Saturday, July 24, 2010

Reunion

Mag-isa akong pumasok ng kwarto. Maaga pa subalit parang gusto ko na agad magpahinga. Pabagsak akong humiga sa kama na parang ginagaya ang isang komersyal noon sa tv. Ang kaibahan nga lang pagal na pagal ang aking katawan at ramdam na ramdam ko ito sa paglapat pa lang ng aking ulo sa unan. Tila hinihele ako ng mga tubig na pumapatak sa bubungan, musikang nag-aanyaya sa isang masarap na pagtulog. Unti-unti na akong naiidlip nang malanghap ko ang simoy na palaging nakakapagpatindig ng aking balahibo. Subalit iba ang araw na ito. Pagod ako.

Dad...

Hmmm...

Wala akong balak sumagot subalit automatic na ata na kapag naglambing si Helena, iyon ang aking itinutugon. Naramdaman ko ang pagsampa niya sa kama. Nagkuwanri akong humikab at bumaling patalikod sa kanya. Wala pang ilang segundo, ay nakapulupot na siya sa akin.

Dad... ang lamig noh?

May bagong kumot akong nilabas diyan, nasa ilalim ata ng unan baka hindi mo lang napansin.

Hmmm.. parang human blanket gusto ko dad.

Matagal akong hindi nakasagot sa tinuran niyang iyon. Hindi dahil sa antok kundi dahil sa may pinipigil akong mabuhay sa aking katawan.

Maaga pa tayo bukas Helena. May reunion kayo di ba?

Oo nga.. e tayo ba dad kelan magkakaroon ng reunion?

Ha?

Si dad nabibingi..R-E-U-N-I-O-N ...reunion!

Narinig kita Helena..

Ows?

Oo nga di ba ang sabi mo 'R-E-U-N-I-O-N ...reunion!'

Sus mukhang hindi eh..teka nga tignan ko baka may nakaharang...

Nakaharang sa....

Bago ko pa matapos ang aking sinasabi naramdaman ko na ang malalim na paghinga niya sa aking mga tenga. Nasmistulang kendi ang aking mga tenga sa kanyang ginawa at para naman akong ice cream na natutunaw sa init na dulot ng pagdampi ng kanyang mga dila.

Helena...Alam mo naman mainipin sina Mama baka malate tayo bukas...

Dad... ako rin hindi na makapaghintay...

Unti unting bumaba ang kanyang mga labi, ang kanyang mga halik ay tumutulay pababa sa aking mga balikat, sa aking batok, sa aking likod...

Pagod ako Helena matulog ka na...

Ang KJ mo Dad, reunion lang ayaw pa...malamig pa naman...

Bigla niya akong naitulak at kahit hindi naman ganun kalakas ay nalaglag ako sa kama. Dala ng sobrang pagod ay madaling nag-init ang aking ulo.

Ano ka ba naman Helena, pagod na nga yung tao tapos ilalaglag mo pa. Pwede bang sa ibang araw na yang sinasabi mong reunion, alam mo naman tambak yung nilabhan ko kanina. Kundangan naman kasi...

ANO? Na hindi ako marunong maglaba? Aba Mr. Policarpio Marquez, mamili ka, ako ang maglalaba o may maisusuot kang damit araw-araw? Buti nga hindi nahawaan ng kulay yung polo mo nung sumubok akong maglaba. Malay ko ba naman na humahawa pala ng kulay yung isang bra ko. Sana kasi katulong na lang ang pinakasalan mo!!!

Sabay talikod niya sa akin at humalukipkip sa gilid ng kama. Ayos talaga ako na nga ang naglaba at nalaglag sa kama, ako pa ngayon ang masama. Nag-antay pa ako ng ilang minuto sa sunod niyang tirada subalit wala na akong narinig bagkus umayos lang siya ng higa sa kama. Pambihira talaga 'tong misis ko. Hindi ko maintindihan kung nagagalit o sadya lang nanggagalit sa pwesto niyang iyon. Halos makita ko na ang kanyang....*&^%&^#$ nasisilip ko na nga!! Parang instant na nawala ang kaninang nararamdaman kong pagod at naghahanap na muli ng papagod sa aking katawan. Umupo ako sa gilid ng kama malapit sa kanya.

Ma....

O bakit?

Ummmm...

Abay, ang tagal mo namang magsalita diyan, inaantok na ko.

Mukhang may nalimutan kang isuot, alam ko na kung bakit nilalamig ka.

E ano naman ngayon sa'yo? Nakita ko na yung kumot...

Manipis ata yung kumot na nakuha ko, gusto mong palitan ko?

E di palitan mo...

Talaga? Papalitan ko??

Bingi talaga...OO NGA PO PALIT...

Mabilis na gumapang ang aking mga kamay upang kumutan ang kaninang naghuhumiyaw lumabas.

Dad... ano bang ginagawa mo?

Lumambot na ang kanyang mga tinig. Parang ang kaninang galit at unti-unti nang naglalambing.

Di ba sabi mo palitan ko yung kumot. O eto na pinalitan ko na. Ako muna ang kapalit. :D

Hindi ko na inantay ang kanyang sunod na itutugon. Automatic nang tinungo ng aking mga kamay ang kanilang destinasyon at gumalaw na ang aking katawan upang maging ganap na human blanket ng aking misis. Kasabay ng malakas na ulan ay ang pag-ingit ng aming higaan habang nakikipagpaligsahan naman ang mga dagundong ng kulog sa mga impit naming tinig na unti-unting nagiging sigaw. Ilang reunion din ang naganap nang tuluyan nang bumigay ang nanghahapo naming katawan.

Bago pa man ako tuluyang mawalan ng ulirat ay muling yumakap si Helena.

Dad...

Knocked out na Ma, hindi na makakatayo...

Hindi yun dad...may nalimutan ka ata...

Anu yun Ma?

Alas-kwatro na, magluluto ka pa ng dadalhin natin mamaya.

9 comments:

  1. hahahaha. bagay na bagay ang title ng blog mo dito. ahehe.. haaaayy..parang xerex lng na may halong comedy. astig

    ReplyDelete
  2. hehe. yun pala yung reunion. tama si kikilabotz, paiba iba ng mood. haha

    ReplyDelete
  3. Hehehe :D Sabi ko na nga ba kahit nasa abroad ako may Abante pa rin akong mababasa eh lolzz tamang xerex nga :D

    ReplyDelete
  4. hahahaha aus ah..hindi nga sad ending, naging pangxerex naman ang post ko ngayon :)) Sige basa lang kayo :)

    ReplyDelete
  5. nyahahahaha... si helena talaga alam kung san ang kiliti ni dad...

    ReplyDelete
  6. Nung una akala ko Daddy as in Tatay mo ang kausap mo haha akala ko incest ito hehehe

    ReplyDelete
  7. haha finally nabasa ko na poste mo sis hayss~~sexy comedy ang adik ng new poste mo sis haha,,anyways naaliw ako,,post p ng post ha hehe

    ReplyDelete
  8. haha.. pang r-18 ata toh ah... nonetheless it was good :P

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design