“I've long believed that good food, good eating, is all about risk. Whether we're talking about unpasteurized Stilton, raw oysters or working for organized crime 'associates,' food, for me, has always been an adventure”
- Anthony Bourdain, Kitchen Confidential: Adventures in the Culinary Underbelly
Pass muna tayo ngayon sa mga fiction books. Yung sponsor ko kasi nagrequest nung una na sana ang ipamigay kong mga libro ay about travel kasi dun siya mahilig. Pero nung naghahanap na ko sa suking tindahan, parang ang boring kapag mga libro na may mapa at tourist spots lang yung ibibigay ko. I mean, pwede naman siyang hanapin ni Google in an instant. Luckily, sa list ng new arrivals ay nakita ko ang librong ito. Cover pa lang, nakakatakam na. Kaya naman agad ko siyang kinuha sa shelf at binili.
At hindi nga ako nagkamali. Pagkabasa ko ng libro, gusto ko na magpabook at lumarga agad agad. Kasi naman kahit hindi ko mabasa ng maayos yung pangalan ng pagkain, naiimagine ko na siyang sinusubo kasabay ng rice. Napapaghalata ang matakaw. LOL Ang maganda lang dito sa libro, para sa panlasang Pinoy. Dahil lahat ata ng sulok ng Pilipinas ay binisita ng mag-asawang ito (foodie couple Claude Tayag and Mary Ann Quioc) para lamang matikman ang mga natatanging pagkain sa bawat rehiyon. Mas lalo tuloy akong naniniwala na: eating is more fun in the Philippines! :D
Kaya naman para maniwala kayo sa mga sinasabi ko, eto ang ihahain ko para sa pasabook ngayong buwan:
Ang litrato ang hiniram mula dito
Natatakam ka na ba sa nilalaman ng bawat pahina? LOL Sundin lamang ang mga sumusunod para mapasa'yo ang librong ito:
1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas.
2. Mag-iwan lamang ng komento na ang laman ay pagkaing Pinoy na natikman o gusto niyong matikman at kung saan ito matatagpuan.
3. One entry per blogger lang po.
4.Hanggang September 2 (Sunday) lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.
5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa September 3 (Monday) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong contact details (syempre kasama na yung buong pangalan ).
Katakam-takam nga! Sana mabiyayaan ang aking hapag. Salamat at magandang araw! :D
ReplyDeleteWalang boring magbasa ng travel articles. LOL. mayroon nga akong book ng mga bundok sa pinas, paulit ulit kong binabasa. (edi ako na)
ReplyDeleteNgaps, yun talaga ang masarap at isa sa gusto kong parte sa pagtravel ang pagfu-foodtrip.
nasa baba ang ilang pagkain na naglalaway ako.
-bagnet ng ilokos
-empanada ng ilokos
-pastel ng camigin (di ko sure)
-danggit ng cebu
-piaya ng iloilo
-halo halo sa laguna at bulacan
-chicharon ng bulacan
-bulalo, patatim, pinatisan, sinampalukan, tinola ng nanay ko
-kare kare at kaldereta
-sisig ng pampangga
-tocino at longganisa
at madami pang iba.
at dami ko ng gutom ngayon.
yummey!!!! ^_^
ReplyDeletegusto ko ng bagnet at ung orange na parang omelet na ewan sa ilocos.
ReplyDeletehmmmmm... and all of the above na nailista ni bulakbolero. grabe nilahat na nya ata ng pwedeng maisip ko hahahahaha! Pwede pag sya nanalo sakin nlng libro? wala namn sya sa manila eh lol joke.
Sobrang sarap ng TUPIG ng Pangasinan!~
ReplyDelete:)
longganisa ng quezon- quezon
ReplyDeletemagarlic kasi kaya masarap
hmmmm , type na type ko yung pansit bato from our province of Camarines Sur
ReplyDeleteGustong- gusto ko ulit makakain ng "pater"--- maranao recipe yan sa marawi (java rice with chicken na parang adobo pero maanghang) o kaya ang "beef randang". yum! yum!
ReplyDeleteNagutom tuloy ako nung maisip ko yon, 3 yrs ago ang huling kain ko nito.
mahilig si master mangolekta ng mga cook books at kung anu-ano pang mga katulad nito na may temang tungkol sa mga pagkain.. kaya try ko ulit sumali, baka palarin ulit.. (salamat nga pala ulit dun sa libro nina chico at delamar, ang daming natuwa dun.. hehehe)
ReplyDeletepagkaing natikman? exotic food pero hindi ko alam kung pinoy ba ang naka-una sa ganun.. yun bang sinangag na mga salagubang.. ayos naman.. parang talangka.. una kong nakakain nun sa pangasinan.. marami pa sana kaso 1 entry lang.. hehehe
bagnet,longganisa at empanada ng ilocos!
ReplyDeletebagay eto sa isang ama na ang trip ay ipagluto ang anak...
ReplyDeleteSinigang sa Strawberry ng Baguio City :)
ReplyDeleteThis time, mananalo na ako.
Hehe!
nakakatakam naman...
ReplyDeleteBicol express is the best lalo na sa mainit na kanin.
empanadang pula sa ilocos :D
ReplyDeletebicol express na galing talagang bicol :)))
ReplyDeleteako naman please!!!
sali uli ako. malay mo ako na ang mabola. mahilig ako sa pagkain pero di ako cautious kung saan ito sumikat o pano 'to ginawa. para sa 'kin, wala akong pakialam sa history o epistemology ng mga kinakain ko.
ReplyDeleteas of the moment, gusto kong kumain ng PUCHERO. or LECHON PAKSIW. pwede na rin SISIG. anything. --di ko alam kung san galing o san sumikat ang mga yan. basta gusto kong kumain.
hmmm ung lechon sa cebu...hehehe
ReplyDeletesali! :mj
ReplyDeletePaborito ko ang pancit batilpatung ng cagayan. dabes!
ReplyDeleteIpagpaumanhin po ang hindi pagsunod sa panuto sa nakaraang paglahok haha
ReplyDeleteGusto kong makatikim/kain muli ng bunog na tinubong* ng Hilagang Luzon!
*(native freshwater fish cooked in bamboo stalk)
gusto kong matikman ang lechon ng cebu at empanada ng ilocos. yum yum yum!
ReplyDeletesana manalo na ako this time =D