10
Ang 9pm na usapan na aalis, ay naging 10pm dahil mahaba yung nilakad namin. Sabi kasi ni manong pagtawid daw diretso lang. Yun pala dire-dire-dire-diretso pa.
9
Ang numero na hindi gumagana nung nagvideoke kami sa The Red Lion. Buti na lang karamihan sa mga kantang gusto namin eh walang numero na ganito, kung hindi baka pinabalik namin yung dalawang bucket ng SanMig Light na Apple. Pero hindi rin pala, kasi libre naman ito ni Vince (kapatid ni Lester). Tenk yow!
Matapos kumanta ni Lester ng Closing Time, ayun nacancel na yung dalawang kanta na kasunod, sinabotahe yata ni Bino (dyuk). Di pa kami umuwi nito kasi nagpartey partey pa us, kahit na ako’y nakatsinelas LOL
8
Walo kaming natuloy sa Baguio. Ako, si ate Leah, Bino, Zyra, Lester (hubby ni Zy), Poi, Yvette(wifey ni Poi) at Zen.
7
Sa buong duration ng Baguio Trip, iisa lang ang palagi naming sinasabi na hindi namin mapanindigan. Yun eh “light meal” lang daw. Pito sa mga kilalang kainan sa Baguio ay aming dinayo para sa mapagpanggap naming light meal.
Good Taste
50’s Diner
Jack’s Restaurant
Halfmoon Asian Café (Mine’s View Hotel)
Oh my Gulay
Volante
Wood nymph Korean Resto
Food trip lang ata ang dinayo namin dito. LOL
6
Anim na set ng damit ang dinala ko papuntang Baguio, kahit isang pants ay wala. Pero hindi ko maintindihan kung bakit ako ang may pinakamaraming dala sa kanila. Buti na lang wala silang piktyur ng bag ko, kasi dyahe talaga. Parang maglalayas lang!
PS. Salamat ng madaming madami kay Kikilabotz sa pagdadala ng malaking bag ko :) Di kasya sa bus yung Pine tree na gusto mo, air freshener na lang :P
5
Nag-alarm ako ng 5am nung third day namin sa Baguio. Nagsisimula pa lang sa pagkanta si Armi (Updharmadown), may isang kasama kami na parang nasa military lang kung bumangon, kakagulat lang. Kung gaano siya kabilis makatulog ganun din siya kabilis magising. Sinetch itey? LOL
4
Apat lang ang required na pasahero sa loob ng taxi. Pero pasaway kami, ayun kahit sa sahig umuupo. Keri lang basta magkakasama. :D
3
Hanggang Baguio eh inaabot pa rin ako ng katangahan este disgrasya. Una, nauntog sa may hagdan paakyat sa bahay ni lola. Pangalawa, nauntog sa may gate. At pangatlo, shumoot ang paa sa putikan sa may strawberry farm. Buti na lang prepared na ang mga tao dun. Merong option sa CR na “Hugas Paa- P20”.
Tatlong blogger din pala ang nakasama namin sa MOA bago kami bumiyahe pa-Baguio. Kasama namin silang tsumibog ng kauna-unahan naming “light meal”
2
Dalawang balde at dalawang heater. – alam mo na kung para saan yan.
Dalawang araw din na net-free. Walang FB at Twitter – ENJOY!
1
Perstaym
- mameet si Ate Leah at Zen
- nakarating sa NAIA Terminal 3
- nakakita ng improvised heater
- kumain sa Korean Resto
- umakyat sa napakaraming baitang ng hagdan (madami palang grotto sa Baguio LOL)
Isang taxi driver ang nag-alok na isulat na lang ang resibo matapos itong di magprint. Spell effort!
At, may isang joke nga pala na hindi kami lahat makaget-over. Mark mark! Tanong niyo na lang po kay Zen kung anu yun kasi siya ang best in delivery pagdating sa joke na ito. :D
Salamat po
- sa family nila Zyra at Lester, lalo na kay lola na nagpaunlak ng kanilang bahay para sa amin.
- sa kapatid ni Lester na si Vince na hinaharana kami tuwing umaga, at sa pagtour sa amin nung second day
- sa mga pinsan ni Lester na kasama na pala namin sa bahay pero hindi namin namamalayan, nice meeting you po :D
- sa mga taxi driver na hindi kami iniligaw o nagtake advantage
- sa mga kainan at pagkain na bumusog sa amin ng tatlong araw
- sa hindi maaraw at hindi maulan na panahon
- at siyempre sa mga nakasama ko sa Baguio. Salamat po sa pagsama niyo, sa mahabang lakaran, sa nakakabusog na ‘light meal’ at sa masayang kwentuhan.
See you soon Baguio! Here I come Iloilo
(ang mga pics po ay nanggaling kina Bino at Leah)
Monday, December 5, 2011
10 FYI sa Bloggers’ Baguio Trip
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
HAhaha! Tawa sa #10. Di pa nakaakyat ng Baguio, sumakit na ata paa ko dun. Ang layo pa pala.. Lols. Nice to finally meet you, Madz! :D
ReplyDeleteWeeee! Sama ng pakiramdam ko sa last night, pero napatawa ako sa "Mark Mark" joke ni zenzen! haha.. Bentang-benta! :D
Babalikan kita, Baguio. Hintay lang. :) Kitakits dito sa Iloilo, Madz! :)
ang nice ng countdown numbers ng pagwento nio ng baguio trip. pag umaalis din ako madami akong magdala ng damit. ang pang overnite, mga 3 pairs ng shirt shorts and undergarments :p
ReplyDeleteayos ang post! eto ang post na talagang mararamdaman mo na nagenjoy ang blogger!!! astig :D
ReplyDeleteWow, ang galing.. super countdown.. haha. Natutuwa din ako at nameet ko kayong lahat. Sarap ng food at saya ng trip. Taho, B U R G E R, buttered chicken, at putanesca pasta sa Oh my Gulay.
ReplyDeleteAt syempre buti na lang dumating si Mark! hehe :)
Sarap ng mga pagkains! Hehe
ReplyDeleteIsa sa dahilan kung bakit gusto ko sa baguio, ung mga taxi driver hindi garapal, parehas sila sa lahat ng bagay...hindi gaya ng ibang taxi driver :D
ReplyDeleteang saya nman ng mga picture taking nyu sa baguio!
ReplyDeletei wanna know how to follow your bog wala kasi nakalagay :)
ReplyDeleteMadz, ako, may picture ng bag mo. Pero since fwends tayechiwa, di ko ipo-post. Haha!!!
ReplyDeletemasarap yung mga "light meals" niyo . yum yum light lng tlga. hahah
ReplyDeletewow ate mads lilibutin mo po b ang buong mundo?
sama me.. hehe
sarap ng pagkains and pikchur pikchur!
ReplyDeletetnt sa sinetch etei..eh cno pa nga ba?ahaha
ReplyDeletenamiss ko baguio :)
super enjoy ng trip nyo ah.inggit me hehehe
ReplyDeleteNakakagutom yung trip niyo Ate. Hahaha. Nagugutom na naman ako, kakabasa ko lang din nung kay Ate Zyra eh. Ang saya saya niyo tignan.
ReplyDeleteAng saya naman ng lakad niyo! :)
ReplyDeleteWow! Ang saya namn ng baguio trip nyo at ang daming lafang!
ReplyDeletebitter ako dahil inde ako nakasama...lols..type ko lang yung pitong kainan huh! at saka madz...tingin ko me ibang laman pa yung bag mo na hindi nakita ng mga kasama mo sa baguio? hmmmm hehe
ReplyDeletecurious lang mili-military-blogger na yan..ahw hihi
ReplyDeletewow cool na bloggers meer up sana next time makasama ako sa tulad ng ganyan.
ReplyDeleteBTW Inong here bago nyo pong taga subaybay.
namiss ko bigla ang baguio. haist! okey 'yung food trip ah. sana pumunta kayo sa strawberry plantation para mas masaya. hehe.
ReplyDeletenext trip: iloilo? ikaw na ang maraming oras at pera para magbulakbol. lol!