Pages

Saturday, February 16, 2013

Solo in SG



Last weekend ay natuloy din ang gala na matagal kong pinag-isipan kung ipupush through ba o hindi. Matutuloy, kasi sayang naman ang pamasahe at ito yung dream trip namin ko nung 2012 o hindi, dahil mag-isa lang akong pupunta. Halos ilang buwan ko ding pinag-isipan ‘to.  Tapos lalo pang lumamang yung hindi kasi wala kaming bonus. Dun pa naman nakaasa yung pocket money ko para sa trip na ito.  So mga January, sabi ko ‘ Madz, siguro next time na lang. Magbook na lang ulit.’ :(

Pero ewan ko ba, ganun lang siguro ako kamahal ni Lord. Come February, bigla na lang may dumating na blessing at presto hindi na ko mamumulubi. Ask and you shall receive talaga ang nangyari. Sobrang thankful!

Bago pa man ako makalabas ng bansa, isa sa kinatatakutan ko e yung sa Immigration. Marami kasing nagsasabi at nababasa ko din sa mga forum na mahigpit daw lalo na kung babae at mag-isa lang. Pero ayun, bukod sa kung tourist o working e wala na siyang ibang tinanong at dire-diretso na kong nakapasok sa loob. Maya-maya lang, hello Singapore na! 




Naging maulan yung duration ng stay ko doon pero di rin naman ako napigilan nito.  Marami pa rin naman akong nagawa katulad ng: 

1. Ma-access lahat ng MRT lines. 
-Kulang na lang dun ako tumira kasi paikot-ikot lang ako dun. Haha Sana pala ang binili ko na lang yung tourist pass para unlimited sa MRT ride tsaka sa bus. :P  (Nagpplay sa utak ko yung sound effect kapag nagsasara yung pinto)





2. Makasakay sa bus. 
– isang beses lang naman pero alert na alert ako kasi dito walang pasaway. Sa designated bus stop ka talaga nila ibababa.






3. Makita in the flesh si Merlion .
-Yun nga lang walang evidence. Hindi ko din alam kung bakit di ako nakapagpapicture. 

4. Tumira sa isang hostel. 
- Para ka lang nakatira sa boarding house nito. Yun nga lang iba’t ibang lahi at iba’t ibang amoy din. LOL




5. Meet new friends. 
– saktong pagdating ko doon ay may meet up ang CS SG group para salubungin ang Chinese New Year. Masaya naman, nakakapagod lang yung mahabang lakaran. Magrereklamo na sana ako buti na lang nilibre nila ko ng food. Natikman ko yung satay ba yun. Parang barbeque din, may variety lang (mutton,beef, pork and chicken) tapos i-didip sa sauce.





6. Makatikim ng SG food – bukod dun sa satay ay natikman ko din ang chicken rice pati yung kaya toast.  Nakita ko din yung kachang kaya lang di ako natempt bumili kasi parang halu-halo slash snow ball lang ang datingan. Di rin ako mahilig sa crabs so it’s a no-no to chili crabs. Ang gusto ko sana mai-try yung ice cream na 1$. Madami kasi nagsasabi masarap daw yun.





7. Art Science Museum – Namangha talaga ako dun sa lego. Grabe ang galing galing niya! Tapos yun ding tungkol sa photography maganda din. Sulit yung bayad ko dito. :D




8. DIY Walking tour – Nakakagana maglakad sa SG, halos magkakalapit din lang kasi yung attractions and feeling ko kahit late na at mag-isa lang ako hindi ako madidisgrasya dun.

9. Nakapunta sa Universal Studios. – Finally, check na check na talaga yung sa bucket list ko na makasakay sa roller coaster! :D Thanks nga pala kay Arvin (archieviner sa twitter) at sa family niya kasi sila yung nakasama ko sa USS.





10. Meet SG Bloggers – actually di na rin naman ako nakipagmeet sa kanila kasi holiday nga yung punta ko so iniisip ko din na may kanya-kanya silang lakad. Fortunately, may isa akong nameet ulit (nagkita na kasi kami dito sa Pinas) at yun ay walang iba kundi ang parekoy ko na si Bulakbolero. Busy siya that day pero naisingit niya talaga kahit breakfast meet-up lang. Thanks parekoy sa treat and sa gift! :)





Bukod diyan e may mga FAIL moments din naman ako katulad ng maiwan ang passport sa money changer at muntik nang maitapon yung disembarkment form.  Pero natabunan na siya nung saya ko during this trip. Kumbaga, bawing bawi na!  Sana makabalik ulit ako dito sa SG dahil marami pa kong gustong puntahan. At sana please lang di na umuulan. Hehe


Next year plano ko naman ay Vietnam-Cambodia-Thailand trip.Wish ko maging ganito din kasaya. :D


 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design