Pages

Monday, November 26, 2012

Couchsurfing

 

Isa sa mga nasalihan kong site sa internet ay ang Couchsurfing. Dito magkakaroon ka ng chance na magkaroon ng bagong kakilala sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa inyong tahanan ng bisita mula sa iba’t ibang sulok ng mundo o kaya naman ikaw mismo ang makikituloy sa kani-kanilang tahanan. May option din naman na hindi niyo gawin ito at maghappy-happy lang sa pagtour niyo sa isa’t isa sa inyong home base. Pero magfocus muna tayo dun sa naunang dalawa.

Ano nga ba ang nakuha ko sa pagsali sa CS?

1. Libreng accommodation, tour at food - TIPID.
2. Nakakakilala ng ibang tao at bagong kaibigan (may local, may international)
3. Naipagmamalaki mo yung mga tourist spots sa lugar niyo. Para saan pa ang It’s More Fun in the Philippines di ba kung hindi mo sa kanila ito ipapaexperience.
4. Dagdag kaalaman din yung infos and tidbits na sinasabi ng host mo or ng surfer sa’yo.
5. Nahahasa yung social and communication skills.

Maswerte ako na pareho kong naexperience ang maging host (nagpatuloy) at surfer (nakituloy) ngayong taon. Hindi po ako expert pero ito yung ilan sa mga tips na gusto kong i-share sa inyo just in case magustuhan niyo ring sumali.

 

Kapag makikituloy (Surfer):

Nangyari ito nung bday trip ko sa CDO. Maswerte ako na may nag-offer sa’kin ng place niya para panandalian kong tuluyan habang andun ako sa lugar.

CS Surf

 

1. Constant communication – dito niyo unang nakikilala ang isa’t isa at isa. Dito niyo nabubuo yung itinerary mo sa trip kasi either i-tour ka niya or in my case bigyan ka niya ng tips kung paano makakasurvive sa gala mo saan ka pwedeng pumunta.
2. Get their complete name and address (include directions going to their house from the point of origin) - para alam ng mga mahal mo sa buhay kung kanino at saan ka pwedeng hanapin. Vice versa, ibigay din sa kanila kung sino ang person to contact in case of emergency.
3. Exercise cleanliness all the time – kung paano mo nadatnan yung lugar dapat ganun mo din ito iwan o mas maganda pa nga na mas maayos kesa dati.
4. Buy something for them from your place (souvenir) – paraan na rin ito ng pagpapasalamat para sa pagpapatuloy nila sa’yo at para mahikayat din siya na bumisita sa lugar mo.
5. Don’t forget to express your gratitude. – Simpleng thank you lang malayo na mararating nito.
6. Be honest 
7. Be adventurous and have fun

 

Kapag magpapatuloy (Hosting)

Nangyari ito first week ng November. Sakto long weekend, kaya naman pumayag ako na i-tour si Mana, isang 22-yr old na haponesa, sa aming bayan pati na rin sa ilang lugar sa Maynila.

CS host1

 

1. Constant communication.
2. Tanong mo yung activities na gusto niyang gawin at mga tourist spots na gusto niyang mapuntahan. – para may idea ka kung saan mo siya dadalhin
3. Food allergies – para may idea ka kung ano ang ihahanda mo sa kanya.
4. Room or beddings – ipaliwanag kung saan at ano ang tutulugan (shared ba o solo niya yung room).
5. Itinerary and flight schedules – para mapagkasya mo sa schedule niya yung mga pupuntahan niyo at hindi siya mahuli sa flight pauwi sa kanila Smile with tongue out
6.
Be honest
7. Treat your guest as family
8. Ask for immediate relatives or contact person from their place just in case something happens.

So far wala pa naman akong masamang experience sa pagsali ko dito. Siguro konting ingat din lang sa mga miyembro, huwag basta-basta magtiwala at suriin ng mabuti yung gusto nating patuluyin sa ating mga tahanan. Learn to say no kung hindi naman talaga natin trip yung gusto nilang gawin o kaya naman feeling natin eh hindi na maganda yung intensyon nila. At huwag din naman tayong gagawa ng mga bagay na makakasira sa atin. Respeto lang at maging tao na gugustuhin mong patuluyin sa bahay mo. Open-mouthed smile 

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design