may unli happy birthday song pa nung socials, kasama yung ibang mountaineers. Ang saya lang! 

Hindi ko makakalimutan ‘tong first/bday climb na ‘to. Unang akyat pa lang, bagyo na ang hinarap ko plus yung fear na mahulog o madisgrasya. Siguro nga sa sobrang takot di ko na nakuhang lagnatin eh. Haha Pero blessing pa din kasi bago ako madagdagan ng isang taon eh napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko naman pala. Buti na lang sinubukan ko. :D

Monday, September 16, 2013

Going Solo



‘Huwag mong sanayin yung sarili mo na mag-isang bumibiyahe. Baka mamaya dahil sanay ka na, hindi ka na maghahanap ng kasama.’

Nakalipas na ang isang buwan ng sabihan ako ng ganito ng kaopisina/housemate ko. Hindi ko siya makalimutan dahil paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na walang masama sa ginagawa ko. Una, hindi naman ako nakakasakit ng tao. Pangalawa, karapatan ko naman yun di ba? Pero ewan ko ba, apektado pa rin ako. Paulit-ulit ko pa ring dyina-justify sa sarili ko na tama yung ginagawa ko, na masaya akong mag-isa.

Nagsimula ang lahat noong Valentine’s day. Nagkaroon ng seat sale sa isang airline. Matapos makapagbook ng family trip, dumale na naman ang pagka-impulsive ko. Sinubukan kong magbook ng bakasyon na ako lang mag-isa. Na-enjoy ko naman. Sa sobrang enjoy ko nga nasundan pa yun, di lang domestic kundi pati international na trip.

Ano ba ang nakukuha ko sa pag-iisa kong ito at parang sakit siya na ayoko nang mawala?

Oras. Mula pa lang sa pabubook ng biyahe hanggang sa itinerary ito talaga ang hindi ko ipagpapalit sa pagbibiyahe ko nang mag-isa. Kung kailan ko gustong umalis, kung kailan ko gustong puntahan ang isang lugar, kung kailan ko gustong kumain etsetera etsetera. Lahat ng yan ay nakadepende sa akin. 

Ex. Walang maninisi dahil late nagising at hindi na nakapunta sa isang tourist spot. Na akala mo eh maliit na issue lang pero sa next na bakasyon nila eh hindi ka na isama. 

Unwind. Kaya ako nagbabakasyon, pumupunta sa ibang lugar ay dahil gusto kong magpahinga. Maaaring sabihin mo na ‘Paano mo masasabing pahinga iyan kung bumibiyahe ka pa rin?’ Ok wag maging literal guys. Haha Ang ibig sabihin ko dito ay yung makakita ka naman ng iba sa nakikita o ginagawa mo na sa pang-araw araw. Break baga. Unwind lang, ganun. 

Ikaw lang ang maselan.  Again, ang bakasyon ay pahinga at hindi panahon para makipagdeal o makipagcompromise sa mga kasamang hindi gusto ang ilan sa mga desisyon o  gusto mong gawin sa araw na iyon. Sa mga solo travel, ikaw lang ang pwedeng magcancel sa itinerary mo. Do it as you like, ika nga. Kasi di ka naman araw-araw pinapayagan sa opisina na magleave di ba? So ayun, might as well itodo o sulitin mo na ang bakasyon.

Meet people.  Ito siguro yung masasabi kong blessing na nakukuha ko tuwing mag-isa akong bumibiyahe.  Mapa-driver ng sinasakyan kong tricycle, jeep o habal-habal, nakatabi ko sa bus o kaya naman katulad ko na turista ay hindi ako nagingiming kausapin.  Na siguro kung may kasama akong iba, eh hindi ko yun magagawa dahil kami-kami lang ang magkakaung-ungan.

Spontaneity . Hindi ko alam kung ito ang tamang term para dito pero kapag mag-isa ako, andun yung freedom eh. Mas malakas yung loob ko na gawin o subukan  ang isang bagay. Wala kasing judgmental sa tabi-tabi o kung meron man ok lang kasi hindi naman nila ako kilala. Walang rules at walang nagdidictate sa kung ano lang ang dapat kong gawin o ikilos. 

Pero hindi naman ako plastic para sabihin kong  yan palagi ang nakukuha ko sa mga biyahe. Nalulungkot din naman ako minsan, katulad kapag kumakain o lumalangoy ng mag-isa (imagine that, so sad!). Pero minsan lang yun sa buong duration ng bakasyon ko. Oo, hinahanap-hanap ko din ang company ng friends at family pero minsan pala kailangan mo ring i-appreciate yung company ng sarili mo. To be in tune with yourself. Para sa’kin kasi dito sa mga bakasyon na ‘to mas nakilala ko yung sarili ko. Kung ano ba yung nakakapagpasaya sa akin at kung ano yung dapat ko nang iwasan at itakwil sa buhay ko. Mas nagiging totoo ako sa kung ano ang tunay na buhay at drama lang.

Hoy ha, hindi ko ito isinulat para hikayatin kang magbiyaheng mag-isa. Dahil hindi mo rin naman ako agad-agad mahihikayat na mamundok, sumali sa triathlon, magbadminton at kung anu-ano pang hobby na nakahiligan mong gawin. 

Sinulat ko ito dahil, ito yung alam kong ikwento, ito ang expertise ko. At siguro rin kasi, ito yung written justification na gusto kong malaman ni opismate/housemate kung bakit nag-eenjoy akong mag-isa.  

Mema lang.

Thursday, July 11, 2013

A-Z



Ginaya ko lang from Senyor and Pao. :P

A. Attached or Single?

 Single and losing loving it!

B. Bestfriends

 

C. Cake or Pie

Cake. Banana bananana

 


D. Day of Choice

Saturday – start ng ME time

E. Essential Items

Money, phone and water (pwede na ‘kong gumala niyan)

F. Favorite Color

Di lang halata pero naiinlove na ko sa kulay ng pink, red and violet.

G. Gummy bears or Worms

Worms na lang para mas mahaba.

 

H. Hometown

Lucena City

I. Indulgence

Travelling (kahit na backpacker mode palagi)

J. January or July

January -  nareplenish na ang leave

K. Kids

I love kids pero I don’t know how to approach them and sometimes takot sila sakin. Haha Buti na lang I’m close with my nieces and nephews

 

L. Life isn't complete without...

You and me!

M. Marriage date.

Pwede monthsary muna with bf? Lol

N. Number of brothers and sisters

2 brothers kay papa, a sister with my mom.



O. Orange or Apples

Apples, yung green!
:D

P. Phobias

Acrophobia – pero nilalabanan ko na

The Plunge in Bohol


Q. Quotes

Give a man a fish and you feed him for a day.
Teach a man how to fish and you feed him for a lifetime. – Chinese proverb

If you can't feed a hundred people, then just feed one. – Mother Theresa

R. Reason to smile

Going home after a week’s work to see my sis and nephew



S. Season of Choice

Christmas season? LOL

T. Tag 5 People
 
-Ikaw, ikaw, ikaw, ikaw, ikaw na gustong magsagot nito

U. Unknown facts about me
 
Hayaan ko na lang silang madiscover ng mga kakilala ko.

V. Vegetable

Pumpkin – gusto ko siyang minamash sa kanin. Parang baby food ang itsura. 



W. Worst habit

Over-committing/Always saying YES!


X. Xray or UltraSound

Ultrasound – ang lamig kasi nung gel na nilalagay hehe

Y. Your favorite food

Fruit: green apple
Drinks: lemonade, hot choco
Pasta: Spaghetti alle vongole, pesto pasta
Fish: Bisugo
Bread: kahit ano, bread person here!
J


Z. Zodiac Sign






 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design