Mag-isa akong pumasok ng kwarto. Maaga pa subalit parang gusto ko na agad magpahinga. Pabagsak akong humiga sa kama na parang ginagaya ang isang komersyal noon sa tv. Ang kaibahan nga lang pagal na pagal ang aking katawan at ramdam na ramdam ko ito sa paglapat pa lang ng aking ulo sa unan. Tila hinihele ako ng mga tubig na pumapatak sa bubungan, musikang nag-aanyaya sa isang masarap na pagtulog. Unti-unti na akong naiidlip nang malanghap ko ang simoy na palaging nakakapagpatindig ng aking balahibo. Subalit iba ang araw na ito. Pagod ako.
Dad...
Hmmm...
Wala akong balak sumagot subalit automatic na ata na kapag naglambing si Helena, iyon ang aking itinutugon. Naramdaman ko ang pagsampa niya sa kama. Nagkuwanri akong humikab at bumaling patalikod sa kanya. Wala pang ilang segundo, ay nakapulupot na siya sa akin.
Dad... ang lamig noh?
May bagong kumot akong nilabas diyan, nasa ilalim ata ng unan baka hindi mo lang napansin.
Hmmm.. parang human blanket gusto ko dad.
Matagal akong hindi nakasagot sa tinuran niyang iyon. Hindi dahil sa antok kundi dahil sa may pinipigil akong mabuhay sa aking katawan.
Maaga pa tayo bukas Helena. May reunion kayo di ba?
Oo nga.. e tayo ba dad kelan magkakaroon ng reunion?
Ha?
Si dad nabibingi..R-E-U-N-I-O-N ...reunion!
Narinig kita Helena..
Ows?
Oo nga di ba ang sabi mo 'R-E-U-N-I-O-N ...reunion!'
Sus mukhang hindi eh..teka nga tignan ko baka may nakaharang...
Nakaharang sa....
Bago ko pa matapos ang aking sinasabi naramdaman ko na ang malalim na paghinga niya sa aking mga tenga. Nasmistulang kendi ang aking mga tenga sa kanyang ginawa at para naman akong ice cream na natutunaw sa init na dulot ng pagdampi ng kanyang mga dila.
Helena...Alam mo naman mainipin sina Mama baka malate tayo bukas...
Dad... ako rin hindi na makapaghintay...
Unti unting bumaba ang kanyang mga labi, ang kanyang mga halik ay tumutulay pababa sa aking mga balikat, sa aking batok, sa aking likod...
Pagod ako Helena matulog ka na...
Ang KJ mo Dad, reunion lang ayaw pa...malamig pa naman...
Bigla niya akong naitulak at kahit hindi naman ganun kalakas ay nalaglag ako sa kama. Dala ng sobrang pagod ay madaling nag-init ang aking ulo.
Ano ka ba naman Helena, pagod na nga yung tao tapos ilalaglag mo pa. Pwede bang sa ibang araw na yang sinasabi mong reunion, alam mo naman tambak yung nilabhan ko kanina. Kundangan naman kasi...
ANO? Na hindi ako marunong maglaba? Aba Mr. Policarpio Marquez, mamili ka, ako ang maglalaba o may maisusuot kang damit araw-araw? Buti nga hindi nahawaan ng kulay yung polo mo nung sumubok akong maglaba. Malay ko ba naman na humahawa pala ng kulay yung isang bra ko. Sana kasi katulong na lang ang pinakasalan mo!!!
Sabay talikod niya sa akin at humalukipkip sa gilid ng kama. Ayos talaga ako na nga ang naglaba at nalaglag sa kama, ako pa ngayon ang masama. Nag-antay pa ako ng ilang minuto sa sunod niyang tirada subalit wala na akong narinig bagkus umayos lang siya ng higa sa kama. Pambihira talaga 'tong misis ko. Hindi ko maintindihan kung nagagalit o sadya lang nanggagalit sa pwesto niyang iyon. Halos makita ko na ang kanyang....*&^%&^#$ nasisilip ko na nga!! Parang instant na nawala ang kaninang nararamdaman kong pagod at naghahanap na muli ng papagod sa aking katawan. Umupo ako sa gilid ng kama malapit sa kanya.
Ma....
O bakit?
Ummmm...
Abay, ang tagal mo namang magsalita diyan, inaantok na ko.
Mukhang may nalimutan kang isuot, alam ko na kung bakit nilalamig ka.
E ano naman ngayon sa'yo? Nakita ko na yung kumot...
Manipis ata yung kumot na nakuha ko, gusto mong palitan ko?
E di palitan mo...
Talaga? Papalitan ko??
Bingi talaga...OO NGA PO PALIT...
Mabilis na gumapang ang aking mga kamay upang kumutan ang kaninang naghuhumiyaw lumabas.
Dad... ano bang ginagawa mo?
Lumambot na ang kanyang mga tinig. Parang ang kaninang galit at unti-unti nang naglalambing.
Di ba sabi mo palitan ko yung kumot. O eto na pinalitan ko na. Ako muna ang kapalit. :D
Hindi ko na inantay ang kanyang sunod na itutugon. Automatic nang tinungo ng aking mga kamay ang kanilang destinasyon at gumalaw na ang aking katawan upang maging ganap na human blanket ng aking misis. Kasabay ng malakas na ulan ay ang pag-ingit ng aming higaan habang nakikipagpaligsahan naman ang mga dagundong ng kulog sa mga impit naming tinig na unti-unting nagiging sigaw. Ilang reunion din ang naganap nang tuluyan nang bumigay ang nanghahapo naming katawan.
Bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat ay muling yumakap si Helena.
Dad...
Knocked out na Ma, hindi na makakatayo...
Hindi yun dad...may nalimutan ka ata...
Anu yun Ma?
Alas-kwatro na, magluluto ka pa ng dadalhin natin mamaya.
Saturday, July 24, 2010
Reunion
Wednesday, July 14, 2010
Sa iyong tabi
Matagal ko ring hinintay ang pagkakataon na ito. Malakas ang kabog ng aking dibdib habang papalapit sa’yo. Sa wakas, andito na ko sa tabi mo, ang lugar na noon pa ma’y matagal ko nang pinapangarap. Inilapag ko ang mga bulaklak sa iyong tabi na gusto kong ialay sa iyo simula ng masilayan kita. Matagal din kitang tinitigan ng bumagsak ang malakas na ulan.
“Di ka na naman nagdala ng payong”
“ Dan, sana one time payungan mo ako habang umuulan”
“Ayan na nga di ba, pinapayungan na kita”
“Tuwing aantayin ko kasi ang sasakyan ninyo na dumaan dito at umuulan hindi ako nag dadala ng payong”
“Bakit naman?”
“Nagbabakasakali kasi ako na pag nakita mo akong nababasa sa ulan, bababa ka man lang.”
“Nakikita nga kita pero hindi ko kasi magawang bumaba”
“Pero naiintindihan na kita. Alam ko na kung bakit.”
“ Pano mo nalaman?”
“Minsan kasi nakausap ni ina yung isang naninilbihan sa inyo. Naaksidente ka pala”
“Oo, at matagal din akong nagpatherapy para makalakad ulit”
“Sana pinara ko na lang ang sasakyan niyo para nakausap man lang kita. Kung alam ko lang..”
“Hindi mo naman kasi alam nun di ba? Ako nga din hindi ko alam na malabo pala mata mo.”
“Ilang beses ko lang nakikita noon ang mukha mo, palagi kasing malabo yung salamin dun sa pwesto mo hindi kita maaninag”
“Hala, hindi mo pala nakikita sinusulat ko sa’yo sa bintana. Akala ko pa naman nakikita mo kasi tuwing dadaan kami lagi kang nakangiti”
“Akala ko nga noon ayaw mo lang akong makita kaya nga nginingitian na lang kita”
“Hindi yun totoo, alam mo bang kapag malapit na kami sa inyo hinihingahan ko na ang bintana para masulatan ko ng mensahe ko para sa’yo? Ilang I Love You rin ang sinulat ko dun. Pati nga numero ko sa bahay sinulat ko din, nagbabakasali na tawagan mo ko”
“Buti na nga lang nagkapera si ina at napagawan ulit ako ng salamin. Tsaka ko lang nalaman na tinitignan mo rin ako dahil nabasa ko sa bintana ng sasakyan niyo yung huling mensahe mo sakin…”
“Babalikan kita”
“Babalikan kita…Hinintay mo ba ko?”
“Hinintay kita…”
“Sorry ha, natagalan ako.”
“Hindi mo naman kasalanan na hindi ka agad nakabalik.Alam kong kailangan mong magpagaling. Huwag kang mag-alala nagpatuloy pa rin naman ako sa buhay ko. Pero siyempre andun pa rin yung umaasa ako na darating ka isang araw para tuparin yung sinabi mo.At eto nga andito ka na…”
Hinaplos ko ang iyong pisngi at ang iyong mga labi. Walang nagbago, ikaw pa rin ang babae na nakita ko isang taon na ang nakakaraan. Ang tangi lang nagbago ay ang iyong salamin.Napakalamig ng iyong mga pisngi, ng iyong mga labi nang subukan ko itong halikan. Kasinlamig ng hangin na dala ng malakas na ulan.
“Ikaw lang ang iniisip ko nung nasa Maynila ako. Sana pala..hay napakaraming sana na sana ginawa ko para lang makasama ka. Tuwing titignan ko kasi ang aking sarili sa salamin, iniisip kong baka hindi mo ako magustuhan, na hindi pa ako handa para sa’yo”
“Lumiwanag nga ang lahat sa akin nung magkasalamin ako, pero napakalayo mo na. Araw-araw ipinapanalangin ko na sana habang nag-aantay ako dito ay dadaan muli ang inyong sasakyan at mababasa ko sa bintana na nagbalik ka na at nagbabakasakaling bababa ka para sa akin. Hay…Sana hindi na lang kita hinintay…”
“Bakit naman?”
“Sana gumawa na lang ako ng paraan para makapunta sa iyo, hindi yung umasa lang akong babalik ka. Maraming panahon ang nasayang sa ginawa kong paghihintay.”
“Ako rin naman, nagkulang. Kung nilakasan ko lang ang loob ko e di sana matagal na tayong magkasama. Di tulad ngayon…”
Niyakap kita ng mahigpit. Naramdaman kong nababasa na ang aking mukha, hindi dahil sa lakas ng ulan kundi dahil sa luha ng naipong pangungulila at panghihinayang sa oras na sinayang ko na sana’y kasama kita. Muli kong hinaplos ang iyong mukha.
“Huwag ka nang malungkot Dan, magkasama na naman tayo di ba? Alam kong palagi ka nang bababa sa pwestong ito. Ngayong andito ka na, masasabi ko na rin sa wakas na mahal na mahal kita Dan.”
“Mahal na mahal din kita Fiona…mahal na mahal. Bumalik ka na..”
“Hindi na ako aalis sa pwestong ito Dan. Ang lugar kung saan nagsimula at umusbong ang pagmamahalan nating dalawa. Sana palagi mo akong puntahan kahit na hindi na kita makikitang nakakalakad at maipapasyal man lang. Mahal na Mahal kita.
FIONA”
Maingat kong itinupi ang sulat na na natagpuan ko sa iyong puntod. Inilapag ko na rin ang iyong larawan. Para lang tayong nag-uusap Fiona, parang andito ka lang sa aking tabi. Patuloy pa rin kitang pinapapayungan kahit alam kong huli na ang lahat. Huli na ang lahat para tayo’y magsimula…