Isa sa mga nasalihan kong site sa internet ay ang Couchsurfing. Dito magkakaroon ka ng chance na magkaroon ng bagong kakilala sa pamamagitan ng pagpapatuloy sa inyong tahanan ng bisita mula sa iba’t ibang sulok ng mundo o kaya naman ikaw mismo ang makikituloy sa kani-kanilang tahanan. May option din naman na hindi niyo gawin ito at maghappy-happy lang sa pagtour niyo sa isa’t isa sa inyong home base. Pero magfocus muna tayo dun sa naunang dalawa.
Ano nga ba ang nakuha ko sa pagsali sa CS?
1. Libreng accommodation, tour at food - TIPID.
2. Nakakakilala ng ibang tao at bagong kaibigan (may local, may international)
3. Naipagmamalaki mo yung mga tourist spots sa lugar niyo. Para saan pa ang It’s More Fun in the Philippines di ba kung hindi mo sa kanila ito ipapaexperience.
4. Dagdag kaalaman din yung infos and tidbits na sinasabi ng host mo or ng surfer sa’yo.
5. Nahahasa yung social and communication skills.
Maswerte ako na pareho kong naexperience ang maging host (nagpatuloy) at surfer (nakituloy) ngayong taon. Hindi po ako expert pero ito yung ilan sa mga tips na gusto kong i-share sa inyo just in case magustuhan niyo ring sumali.
Kapag makikituloy (Surfer):
Nangyari ito nung bday trip ko sa CDO. Maswerte ako na may nag-offer sa’kin ng place niya para panandalian kong tuluyan habang andun ako sa lugar.
1. Constant communication – dito niyo unang nakikilala ang isa’t isa at isa. Dito niyo nabubuo yung itinerary mo sa trip kasi either i-tour ka niya or in my case bigyan ka niya ng tips kung paano makakasurvive sa gala mo saan ka pwedeng pumunta.
2. Get their complete name and address (include directions going to their house from the point of origin) - para alam ng mga mahal mo sa buhay kung kanino at saan ka pwedeng hanapin. Vice versa, ibigay din sa kanila kung sino ang person to contact in case of emergency.
3. Exercise cleanliness all the time – kung paano mo nadatnan yung lugar dapat ganun mo din ito iwan o mas maganda pa nga na mas maayos kesa dati.
4. Buy something for them from your place (souvenir) – paraan na rin ito ng pagpapasalamat para sa pagpapatuloy nila sa’yo at para mahikayat din siya na bumisita sa lugar mo.
5. Don’t forget to express your gratitude. – Simpleng thank you lang malayo na mararating nito.
6. Be honest
7. Be adventurous and have fun
Kapag magpapatuloy (Hosting)
Nangyari ito first week ng November. Sakto long weekend, kaya naman pumayag ako na i-tour si Mana, isang 22-yr old na haponesa, sa aming bayan pati na rin sa ilang lugar sa Maynila.
1. Constant communication.
2. Tanong mo yung activities na gusto niyang gawin at mga tourist spots na gusto niyang mapuntahan. – para may idea ka kung saan mo siya dadalhin
3. Food allergies – para may idea ka kung ano ang ihahanda mo sa kanya.
4. Room or beddings – ipaliwanag kung saan at ano ang tutulugan (shared ba o solo niya yung room).
5. Itinerary and flight schedules – para mapagkasya mo sa schedule niya yung mga pupuntahan niyo at hindi siya mahuli sa flight pauwi sa kanila
6. Be honest
7. Treat your guest as family
8. Ask for immediate relatives or contact person from their place just in case something happens.
So far wala pa naman akong masamang experience sa pagsali ko dito. Siguro konting ingat din lang sa mga miyembro, huwag basta-basta magtiwala at suriin ng mabuti yung gusto nating patuluyin sa ating mga tahanan. Learn to say no kung hindi naman talaga natin trip yung gusto nilang gawin o kaya naman feeling natin eh hindi na maganda yung intensyon nila. At huwag din naman tayong gagawa ng mga bagay na makakasira sa atin. Respeto lang at maging tao na gugustuhin mong patuluyin sa bahay mo.
mukang maganda ang magcouch surfing....
ReplyDeletekaso for me, di bagay sa akin... kasi medyo messy ang place namin. Tas medyo socially awkward ako.... mahiyain din at tahimiks. :p
pwede ba kami maki-couch surfing senyo, adre? hehehe
ReplyDeletesayting naman neto!!! gusto ko din!!!
ReplyDeletenung nag-post ka ng tungkol sa first time hosting mo sa fb, akala ko nag-host ka talaga. yung Toni G. ang peg. hahaha.. eto pala yun! TNT
mukhang maganda to... ngayon ko lang nalaman ang ganito...
ReplyDeletemukhang enjoy nga... un nga lang dapat ingat saka ipakita ang magandang asal para walang probolema...
na curious tuloy ako... mabisita nga ang site na yan ^_^
@khanto pwede namang linisin bago dumating yung bisita di ba?;) Lahat naman may room for improvement, malay mo this would be a good practice for you para mabawasan yung pagkamahiyain mo. :)
ReplyDelete@JH Alms sure no prob basta andun ako pwedeng pwede
@Jhengpot hehe sign up ka lang :)Buti na lang nagpost ako atleast ngayon malinaw na. Kamusta naman ang Toni G.? LOL
@JonDmur yep, kelangan siyempre kung ano yung gusto mong ipakita sa iyo ng ibang tao maging ganun din ang maging trato natin sa kanila :D Happy couchsurfing!
gusto ko rin e try yang couch surfing na yan kaya lang diba delikado? baka kasi mabahiran ang aking napaka dalisay na bodeh..wehehe (assuming)
ReplyDeletepero seryoso gusto ko sya e try..
tanong lang kung tumira ka ba sa kanila kelangan ba talagang e return ang favor? baka ma amalayer version tayo neto "I'm just returning the favor!" wehehe
@tabian oo may risk naman talaga, kaya nga doble ingat talaga kapag sumali ka dito.
ReplyDeleteTsaka hindi rin required na pag pinatuloy ka e dapat patuluyin mo rin sa inyo. Kung masama yung experience mo dun sa tao i dont think naman na iimbitahin mo pang makitulog sa inyo di ba? pwede namang ipasyal mo lang siya around your town if ever bumisita siya sa inyo, parang sign of courtesy lang :)
Cool! Mukhang magandang mag-coachsurfing dahil marami ngang taong makikilala, however, I think that it could pose a pressure on me, if I were the host. hehe.
ReplyDeleteHappy New Year po! Anyway, nais ko lang pong ipaalam na kasama ka sa listahan ng magagaling na blogger na alam ko!
Tignan nyo po dito! http://thetoiletthoughts.blogspot.com/2013/01/the-liebster-blog-award-part-1.html
Ansaya naman! Madaming magiging bagong friends! Kaso parang nakakapressure din. Napaisip tuloy ako kung magsisign up ako. Haha
ReplyDelete