Pages

Saturday, December 31, 2011

Bituin

Para mas effective, ilagay mo sa bituin ang iyong hiling at palagi mo silang tignan, mapapansin mo na lang natutupad na ito.

Di ba dapat humiling lang kasi malayo, di mo abot?

Ikaw lang nag-iisip nun.

Weird ka.

Isang beses, malalaman mo rin ang sinasabi ko.

*****

Makilala yung babae sa may duyan.

Anim na taon pa lamang kami nun. Habang ako’y nasa duyan sa may palaruan sa barangay, isang patpating lalake ang lumapit sa akin at nakipagkilala. Dahil sa takot, dali-dali akong tumakbo papalayo habang nakatingin sa kanya.

Pagdating ng pasukan, nakita kong muli ang lalaking iyon at ilang taon ko rin siyang naging katabi sa upuan dahil magkapareho kami ng unang letra ng apelyido. Di na ako natatakot sa kanya. Mabait pala si Emong, ang bestfriend ko.

Maisayaw si Missy sa prom.

Sabay sa isang love song, habang nakayakap sa akin si Emong ay binulong niya sa akin ang mga salitang. “Mahal Kita”. Naiyak ako habang sumagot sa kanya nang “Lilipat na kami ng tirahan, sa Maynila daw ako magka-college”.

Makapagtapos ng kolehiyo at hanapin si Missy.

Isang araw habang naglalaba, ay may kumatok sa aming pintuan. Pagbukas ko ng pinto, andun si Emong, may tangan na mga bulaklak. Mula noon, gabi-gabi ay naging bisita na namin siya. Nanliligaw.

Mapasagot ang babaeng minamahal ko.

May 5, 1990. Muli niya akong sinayaw sa aming terasa at binulungan ng ‘Mahal Kita’. Muli akong napaiyak habang sinasabing ‘Mahal din kita Emong’.

Makasama sa isang bubong si Missy at bumuo ng pamilya kasama siya.

Dinala ako ni Emong sa isang subdivision. Sabi niya may dadalawin lang kami. Pero pagdating namin doon, nagulat ako sa nakasulat sa tarpaulin sa isang bahay doon.

“Nalulungkot na ako ng walang laman. Pwede bang busugin niyo ako ni Emong ng inyong pagmamahalan?”

I became Mrs. Cardinal. Garden wedding, doon sa Baguio.

Tapos yun na, nasunod na yung kahilingan ng aming bahay. Nagbunga ang pagmamahalan namin ni Emong. Nasundan pa ng dalawa.

Mahalin si Missy at aming mga anak habambuhay.

*****

Matagal ng bilin ‘to ni kuya, ibigay ko daw sayo kapag wala na siya

Tangan ang isang susi, ay pinuntahan ko ang dati niyang silid.

*****

Para mas effective, ilagay mo sa bituin ang iyong hiling at palagi mo silang tignan, mapapansin mo na lang natutupad na ito.

Di ba dapat humiling lang kasi malayo, di mo abot?

Ikaw lang nag-iisip nun.

Weird ka.

Isang beses, malalaman mo rin ang sinasabi ko.

Isa-isa ko silang tinitigan habang nakahiga ako sa double deck na tinulugan noon ni Emong. Inaalala ang bawat sandali na aming pinagdaanan.

Tama siya, matutupad nga ang iyong mga hiling kapag inilagay mo ito sa mga bituin.

Mula sa mga cut-out na hugis bituin ay nakasulat ang mga nangyari sa amin.

Unang bituin. Makilala yung babae sa may duyan.

Pangalawa. Maisayaw si Missy sa prom.

Pangatlo. Makapagtapos ng kolehiyo at hanapin si Missy.

Pang-apat. Mapasagot ang babaeng minamahal ko.

Panlima. Makasama sa isang bubong si Missy at bumuo ng pamilya kasama siya.

Pang-anim. Mahalin si Missy at aming mga anak habambuhay.

Napapikit na lamang ako. Damang dama ko ang pagmamahal sa akin ng isang kaibigan, ng isang minamamahal.

Paglabas ko ng kwartong iyon, habang dala-dala ang mga bituin ni Emong, ang mga pangarap niya para kami’y magkasama, naririnig ko na lamang sa aking isipan ang laman ng sulat na kanyang iniwan.

Missy,

Simula ng makita kita sa duyan, alam ko na ang misyon ko sa buhay, yun ay mahalin ka. Alam ko magkalayo ang estado natin noon, pero hindi ko inisip na magiging hadlang ito para makasama ka. Katulad ng mga bituin na nakikita mo ngayon sa ilalim ng kama ng aming bunso, alam kong kailangan ko lang maniwala na abot-kamay lang kita. Kaya naman gumawa ako ng sarili kong mga bituin. Yung magdadala sa’yo sa akin.

Paggising ko sa umaga sila yung nagbibigay sa akin nang liwanag at pag-asa na magagawa ko ang lahat. At sa gabi, sila yung nagbibigay sa akin ng ngiti dahil alam ko bago ako matulog ay natupad na ang isa sa aking mga hiling.

Hindi ako nawala, mahal ko. Hindi rin ako malayo dahil alam ko, andyan lang ako...sa puso mo at sa puso ng ating mga anak. Pagdating ng panahon, alam kong magkakasama rin tayo, gagalaw sa iisang kalangitan habang binabantayan ang ating mga anak.

Mahal kita Missy. Habambuhay.

Emong

 

*********

Ang year-end post na ito ay inaalay ko sa mag-asawang Zyra at Lester. Happy Anniversary sa inyong dalawa.

Kayo ang bituin na palagi kong tinitignan. Sa inyo nakasulat ang pangarap ko na isang araw, darating din ang taong makakasama at mamahalin ko sa mahabang panahon. Smile

Sunday, December 25, 2011

Pasabook 10 Result

Merry Christmas everyone Smile As promised, eto na po ang resulta ng pasabook para sa buwan ng Disyembre.

pblist

Yung unang column po ay yung mga sumali, yung kasunod na column po ay yung gusto nilang bigyan at yung pinakahuling column ay yung mga may access papuntang Subic. Isinama ko na po ito just in case ang mapipili ni random.org ay No ang isinagot.

pbgen

Thirty four entries lang po ang naging valid para sa pacontest na ito. As usual, yung iba not following directions.

pbresult

Congrats sa inyo kikilabotz at hitokirihoshi  Open-mouthed smile . Paki-email na lang po ng mailing address niyo dito : hartlesschiq@gmail.com.

At dahil No, ang sagot ni kikilabotz sa pangalawang tanong sa pasabook edition na ito, pumili din si random. org ng mananalo para dito. Actually galing po ito sa opis namin, passes sa Ocean Adventure sa Subic para sa apat na tao. Pero dahil wala naman akong sasakyan at malayo ako sa Subic, isinama ko na lang dito Smile

pbsubic

pbsubicresult

Congrats po traveller! Paki-email po ng mailing address nila dito: hartlesschiq@gmail.com.

Salamat po sa mga sumali. Smile Next year, abangan po ang kasunod na librong ibibigay. Merry Christmas Party smileParty smileParty smile

 

Monday, December 12, 2011

Pasabook (10)

I'm sure sayted na kayong magcomment para sa Christmas Edition ng pasabook na ito. 

Ano nga ba ang magiging pagkakaiba nito sa mga nakaraang pamimigay ng libro? Hmmmm Pwede na ba na magkakaroon ka ng chance na magbigay ng parehong libro sa kapwa mo blogero? 

Yep, makakatanggap ka na ng libro, makakapagbigay ka pa sa iba. O di ba spirit talaga ng pasko, gift-giving? hehe 

So ano ba ang makukuha mo kung ikaw ang mapipisil ni random.org?

Clue:

1. Kulay pink ang cover niya. Sa unang tingin akala mo, Precious Hearts na pockebook.
2. Filipino ang author nito. Initials: B.O.


Ayan, dyan pa lang sa clue mahuhulaan mo na. Pero kung hindi pa, sige eto na yung front cover nung libro na ireregalo ko sa dalawang mananalo.



Basahing mabuti ang paraan ng pagsali. Kahit paulit-ulit yan, minsan may binabago ako. Spot the difference 'ika nga.


1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas.

2. Para makasali, mag-iwan lang po ng comment dito sa post.  

a.) Ilagay lang po ang pangalan ng blogger na gusto mong bigyan kasama ang kanyang link.(dapat nasa Pinas din). 

b.) At sagutin din ang tanong na: Malapit o may access ka ba papuntang Subic? (Yes or No lang yan).


Sample comment/entry:




a. Juan - bayabasnijuan.blogspot.com

b. YES


NOTE: DALAWA po ang ibibigay ko na libro, isang para sa mananalo at isa sa gusto niyang bigyan. 

Invalid po ang entry ng hindi susunod sa format na ibinigay sa itaas.



3. One entry per blogger lang po.

4. Hanggang Decmber 25, 2011 lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.

5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa Monday  (Dec.26, 2011) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong mailing address.

Maligayang Pasko sa lahat :D

Monday, December 5, 2011

10 FYI sa Bloggers’ Baguio Trip


10
Ang 9pm na usapan na aalis, ay naging 10pm dahil mahaba yung nilakad namin. Sabi kasi ni manong pagtawid daw diretso lang. Yun pala dire-dire-dire-diretso pa.
9
Ang numero na hindi gumagana nung nagvideoke kami sa The Red Lion. Buti na lang karamihan sa mga kantang gusto namin eh walang numero na ganito, kung hindi baka pinabalik namin yung dalawang bucket ng SanMig Light na Apple. Pero hindi rin pala, kasi libre naman ito ni Vince (kapatid ni Lester). Tenk yow!
387858_2234510110304_1474490806_31828727_1654206530_a
308911_2234507710244_1474490806_31828723_657868232_n
Matapos kumanta ni Lester ng Closing Time, ayun nacancel na yung dalawang kanta na kasunod, sinabotahe yata ni Bino (dyuk). Di pa kami umuwi nito kasi nagpartey partey pa us, kahit na ako’y nakatsinelas LOL
8
Walo kaming natuloy sa Baguio. Ako, si ate Leah, Bino, Zyra, Lester (hubby ni Zy), Poi, Yvette(wifey ni Poi) at Zen.
390356_2234482349610_1474490806_31828700_1094130360_n
7
Sa buong duration ng Baguio Trip, iisa lang ang palagi naming sinasabi na hindi namin mapanindigan. Yun eh “light meal” lang daw. Pito sa mga kilalang kainan sa Baguio ay aming dinayo para sa mapagpanggap naming light meal.
Good Taste
50’s Diner
Jack’s Restaurant
Halfmoon Asian Café (Mine’s View Hotel)
Oh my Gulay
Volante
Wood nymph Korean Resto
    377418_2236474679417_1474490806_31830175_1400087840_a384933_2236472639366_1474490806_31830173_270084345_n388672_2236431798345_1474490806_31830128_2082028125_n    
374153_2234468109254_1474490806_31828660_897930321_a309042_2234467269233_1474490806_31828658_541922882_n387789_2234467869248_1474490806_31828659_1128224873_n
384276_2234511990351_1474490806_31828733_753658713_n374300_2234511510339_1474490806_31828731_882327222_a376088_2234511750345_1474490806_31828732_1151418748_n
Food trip lang ata ang dinayo namin dito. LOL
6
Anim na set ng damit ang dinala ko papuntang Baguio, kahit isang pants ay wala. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako ang may pinakamaraming dala sa kanila. Buti na lang wala silang piktyur ng bag ko, kasi dyahe talaga. Parang maglalayas lang!
PS. Salamat ng madaming madami kay Kikilabotz sa pagdadala ng malaking bag ko :) Di kasya sa bus yung Pine tree na gusto mo, air freshener na lang :P
5
Nag-alarm ako ng 5am nung third day namin sa Baguio. Nagsisimula pa lang sa pagkanta si Armi (Updharmadown), may isang kasama kami na parang nasa military lang kung bumangon, kakagulat lang. Kung gaano siya kabilis makatulog ganun din siya kabilis magising. Sinetch itey? LOL
381126_2236397277482_1474490806_31830064_669204188_n
4
Apat lang ang required na pasahero sa loob ng taxi. Pero pasaway kami, ayun kahit sa sahig umuupo. Keri lang basta magkakasama. :D
3
Hanggang Baguio eh inaabot pa rin ako ng katangahan este disgrasya. Una, nauntog sa may hagdan paakyat sa bahay ni lola. Pangalawa, nauntog sa may gate. At pangatlo, shumoot ang paa sa putikan sa may strawberry farm. Buti na lang prepared na ang mga tao dun. Merong option sa CR na “Hugas Paa- P20”.
Tatlong blogger din pala ang nakasama namin sa MOA bago kami bumiyahe pa-Baguio. Kasama namin silang tsumibog ng kauna-unahan naming “light meal”
387499_204413626306172_100002126093009_477615_222552541_n
2
Dalawang balde at dalawang heater. – alam mo na kung para saan yan.
Dalawang araw din na net-free. Open-mouthed smile Walang FB at Twitter – ENJOY!
1
Perstaym
       - mameet si Ate Leah at Zen
       - nakarating sa NAIA Terminal 3
       - nakakita ng improvised heater
       - kumain sa Korean Resto
       - umakyat sa napakaraming baitang ng hagdan (madami palang grotto sa Baguio LOL)
Isang taxi driver ang nag-alok na isulat na lang ang resibo matapos itong di magprint. Spell effort!
At, may isang joke nga pala na hindi kami lahat makaget-over. Mark mark! Tanong niyo na lang po kay Zen kung anu yun kasi siya ang best in delivery pagdating sa joke na ito. :D


Salamat po

- sa family nila Zyra at Lester, lalo na kay lola na nagpaunlak ng kanilang bahay para sa amin.
- sa kapatid ni Lester na si Vince na hinaharana kami tuwing umaga, at sa pagtour sa amin nung second day
- sa mga pinsan ni Lester na kasama na pala namin sa bahay pero hindi namin namamalayan, nice meeting you po :D
- sa mga taxi driver na hindi kami iniligaw o nagtake advantage
- sa mga kainan at pagkain na bumusog sa amin ng tatlong araw
- sa hindi maaraw at hindi maulan na panahon
- at siyempre sa mga nakasama ko sa Baguio. Salamat po sa pagsama niyo, sa mahabang lakaran, sa nakakabusog na ‘light meal’ at sa masayang kwentuhan.
384062_204441122970089_100002126093009_477803_1202855379_n388463_204439652970236_100002126093009_477788_1249332967_n393645_204429062971295_100002126093009_477729_1883770912_n313255_2234465789196_1474490806_31828654_233236233_n309017_2234502150105_1474490806_31828713_1371642525_a386624_2234458749020_1474490806_31828633_1312432475_a391812_2234478309509_1474490806_31828686_672346457_a392805_2234527590741_1474490806_31828775_1359101280_a377433_2234460709069_1474490806_31828640_31770_a378156_2234514670418_1474490806_31828744_1268514313_a388353_2234526870723_1474490806_31828772_586635135_a378539_2234523310634_1474490806_31828766_408155130_n

See you soon Baguio! Here I come Iloilo Open-mouthed smile
(ang mga pics po ay nanggaling kina Bino at Leah)

Sunday, December 4, 2011

Ang Sagot ni Yssa (Repost)

“Pare ano na? Di ka pa ba sinasagot ni Yssa?”

“Di pa nga eh”

“Ilang  buwan ka nang nanliligaw ah. Pakipot naman masyado”

“Mukhang ikaw pa ang naiinip. Sa totoo lang hindi ko naman napapansin na ganun na pala katagal.”

“Naku pare inlove ka na yata. Delikado yan.”

“Ano namang delikado dun? Kaya ko nga siya niligawan di ba para mas lalo ko siyang makilala”

“Di na ko makikipagtalo sa’yo. Basta kung bastedin ka niya, andito lang ako. Tara magpapakalasing tayo.”

“Gago! Mag-iinom tayo kasi sinagot na ko ni Yssa.Itaga mo yan sa bato, Caleb”

“Lakas ng fighting spirit mo! Good Luck!”

Kung gaano kalakas ang fighting spirit ko noong magkausap kami ng barkada ko, ganun din kalakas ang kaba sa dibdib ko. Mukhang hindi na ako makatayo sa pwesto ko. Hindi ko akalain na sa ganitong paraan ko malalaman kung nakuha ko ba ang puso ni Yssa. Muli kong tinignan ang monitor ng aking computer. Hindi ako makapaniwala.

“Spike favor, ok lang?”

“Sige anu yun”

“Check mo naman yung bagong post ko sa blog ko”

“Nagbblog ka pala”

“Oo naman hindi ko lang pinagkakalat. Check mo naman baka may masasabi ka”

“Sige. Ano bang site?

“Bigay ko na lang sayo mamaya.”

At ito na nga nabasa ko na. Wala akong masabi. Parang sasabog ang puso ko sa sinulat niya sa kanyang blog.

 

Blog ni Yssa  (Buksan sa ibang tab/window)

Ilang minuto pa ang lumipas ay sinara ko na rin ang aking computer. Tumayo na ako at nagsimulang magpalit ng damit. Tinawagan ko na rin si Caleb. Mag-iinom kami. Palabas na ako ng bahay ng biglang tumawag si Yssa.

"Nabasa mo na?"

"Sana diniretso mo na lang ako Yssa.."

"Nahihiya kasi ako Spike. Wala ka bang itatanong?"

"Ano pang itatanong ko e basted na nga ako."

Mula sa kabilang linya ay narinig ko ang malakas na pagtawa ni Yssa. Sa sobrang pikon ay binabaan ko siya ng telepono. Kailangan ba niya yung gawin?Pagtawanan ako? Nakakaloko ba siya?

Malapit na ako kina Caleb ng mabasa ko ang text ni Yssa.

"Spike sori, ndi q nmn cnsdya n pgtwnan k.kala q kc npncn mo. Gusto ko kasing maging special. Hindi naman umubra. May ellipsis s ktb ng letter q. Ang passwrd yung gs2 mng mrng mula skin.walang space :D"

Dali-dali akong naghanap ng computer shop upang muling makita ang sinulat na iyon ni Yssa. Pagbukas ko ng blog niya ay hinanap ko agad ang ellipsis na sinsabi niya.

Matapos kong basahin muli ang post na iyon ni Yssa, tumuloy pa rin ako kina Caleb. Mag-iinom pa rin kami. Pero iba na ang dahilan. Ibang-iba na.

 

*** Ang orinigal post ay kinopya mula dito.

Nahihilig yata akong sumali ngayon sa mga pacontest :))

Sa lahat ng lovestory na sinulat ko ito na yata yung medyo ma-effort at nakakakilig na nagawa ko. Kaya naman, ito yung ipapasok ko para sa pacontest ni Gillboard :) Gusto ko nung book! :D

Bow ako sa'yo, ikaw na!

Eto lang naman ang ilan sa mga tinitingala at sa tingin kong pasok sa banga ang blog at personality para sa The Annual (Kalsada) Blog Awards 2011 :D


Lifetime Achievement Award: Duking - walang sabaw na post, diretso sa  lamang loob ang nilalaman ng bawat sinusulat

Most Promising Blogger of the Year: Monik - madami ka nang namimiss out sa blogworld kung hindi mo pa nababasa ang blog nitong batang 'toh

Best Blog Design: Glentot -  explain ko pa ba? puntahan mo na lang blog niya :)

Best in English Blogger of the Year: Leah - kakanosebleed ang mga post

Best in Filipino Blogger of the Year: Jkulisap - sa Karsada pa lang, alam mo na kung bakit siya ang pinili ko :)

Photoblogger of the Year: Joey Velunta - may WOW factor ang bawat litrato

R-18 Blogger of the Year: SB - malisyosa lang ata ako :))

Pinaka-Bibong Blogger of the Year: Jason - reydi reyding siyang gawin ang lahat para mag-entertain ng kapwa blogger

Pinaka-Teking Blogger of the Year:  Bon - updated sa lahat ng happenings sa tech world

Pinaka-Gwapong Blogger of the Year: Kikilabotz - pambawi ko naman dahil palagi niya kong sinasali sa hottest blogger sa blog niya :)) dyuk.. siya yung di mo pa nakikita nagagwapuhan ka na! (yun yun eh!)

Pinaka-Fashionistang Blogger of the Year:   Khacai - kering keri niya ang look sa mga costume/themed-party na hinohost niya

Pinaka-Galanteng Blogger of the Year: Bulakbolero - mula sa tatlo naging sampu ang mananalo straight from SG pa ang prizes, may mas gagalante pa ba dun? \m/

Most Active Blogger of the Year (Blog Category) : Bino - parang kulang ang bloghopping sa isang araw kapag walang post ang taong ito. Laging nasa unahan ng blogroll ko pag nag-uupdate :))

Most Active Blogger of the Year (Facebook Category) : Joshua Villangca - si kuya Like sa FB pero super hiatus naman sa blogworld.

Ublog Love Team of the Year: Zen at Xander ❤❤❤

Friday, December 2, 2011

I Choose Otep


Dahil hindi lang ako ang naniniwala... :)




Sinusuportahan namin si Otep ng Libre Lang Mangarap para sa  

Thursday, December 1, 2011

Pasabook (9) RESULT

 Pasko na... ay December 1 pa lang pala. Niweiz Maligayang Pasko pa rin sa lahat ng makakabasa nito (namamasko nga po :D ).

Maswerte ang mga sumali ngayon kasi kakaunti lang silang maglalaban-laban para sa libro. Buti na lang din di masyadong mahihirapan si random.org na pumili :D So ayun, eto na po yung resulta:








Congrats hana banana! :) Paki-email na lang po yung mailing address dito: hartlesschiq@gmail.com.

Abangan na lang po yung Christmas edition ng pasabook :) Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta dito sa munting pakulo kong ito. Maligayang Pasko ulit! :D

Tuesday, November 29, 2011

Kung Sana…

 

Sana hindi ka na lang umalis…

Sana pinigilan mo ako..

Would it make a difference?

I would have stayed if you asked me to…

Nakilala ko si Jen sa internet. Mula sa YM chat ay nakaabot kami sa Fb at Twitter. At hindi pa kami natapos doon dahil pagkalipas lang ng ilang buwan ay nagdecide kami na magkita. Sa unang pagkikita na iyon, ay nabuo na ang desisyon sa aking isipan na ayoko nang makipagsagutan sa status at makipagpalitan ng banat lines sa kanya sa internet. Gusto ko si Jen. Gusto ko siyang makasama habambuhay.

Niligawan ko siya. Kung hindi man ako nakakapunta sa kanila ay iniimbitahan ko naman siya sa labas para mamasyal o kumain. HIndi na kami gaanong nag-oonline. Nagpatuloy lang kami na ganun hanggang sa ang tangi na lang namin naisagot sa mga nagtatanong sa aming paghahiatus ay ang status namin sa FB na ‘in a relationship’

Masaya kami sa piling ng isa’t isa. Bawat araw na dumadaan ay pinupuno namin ng mga alala na magkasama kaming dalawa. Maging ang mga pamilya namin ay natutuwa dahil malaki daw ang naging improvement namin. Naging inspirasyon namin ang bawat isa. Kaya naman ng minsan may oportunidad na dumating para kay Jen ay hindi na namin ito pinalagpas. Kahit pa nga nangangahulugan ito na magkakahiwalay kami.

Inaalala lang kita noon, sayang yung opportunity

Sa atin, hindi ka ba nanghinayang?

Dumating sa punto na talagang naghiwalay kami. Nakipagkalas ako kay Jen. Baka kasi hindi niya kayanin. Baka hindi ko kayanin. Mahirap eh. Malayo kami sa isa’t isa. Malapit naman sa tukso.

Ilang beses kong pinigilan yung sarili ko na sumagot sa mga status niya. Nagsilbi akong stalker sa babaeng nagpapatibok pa rin ng aking  puso. Madalas kinakaya ko pero minsan gusto ko nang bumigay. Katulad na lang ngayon, pagkatapos ng mahabang panahon ay sinimulan kong tumipa ng mga letra para sa kanya.

Natakot ako Jen. Naduwag. Hindi ako nagtiwala sa kaya nating gawin na magkasama. Pero ngayon, kaya ko na. Jen, pwede pa ba?

Kung itinanong mo sa akin yan dati, siguradong oo ang magigigng sagot ko. Pero ngayon, hindi ko na yata kayang magrisk para sa ating dalawa.

Sana hindi ka na lang umalis…

Sana pinigilan mo ako..

Would it make a difference?

I would have stayed if you asked me to… Sorry Dave, now is too late.

 

 

*subok lang na kwento gamit ang live writer Smile with tongue out

Monday, November 28, 2011

Pasabook (9)


Mabuhay! Andito ulit ako para sa isa na namang edisyong ng pasabook.:D

Pamilyar na kayo sa awtor ng librong ito dahil noong highschool ay ilang nobela na rin niya ang nabasa natin at ginawan ng book review. Akala ko nga hanggang dun na lang matatapos yung pagbabasa ko ng akda niya, pero nung minsan na nagkita-kita kami ng ibang mga blogger ay may nagbigay sa akin ng librong ito. Medyo natagalan nga ako bago ko siya basahin, dahil naiisip ko baka boring yung content. Pero maling-mali ako, kasi isang upuan ko siyang binasa with matching tulo pa ang uhog. Maganda siya pramis. 

O hala, masyado na mahaba ang intro, baka maikwento ko pa ng buo. Madali lang naman ang pagsali:

1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas.

2. Para makasali, mag-iwan lang po ng comment dito sa post. Kahit anong comment, pasok ka na!

3. One entry per blogger lang po.

4. Hanggang November 30, 2011 lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.

5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa Thursday  (Dec.1, 2011) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong mailing address.

Ay teka nasabi ko na ba kung anong libro yung ibibigay ko? Hahaha eto nga pala ang front cover niya, sana mas maengganyo kayong sumali :) 




 

Monday, November 21, 2011

Ready, Set... GO!



                         The longest journey begins with a single step.

                                                                               - Lao Tzu

Wala akong damit.

Wala akong pants.

Baka hindi ko makaya.
 
Baka hindi ako magising ng maagap


Minsan talaga kapag nauunahan tayo ng takot na gawin ang isang bagay marami tayong mga dinadahilan na kesyo ganito ganyan at marami pang iba para lamang makaiwas. Madalas kahit gawa-gawa lang natin ang mga dahilan na ito ay nagiging katotohanan na rin dahil ito ang tumatatak sa ating isipan. Sa huli, walang nangyayari sa atin. Naiiwan na lang tayo na nangangarap at nanghihinayang dahil hindi tayo sumubok. Lalo lang nagiging mababa ang tingin natin sa ating sarili.

Ganyan din ang naramdaman ko sa una. Excited ako na nagpalista sa isang kaibigan para sa isang event pero nung malapit na yung mismong araw,  madami ng excuses akong naiisip para magcancel. Natatakot kasi ako na baka hindi ko kaya, na baka mamaya mahimatay ako dun o kaya naman baka hindi ako makatapos. 


                  "Believe in yourself and good things do start happening."
                                    
                                          -from the book The Magic of Thinking Big

Wala akong damit.

- may libreng singlet na kasama yun

Wala akong pants.

-may nakita ka na sa Marikina, bilhin mo na

Baka hindi ko makaya.

- wala naman masama kung susubok di ba?

Baka hindi ako magising ng maagap

-nauna ka pa nga sa alarm


Buti na lang nakakuha ako ng motivation sa isang libro na kasalukuyang binabasa ko. Natalo ni Ms. Triumph si Ms. Defeat. :)






 
"It does not matter how slowly you go so long as you do not stop. "
                                                                   
                                                                                       - Confucius 


Ilang oras kong binuno yung takbong iyon, na sabi nila eh wala pang isang oras matatapos mo na. Pero ok lang kasi first time ko naman at kung makikita mo lang yung ngiti sa mata ko nung marating ko ang finish line, hayyy parang ako na yung champion. LOL 

oo may libreng Champion na powder :))

nag-aantay na magbukas ang mall :)

Hay, sarap lang. Next time na takbo ko, kakayanin ko na siya ng wala pang isang oras. Ako pa! Sama ka ha!





 


 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design