Thursday, June 6, 2013

Laro ng Buhay


'Nak gising na

Tinignan ko ang orasan.

6:15. 

Konti pa. 

6:30 pramis babangon na ako. Sabay talukbong ulit ng kumot.



'Nak gising na. Mas malakas ang boses ni inay ngayon.

'Nay, opo babangon na. Inaantok ko pang sagot sa kanya.

6:28.

Dalawang minuto pa.



6:30

Kinusot ko ng ilang ulit ang aking mga mata. Nagtanggal ng muta sabay bangon. Sinuot ang tsinelas para pumunta sa banyo. Bago ko pa buksan ang pinto ng aking kwarto ay narinig kong muli ang sigaw ni ina.

'Nak gising na
'Nak gising na
'Nak gising na

Nay gising na ho. Maliligo na nga.

Subalit hindi pa rin natigil si inay sa pag-gising sa akin. Maya-maya pa'y narinig ko na ang paghagulgol niya. 

'Nak gising na
'Nak gising na
'Nak gising na
Michael gumising ka, wag mo kaming iwan. Anak!!!!!!!!!!!!!!!


Tumakbo ako pabalik sa kama. 

Nagtalukbong ng kumot at pumikit.

Ngunit hindi na ako muling nakatulog.

At hindi na rin ako muling nagising.




*sort repost na parang hindi. :) nakikithrowback Thursday din sa post.

13 comments:

  1. naalala ko tuloy 'yung "the others" sa post na 'to.. hehehe

    ReplyDelete
  2. gheeh kakatakot! anyway tagal mo wang paramdam ahh

    ReplyDelete
  3. Gusto ko tong mga ganitong eksena... Takutan!

    ReplyDelete
  4. Yan ang sinasabi ko sa mga return-of-the-come-back na eksenahan eh. Panggulat. ;)

    Nice one, Madz

    ReplyDelete
  5. scary... yiiiiiiiiiiiiiiii.. ehe....

    at muling nagbabalik ang lola... ehe... :D

    ReplyDelete
  6. Love it. Why can't i write anything like this. Kulang talaga ako sa imagination. Puro kasi kabalastugan ang nasa utak ko. Hahaha! Taa din si JH Alms, yun din ang naisip ko agad, The Others.

    ReplyDelete
  7. Husay talaga. Grebe ang writing prowess mo. :)

    ReplyDelete
  8. Awwooo...
    Katakot naman kung ganito hahaha

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design