Pages

PASABOOK




Ano ang PASABOOK?

Pasabook - ginaya lamang sa salitang pasaload, pagpapasa o pagbibigay ng libro sa isang tao. Ang pinagkaiba nga lang sa dalawa,  ang pasabook ay LIBRE.

Kailan ito nagsimula?

Feb. 10, 2011. Ang unang libro na naisipan kong ibigay ay ang Para kay B ni Ricky Lee na napapunta kay Bulakbolero.

Ano ang layunin nito?

Una, para napapakinabangan ng ibang tao yung libro na binibili natin. Mas gugustuhin ko kasi na masira at mapunit ang mga pahina nito dahil sa madalasang pagbuklat kesa naman dahil lang sa tagal nitong nakadisplay sa cabinet. Sayang yung libro at lalong sayang yung pwedeng matututunan ng ibang tao dito.

Pangalawa, para hikayatin ang mga bloggers na magsimula o manumbalik ang hilig nila sa pagbabasa.
At pangatlo, suportahan ang mga manunulat lalo na ang mga Pinoy.

Paano ang paraan ng pagsali?

Simple, mag-iwan lamang ng bakas o komento sa post tungkol sa pasabook.

Paano pipiliin ang magwawagi?

Sa tulong ng random.org ay pipiliin ang mananalo. Iniiwasan lamang dito na magkaroon ng kiling o bias ang awtor.

Blogger lang ba ang pwedeng sumali?

Opo, bukas lamang ito para sa mga blogger.

Paano ang mga naninirahan sa ibang bansa na gustong sumali sa Pasabook?

Sa kasalukuyan ay bukas lamang ito sa mga blogger na naninirahan sa Pilipinas. Madalas kasi mas mahal pa ang pagpapadala kesa sa mismong libro. Nahihiya naman ako na hindi ipadala kung sakaling taga-ibang bansa ang nanalo. Hindi naman ako mayaman, kaya ayun dito muna sa Pinas pwede. :D


Sa kasalukuyan ang naipapasa na ay ang mga librong ito:



Maaari ka ring maging bahagi ng maliit na proyektong ito. Kung mayroon kang libro na nais ipasa at ibahagi sa iba, pwede kang mag-email dito: hartlesschiq@gmail.com para malaman kung saan ito maaaring ipadala (pwede rin ang meet-up).


Maraming salamat sa pagbabasa mo ng bahaging ito ng aking blog. Sana'y maging daan ka rin upang mas maraming tao pa ang magkaroon ng hilig sa pagbabasa. :) 

0 ang umusyoso:

Post a Comment

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design