Tuesday, August 24, 2010

BIRTHDAY KO NA!!! (Next Month ^_^)

Minsang naglalakad kami ng tropa/kaopisina ko e naisipan niyang ipaala ang edad ko. Sa lahat naman ng lugar e yung paakyat pa kami ng footbridge. Langya, e medyo hingal pa naman ako tuwing umaakyat dun. Sign of aging daw (ok na sana kung katabaan ang sinabi :)). @#$%^& ay siya, ako na ako na, ang tatanda ng isang taon. Pero di pa siya nakuntento dun, bumanat pa ng ganito:


Tropa: Madz, 25 ka na.

Madz: (Napaisip, nagcompute muna kung tama ba si tropa) Mukha mo, 24 pa lang ako ngayon taon.

Tropa: E next year 25 ka na :P

Madz: (may point siya dun) Oo nga noh twenty five na ko next year, malapit na yun. Ampf!

Pinagpawisan ako ng malagkit dun, pramis. Yun nga lang di ko alam kung dahil sa pagod pag akyat o dahil sa pag-iisip na malapit na ko macross-out sa kalendaryo. At dahil dun, ang lagi ko na lang naiisip na numero ay bente singko. Parang nagloko ang memory ko with numbers at naerase ang number twenty four pagdating sa edad.

Kaya naman (swak ang segue, ayus!), sa post kong ito ay may pabor sana akong hihingin sa mga masugid (nga ba?) at sa mga napapadaan lang na blogista. IPAALALA niyo naman na 24 pa lang ako sa nalalapit kong BIRTHDAY :D in short GREET niyo naman ako! LOL

Hindi naman ako demanding (sabi kasi nung isa dyan) pero pwede na sa akin ang:

1. Pic greeting – walang tema, pic niyo toh! O kung ayaw niyo at medyo camera shy (weh?) kahit pic ng kapitbahay niyo o sinong pontio pilato na sa tingin ninyo ay buong puso ang pag greet sa aking kaarawan.hahahaha

2. Vid Clip – kayo rin ang bahala basta hindi bibigat sa 1gig ang size. LOL

3. Audio Clip – ayan kung nahihiya kayong magpakita ng inyong pogi at magagandang mukha (ayan ha pampadulas), swak na rin ang isang to. Request lang pwede bang Happy Birthday song sa ibang lenggwahe??

4. Post sa blog – eto naman eh kung loves niyo talaga ako ^_^ wahahahaha

Kung wala pa rin dyan sa mga nabanggit ang feel mong isubmit, oks lang. Birthday greeting mo yan, ako lang ang rereceive :D O di ba di naman yan demanding?? Di ba parekoy? :P

Ahem, may pahabol pa pala.Actually, ito talaga ang pinakabor ko na hihilingin :P. Dahil hindi naman kami nagkakalayo ng kaarawan ng aking mudrakels na pinigil daw manganak sa bday niya (ganda ko kaya :D ), baka pwedeng pakisama na rin siya sa greetings niyo. DI BA DI NAMAN DEMANDING!! Hahahaha Take your pick na lang kung sino gusto niyong batiin sa aming dalawa. Gagawan ko kasi siya ng video clip at sasamahan niyo ko dun na magcecelebrate ng bday niya. :D

Kaya naman habang petiks pa ang lahat ng napapadaan sa blog ko, ay nagsasabi na ako ng maagap. Mangyari lamang pong ipadala ang inyong mensahe ng pagbati sa mga sumusunod na address : Hartlesschiq@yahoo.com , enigma_1360@yahoo.com. Ang submission ng entries (este greetings pala) ay hihintayin ng pulubi hanggang Sept 20, 2010 at exactly 11:59pm. Huwag kayong mag alala, pag lumagpas kayo diyan, oks lang matagal pa naman ang Grand Draw. LOL

Maraming Salamat in advance. Alam ko naman hindi niyo ko matitiis… *_*

11 comments:

  1. yuhoo.. happy birthday ate :)

    ReplyDelete
  2. happy birthday ng bonggang bongga...next month, ate madz. hehe:)) i'll do my best, at ilalabas ang talento ko sa paint para makapagpadala ng picture greeting. hehe:))

    ReplyDelete
  3. ipapaala ko sayo na 24 ka na next month. yehey! tapos 25 ka na next year :P mwahahhaa! peace!

    ReplyDelete
  4. Maligayang kaarawan!!!!!!!! My wish for you ay isang mainit na love life. Ahaha

    ReplyDelete
  5. heypi bertdey! ^__^

    pareho kaya tayo ng birthdate? 921?

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design