"Brian, maghiwalay na tayo"
"Ha? Michelle ok ka lang? Joke ba 'to or something?"
"Seryoso ko"
"Give me one good reason para pumayag ako sa gusto mo".
"Ang mga sintas ng sapatos ko..."
"WTF?!? Anong meron sa sintas ng ... teka, sa tinagal ng pagsasama natin, hindi pa kita nakikitaan ng sapatos na may sintas ah. San nanggaling yan at bakit ba kailangan mo pang mag isip ng walang kwentang dahilan para lang makipaghiwalay?" Napakamot-ulo si Brian na parang hindi makapaniwala sa dahilan ko. Napasandal siya sa upuan, parang pagod na nahihirapan. "Sabihin mo na lang yung totoo Mitch, hindi yung ganito, nababaliw ako sa sinasabi mo eh"
"Yun lang ang kaya kong ibigay na rason sa'yo. Yun ang totoo."
"And thats it?? Maghihiwalay tayo dahil sa imaginary shoe lace mo? C'mon Mitch... hindi ikaw 'to"
"Exactly my point Brian, hindi ako 'to. I'm sorry."
- - - - -
"Mam...anong size? Mam, Mam"
"Size 9 siya"
Saglit na natigil ang aking pagmumuni-muni ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Parang kanina lang iniiimagine ko ang huli nating naging pag-uusap at ngayon ay naririnig na kita, naririnig ng namumula kong mga tenga na hindi ko mawari kung dahil ba sa lamig ng aircon ng mall o dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"Mam?"
"Oo miss, size 9"
Nakikiramdam pa ang saleslady kung aalis o hindi. Marahil napansin niya ang biglang pagpapalit ng expression ng aking mukha. Nginitian ko na lamang siya na parang sumesenyas na ok lang na iwan na niya ako.
"Hi, Mitch. Fancy meeting you here."
"Oo nga eh, wala lang bigla ko lang naisipan. Ikaw anong ginagawa mo dito?" Napasampal pa ako sa aking noo. " Alangan namang isda o kamatis ang bilhin mo dito sa shoe section. Tanga ko eh." Napatawa pa ako. Tawang pilit, maitago lang ang kabang nararamdaman nang maupo ka na sa aking tabi.
"Hindi naman talaga ako bibili, nakita lang kita at nagulat na napadpad ka dito so ayun sinundan kita."
Wala akong maisip na sabihin sa kanya. Masyado nang late kapag nagsorry ako at masyado naman atang maagap kung itatanong ko kung may iba na ba siya. Hinintay ko nalang siya na mainip at magprisintang magpaalam. Subalit kung gaano ako katagal na tahimik ay ganon din siya katagal na nag-aantay sa aking tabi.
"Mam eto na po yung sapatos niyo. Sukat na po natin?"
"Miss ako na lang, tawagin ka na lang namin kung ok na."
Lumuhod siya sa aking harapan at sinumulang isuot sa akin ang sapatos.
"Naiintindihan na kita Mitch. Sana lang binigyan mo ko ng chance, sana binigyan mo ang sarili mo ng chance na magmahal ng iba."
"Natakot ako eh. Masyado kang perfect. Tanggap mo kung ano ako, itsura, katayuan sa buhay, kahit mga kapintasan ko parang wala lang sa'yo.Pati sa mga parents mo ok ako. Lahat sa atin ok. Parang walang mali. Kapag kailangan kita, andyan ka palagi. Pinapatawa mo ko, pinapapaiyak, tapos pinapatawa ulit. You never failed to show and make me feel that you love me. Parang fairy tale lang. Lahat nasa tamang kinalalagyan."
"Ano bang gusto mo Mitch, lagi tayong magkaaway? Hindi ka magustuhan ng pamilya ko? Pambihira ka, ikaw lang ang babae na nakilala ko na ganun ang gusto."
"Natakot nga ako Brian..."
"Natakot saan?"
"Na mawala ka. Na masanay ako na palagi kang nandyan para ayusin kapag natatanggal na sa pagkakasintas ang sapatos ko. Aasa na hindi na madadapa pero sa huli maapakan ko lang uli ang isang sintas at babagsak sa lupa. Masasaktan lang ulit kapag iniwan mo."
"Sa una pa lang, maluwag na ang sintas Mitch. Siguro ang napapansin mo lang ay yung mga pagkakataon na natatanggal ito sa pagkakabuhol at inaayos ng iba. Pero di ba, bago ka umalis ng bahay, bago pa niya ito ayusin, ikaw ang unang nagsuot, ikaw na ang unang nagsintas ng iyong sapatos? Kasi kung sa una pa lang inayos mo na hindi mo iisiping madadapa ka kasi alam mong mahigpit ang pagkakatali mo nito, o kung madapa ka man at bumagsak sa lupa, masasaktan ka subalit babangon ka ulit. Pero dahil iniasa mo sa iba ang pagsisintas nito, nung mawala siya para na ring nawalan ka ng ganang magsuot ng sapatos na di-sintas. Oo nga mas naging madali, mas naging magaan sa pakiramdan na hindi na ka na natitisod pero hindi mo na nalaman kung nasaan ba talaga ang problema at kung paano ito aayusin. "
"Kaya nga kinailangan kong kumalas Brian. Dahil kailangan kong hanapin yung sarili ko. Kailangan kong matutong mag-isa. Yung tumayo sa sarili kong paa na hindi nakaasa sa iba yung kaligayahan ko. Kaya nga nandito ako, magsisimula ulit. Inunahan mo lang ako."
"Inunahan saan?"
Yumuko ako at nagsimulang isintas ang aking sapatos. Sinigurado kong ang sintas ay mahigpit ang pagkakatali sa bawat butas na pinapasukan nito bago ko ito i-ribbon ng dalawang beses at iipit ang nakalaylay na tali sa tagiliran ng aking sapatos. Pagkatapos ay tinitigan ko siya at nakangiti habang sinasabi:
"Gusto ko sanang ipakita sa'yo na kaya ko na." Sabay turo sa iyo ng isa ko pang sapatos. "Kaya lang may problema pa ko..."
"Ano yun?" Nangingiting tanong ni Brian.
"Kailangan ko rin kasi ng magtuturo sa aking magsintas kapag nakalimutan ko na. Pwede ka ba?"
Niyakap niya ako ng mahigpit at binuhat mula sa aking pagkakaupo.
"Miss, kukunin ko na!"
"Si Mam po o yung sapatos?"
"Pareho. :D "
Tuesday, August 17, 2010
Sintas
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
aysows pang pelikula to ah!
ReplyDeletehaha ang kyut kyut. :P
ReplyDeletebakit ba walang labstory sa buhay ko. wahahaha.
ang galing mo talaga! napabilib mo na naman ako!
ReplyDeletesan mo hinuhugot ang mga yan??
malinis, malalim, at patok! yan ang post mo, yan ang blog mo, yan ka!
- "Siguro ang napapansin mo lang ay yung mga pagkakataon na natatanggal ito sa pagkakabuhol at inaayos ng iba."
- "Oo nga mas naging madali, mas naging magaan sa pakiramdan na hindi na ka na natitisod pero hindi mo na nalaman kung nasaan ba talaga ang problema at kung paano ito aayusin."
applause! applause! applause!!!
ayiiie!!namiss ko po ang mga kwento mo ate madz/ kinileeegg, na naman po ako dito.haha:))
ReplyDeleteikaw na ang idol ko na writer ng short lab story~~
ReplyDeleteat di halatang lumalablyf at di ka na gaanong nagsusulat,,,
galing mo talaga sis~~~
miss yah~~~
ang galing galing!
ReplyDeleteomg. too much cuteness. :-)
ReplyDeletehttp://ficklecattle.blogspot.com/
wow. happy ending. gusto ko to ;D hehe
ReplyDeleteGaling naman! parang gusto ko ulit magkaroon ng mga cheesy na eksena sa buhay ah... hehehehhehehehe
ReplyDeletebinggong binggo naman sakin to, haha.
ReplyDeletebullseye na bullsye!