Minsang naglalakad kami ng tropa/kaopisina ko e naisipan niyang ipaala ang edad ko. Sa lahat naman ng lugar e yung paakyat pa kami ng footbridge. Langya, e medyo hingal pa naman ako tuwing umaakyat dun. Sign of aging daw (ok na sana kung katabaan ang sinabi :)). @#$%^& ay siya, ako na ako na, ang tatanda ng isang taon. Pero di pa siya nakuntento dun, bumanat pa ng ganito:
Tropa: Madz, 25 ka na.
Madz: (Napaisip, nagcompute muna kung tama ba si tropa) Mukha mo, 24 pa lang ako ngayon taon.
Tropa: E next year 25 ka na :P
Madz: (may point siya dun) Oo nga noh twenty five na ko next year, malapit na yun. Ampf!
Pinagpawisan ako ng malagkit dun, pramis. Yun nga lang di ko alam kung dahil sa pagod pag akyat o dahil sa pag-iisip na malapit na ko macross-out sa kalendaryo. At dahil dun, ang lagi ko na lang naiisip na numero ay bente singko. Parang nagloko ang memory ko with numbers at naerase ang number twenty four pagdating sa edad.
Kaya naman (swak ang segue, ayus!), sa post kong ito ay may pabor sana akong hihingin sa mga masugid (nga ba?) at sa mga napapadaan lang na blogista. IPAALALA niyo naman na 24 pa lang ako sa nalalapit kong BIRTHDAY :D in short GREET niyo naman ako! LOL
Hindi naman ako demanding (sabi kasi nung isa dyan) pero pwede na sa akin ang:
1. Pic greeting – walang tema, pic niyo toh! O kung ayaw niyo at medyo camera shy (weh?) kahit pic ng kapitbahay niyo o sinong pontio pilato na sa tingin ninyo ay buong puso ang pag greet sa aking kaarawan.hahahaha
2. Vid Clip – kayo rin ang bahala basta hindi bibigat sa 1gig ang size. LOL
3. Audio Clip – ayan kung nahihiya kayong magpakita ng inyong pogi at magagandang mukha (ayan ha pampadulas), swak na rin ang isang to. Request lang pwede bang Happy Birthday song sa ibang lenggwahe??
4. Post sa blog – eto naman eh kung loves niyo talaga ako ^_^ wahahahaha
Kung wala pa rin dyan sa mga nabanggit ang feel mong isubmit, oks lang. Birthday greeting mo yan, ako lang ang rereceive :D O di ba di naman yan demanding?? Di ba parekoy? :P
Ahem, may pahabol pa pala.Actually, ito talaga ang pinakabor ko na hihilingin :P. Dahil hindi naman kami nagkakalayo ng kaarawan ng aking mudrakels na pinigil daw manganak sa bday niya (ganda ko kaya :D ), baka pwedeng pakisama na rin siya sa greetings niyo. DI BA DI NAMAN DEMANDING!! Hahahaha Take your pick na lang kung sino gusto niyong batiin sa aming dalawa. Gagawan ko kasi siya ng video clip at sasamahan niyo ko dun na magcecelebrate ng bday niya. :D
Kaya naman habang petiks pa ang lahat ng napapadaan sa blog ko, ay nagsasabi na ako ng maagap. Mangyari lamang pong ipadala ang inyong mensahe ng pagbati sa mga sumusunod na address : Hartlesschiq@yahoo.com , enigma_1360@yahoo.com. Ang submission ng entries (este greetings pala) ay hihintayin ng pulubi hanggang Sept 20, 2010 at exactly 11:59pm. Huwag kayong mag alala, pag lumagpas kayo diyan, oks lang matagal pa naman ang Grand Draw. LOL
Maraming Salamat in advance. Alam ko naman hindi niyo ko matitiis… *_*
Tuesday, August 24, 2010
BIRTHDAY KO NA!!! (Next Month ^_^)
Friday, August 20, 2010
Libre
Walang ginagawa.
Petiks.
Walang hinahabol na deadline.
Kailangan ko ng gagawin.
Di mapakali ang mga mata
Tumitipa sa keyboard
Sabay pindot ng matagal sa backspace key
Kailangan ko ng gagawin
Lumulutang ang utak
Gustong gumala ng mga paa
May nagmamasid
Kailangan ko ng gagawin
Pumasok sa banyo
Naupo
Umiyak
Tumingin sa salamin
Umiyak
Naupo
Nagpahid ng luha
Bumalik sa pwesto
Kailangan ko ng gagawin
Tuesday, August 17, 2010
Sintas
"Brian, maghiwalay na tayo"
"Ha? Michelle ok ka lang? Joke ba 'to or something?"
"Seryoso ko"
"Give me one good reason para pumayag ako sa gusto mo".
"Ang mga sintas ng sapatos ko..."
"WTF?!? Anong meron sa sintas ng ... teka, sa tinagal ng pagsasama natin, hindi pa kita nakikitaan ng sapatos na may sintas ah. San nanggaling yan at bakit ba kailangan mo pang mag isip ng walang kwentang dahilan para lang makipaghiwalay?" Napakamot-ulo si Brian na parang hindi makapaniwala sa dahilan ko. Napasandal siya sa upuan, parang pagod na nahihirapan. "Sabihin mo na lang yung totoo Mitch, hindi yung ganito, nababaliw ako sa sinasabi mo eh"
"Yun lang ang kaya kong ibigay na rason sa'yo. Yun ang totoo."
"And thats it?? Maghihiwalay tayo dahil sa imaginary shoe lace mo? C'mon Mitch... hindi ikaw 'to"
"Exactly my point Brian, hindi ako 'to. I'm sorry."
- - - - -
"Mam...anong size? Mam, Mam"
"Size 9 siya"
Saglit na natigil ang aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Parang kanina lang iniiimagine ko ang huli nating naging pag-uusap at ngayon ay naririnig na kita, naririnig ng namumula kong mga tenga na hindi ko mawari kung dahil ba sa lamig ng aircon ng mall o dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"Mam?"
"Oo miss, size 9"
Nakikiramdam pa ang saleslady kung aalis o hindi. Marahil napansin niya ang biglang pagpapalit ng expression ng aking mukha. Nginitian ko na lamang siya na parang sumesenyas na ok lang na iwan na niya ako.
"Hi, Mitch. Fancy meeting you here."
"Oo nga eh, wala lang bigla ko lang naisipan. Ikaw anong ginagawa mo dito?" Napasampal pa ako sa aking noo. " Alangan namang isda o kamatis ang bilhin mo dito sa shoe section. Tanga ko eh." Napatawa pa ako. Tawang pilit, maitago lang ang kabang nararamdaman nang maupo ka na sa aking tabi.
"Hindi naman talaga ako bibili, nakita lang kita at nagulat na napadpad ka dito so ayun sinundan kita."
Wala akong maisip na sabihin sa kanya. Masyado nang late kapag nagsorry ako at masyado naman atang maagap kung itatanong ko kung may iba na ba siya. Hinintay ko nalang siya na mainip at magprisintang magpaalam. Subalit kung gaano ako katagal na tahimik ay ganon din siya katagal na nag-aantay sa aking tabi.
"Mam eto na po yung sapatos niyo. Sukat na po natin?"
"Miss ako na lang, tawagin ka na lang namin kung ok na."
Lumuhod siya sa aking harapan at sinumulang isuot sa akin ang sapatos.
"Naiintindihan na kita Mitch. Sana lang binigyan mo ko ng chance, sana binigyan mo ang sarili mo ng chance na magmahal ng iba."
"Natakot ako eh. Masyado kang perfect. Tanggap mo kung ano ako, itsura, katayuan sa buhay, kahit mga kapintasan ko parang wala lang sa'yo.Pati sa mga parents mo ok ako. Lahat sa atin ok. Parang walang mali. Kapag kailangan kita, andyan ka palagi. Pinapatawa mo ko, pinapapaiyak, tapos pinapatawa ulit. You never failed to show and make me feel that you love me. Parang fairy tale lang. Lahat nasa tamang kinalalagyan."
"Ano bang gusto mo Mitch, lagi tayong magkaaway? Hindi ka magustuhan ng pamilya ko? Pambihira ka, ikaw lang ang babae na nakilala ko na ganun ang gusto."
"Natakot nga ako Brian..."
"Natakot saan?"
"Na mawala ka. Na masanay ako na palagi kang nandyan para ayusin kapag natatanggal na sa pagkakasintas ang sapatos ko. Aasa na hindi na madadapa pero sa huli maapakan ko lang uli ang isang sintas at babagsak sa lupa. Masasaktan lang ulit kapag iniwan mo."
"Sa una pa lang, maluwag na ang sintas Mitch. Siguro ang napapansin mo lang ay yung mga pagkakataon na natatanggal ito sa pagkakabuhol at inaayos ng iba. Pero di ba, bago ka umalis ng bahay, bago pa niya ito ayusin, ikaw ang unang nagsuot, ikaw na ang unang nagsintas ng iyong sapatos? Kasi kung sa una pa lang inayos mo na hindi mo iisiping madadapa ka kasi alam mong mahigpit ang pagkakatali mo nito, o kung madapa ka man at bumagsak sa lupa, masasaktan ka subalit babangon ka ulit. Pero dahil iniasa mo sa iba ang pagsisintas nito, nung mawala siya para na ring nawalan ka ng ganang magsuot ng sapatos na di-sintas. Oo nga mas naging madali, mas naging magaan sa pakiramdan na hindi na ka na natitisod pero hindi mo na nalaman kung nasaan ba talaga ang problema at kung paano ito aayusin. "
"Kaya nga kinailangan kong kumalas Brian. Dahil kailangan kong hanapin yung sarili ko. Kailangan kong matutong mag-isa. Yung tumayo sa sarili kong paa na hindi nakaasa sa iba yung kaligayahan ko. Kaya nga nandito ako, magsisimula ulit. Inunahan mo lang ako."
"Inunahan saan?"
Yumuko ako at nagsimulang isintas ang aking sapatos. Sinigurado kong ang sintas ay mahigpit ang pagkakatali sa bawat butas na pinapasukan nito bago ko ito i-ribbon ng dalawang beses at iipit ang nakalaylay na tali sa tagiliran ng aking sapatos. Pagkatapos ay tinitigan ko siya at nakangiti habang sinasabi:
"Gusto ko sanang ipakita sa'yo na kaya ko na." Sabay turo sa iyo ng isa ko pang sapatos. "Kaya lang may problema pa ko..."
"Ano yun?" Nangingiting tanong ni Brian.
"Kailangan ko rin kasi ng magtuturo sa aking magsintas kapag nakalimutan ko na. Pwede ka ba?"
Niyakap niya ako ng mahigpit at binuhat mula sa aking pagkakaupo.
"Miss, kukunin ko na!"
"Si Mam po o yung sapatos?"
"Pareho. :D "
Sunday, August 8, 2010
emo lang....
habang nag-iisip pa ako ng bagong kwento, ipopost ko muna itong kadramahan ko sa buhay... eto yung mga panahon ( actually hanggang ngayon naman) na maraming nagtatanong at nag uusisa kung nasan siya at bakit wala kaming picture na dalawa sa fb at bakit di pa nila nakikita na magkasama kami at madaming "bakit" na nakakarindi nang pakinggan... tsk ang hirap kayang sagutin kasi...ah basta enjoyin niyo na lang tong kakesohan ko.. LOL :))