Highschool yata ako nito, at dahil bago ang internet sa pandinig ko e todo browse naman ako at napadpad sa peyups (iba pa 'to nung vinivisit ko). Natutuwa ako sa mga kwento at dun sa mga nagcocomment kasi alam mong hindi nagskip read (pasintabi sa mga natamaan :D ).Hindi po akin ang akdang ito. Pero pinili ko pa rin siyang ipost kasi feeling ko dito ako nagsimula...hmmm nagsimulang ma-inlove o kumiri nga ba??hahaha ewan ko siguro lang nakakarelate ako sa nararamdaman ng sumulat nito.
So, bakit ngayon ko lang pinost?? Kasi, nakita ko siya, oo nakita ko ang may akda, pero hindi sa personal kundi dito sa blogspot. Tagal na niya pala dito :) Ayun finollow ko siya. Kayo, kung gusto follow niyo din! ^_^
****************************
KWENTONG JELLY BEANS
by noringai
Hindi ako mahilig sa jelly beans. Pero nung dumating yung jelly beans galing sa sister ng roommate ko, naintriga ako. Isang malaking garapon ng jellybeans na siguro ay mga 1000 ang laman at may 49 flavors. Hinanap ko agad yung chocolate pudding na flavor na nakalagay sa listahan. Lahat ng kulay brown, kinuha ko. Pero hindi chocolate ang lasa ng mga jelly beans na kinain ko. May coffee, may plum, may licorice, may rootbeer. ngunit walang chocolate. Sa kakahanap ng chocolate flavor, hindi ko napapansin ang ibang 48 flavors na nasa garapon. At na-realize ko, ikaw ang the elusive chocolate pudding flavor na jelly bean sa buhay ko.
Na-obsessed ako sa lahat ng kulay brown na jelly beans. Iyong roommate ko, na-explore na yung ibang flavor. May bubble gum flavor, may pina colada,may peanut butter, may sizzling cinnamon, may caramel popcorn. Lahat yun, nasarapan sya. Ako, hindi ko pinapansin ang ibang jelly beans. Naka-tuon ang pansin ko sa brown jelly beans.
Parang ikaw. Sa kakahabol sa iyo, hindi ko na napansin ang ibang lalake sa paligid ko. Masyado akong naka-focus sa yo, kaya napapalampas ko na ang mga matitinong lalake na nagbibigay interes sa akin. Parang yung ibang flavors ng jellybeans na hindi ko natikman dahil ang gusto ko talaga eh yung chocolate pudding.
Iyong roommate ko, natikman na nya ang chocolate pudding na jelly bean. Ang swerte naman niya, natikman nya agad ang flavor na gusto ko. Hindi niya hinahangad, yun pa ang napunta sa kanya. Sabi niya, hindi naman daw masarap ung chocolate pudding na jelly bean. Ordinaryo lang ang lasa. Hindi tulad nung mga favorite nyang flavor. Pinatikim nya sa akin yung toasted marshmallow saka ung strawberry cheesecake, masarap naman. Pero, yung chocolate pudding talaga gusto ko eh. Ganon yata talaga yun. Mas gusto natin yung hindi natin nakukuha.
Nung finally natikman ko ang chocolate pudding na jelly bean, napasigaw ako. At last, nakuha ko rin ang gusto ko. Pero, nung ninamnam ko ang lasa, hindi nga sya masarap. Hindi sya ganun ka fabulous. Parang ordinaryong chocolate lang na pinalambot. Pero ang saya nung feeling na finally, nakuha ko rin yun. Matapos akong mapurga sa licorice at root beer flavors.
Hindi ko pa natitikman ang lahat ng 49 flavors na jelly beans sa garapon.Nangangalahati na ang laman pero chocolate pa rin ang hinahanap ko kapag binubuksan ko ang takip. Fixated pa rin ako sa mga kulay brown na beans, kahit na mas appealing ang pink, violet at blue. Madalas, ibang flavor na nakukuha ko pero kapag sinuswerte, nahahagilap ko rin ang chocolate pudding.
Oo, hindi worth the aggravation ang paghahanap sa chocolate pudding. Hindi worth ang paghahabol ko sa yo. Ordinaryo ka lang naman. Marami pang hihigit sayo.May mgablueberry o cotton candy o strawberry daiquiri flavors na lalake sa paligid ko pero hindi ko pinapansin. Pero bakit kapag kakain ako ng jelly beans,
chocolate pudding pa rin ang hinahanap ko? Bakit kahit na marami naman lalake dyan, ikaw pa rin ang gusto ko?
Hay, siguro dahil sa nakasanayan ko na.
Friday, October 22, 2010
KWENTONG JELLY BEANS
Wednesday, October 20, 2010
Sayang
Payakap naman... I Love you..
...
...
...
I Love you too.
***** A Month Ago *****
Tuloy na ‘ko
Ha?? Tuloy saan??
Tignan mo ‘to hindi ka kasi nakikinig kanina pa ko nagsasalita.
Ah sorry naman, may iniisip kasi ako
Sus, nasa harap mo na nga ako, iniisip mo pa rin kagwapuhan ko? Obsession na tawag diyan teh.
Grabe rin imagination mo bui.
Haha. Makinig ka kasi.
Ano ngang sabi mo?
Sabi ko, tuloy na ko.
Saan?
Sa UK , naapprove na petition sa akin ni ate. Next month lipad na ‘ko.
Ah ok.
Ayus. Textmate is that you? Parang di kaibigan,heartless ka talaga! Hindi ka ba iiyak o kaya naman magwawalk out sa announcement ko?
Pag ginawa ko ba yang mga sinasabi mo eh hindi ka na tutuloy ha?
Aba’y syempre pag-iisipan ko, depende kung gaano kagrabe magiging reaction mo.
Weh? Di nga?
Wow seryoso ang bata. Hahaha Naniwala ka naman agad. Ano ka ba? Minsan lang dumating yun, uurungan ko pa ba?
O tignan mo, ganun din naman pala. Timang nito gusto pang mag-emote ako. Gago din eh. Tara na nga, malalate na tayo sa trabaho.
Lagi ka na lang nagmamadali, hintayin mo naman ako.
Bagal mo kasi.
***** A Month Later *****
Salamat ha.
O ano na naman yan. Aalis ka na’t lahat magdadrama ka pa.
Haha pagbigyan mo na hindi ko lang mapigilan. Paano talagang sinulit mo yung natitira kong isang buwan dito. Grabe, naenjoy ko lahat ng araw na magkasama tayo.
So ibig sabihin ba niyan, padadalhan mo na ko ng balikbayan box sa susunod na buwan?
Box lang ba? Oo naman yun lang pala eh.
Tado! Siyempre, may laman. Gusto mo ikaw na lang.
Uyy, mamimiss niya ko.
Ulol. Wala kaya akong nagawang matino last month dahil sa’yo, buti na lang…
Aaalis na ako?
Oo naman. Hahaha joke lang. Ingat ka dun ha.
Aba’y oo naman. O ikaw, wag ka munang mag-asawa, antayin mo ko.
Feeling mo naman.
Wahahaha sino kaya. Antayin mo ko kasi kikilatisin ko muna, yun ang ibig kong sabihin.. Papabayaan ba naman kitang mapunta kung kani-kanino lang? O kung gusto mo nga antayin mo na lang ako.
Gago ka talaga! Lumayas ka na nga.
Bakit dahil male late ka na naman sa trabaho? Ugali mo rin teh.
Tanga ka, nakaleave ako.
May lagnat ka? Aba himala, umabsent! Anong nakain mo?
Takte, umabsent na nga para sa kanya, ang dami pang sinasabi. Layas na, baka di ka pa makaabot.
Oo aalis na, wag kang atat. Huwag mo kalimutan bilin ko ha. Lika nga dito. Payakap naman…
…
…
…
…
…
…
…
…
…
I Love you ... Matagal na.
…
…
…
I Love you too. Mas matagal na.
Tuesday, October 19, 2010
Happy Birthday to ME!! ^_^ (REPOST)
eto nga pala yung vid na ginawa ko for my birthday na 15 days in the making bago mabuo ^_^ , dami kasi nagpadala ng pic greet eh (BITTER!). Repost na lang ito, tip lang ni sis unni para naman daw makita :)) Salamat ulit sa mga nakicelebrate ^_^ Happy Birthday pala ulit kay Jepoy :D. Sana maenjoy mo ang gummy bears na pinadala ko. :D Cheers!
Monday, October 18, 2010
Kung naiinip ka....
Monday, October 11, 2010
Penpal
Mag-isa ako noon sa pwesto sa bus. Kahit nahihiya, hindi mapigilan ng aking mga mata na lumuha. Inaliw ko na lamang ang aking sarili sa mga natatanaw ko sa bintana.Napakabilis ng byahe, hindi tulad kanina na gapang pagong ang eksena ng mga sasakyan. Narating ko ang Cubao, at nagsimulang maglakad upang makauwi sa aking tinutuluyan nang marinig ko ang pagtunog ng aking telepono. Unknown ang numero na lumabas, subalit lalo itong nakapag paiyak sa akin. Hindi ko na ininda kung sino ang nakakakita, dahil alam ko pagsagot ko ng telepono kong iyon, iisa lang ang magsasalita sa kabilang linya. Ang aking penpal.
Alam niyo kasi bago nauso ang mIRC, ym at skype e may nakahiligan akong gawin at yun ang naging daan para magkakilala kami ni penpal. Mahilig akong magtupi ng papel, hindi yung basta-bastang papel lang ha. Yung mabango na parang nakakahilo ang amoy at syempre sa papel na iyon ay madaming kwento na nakasulat. Si penpal lang ata ang nagtyaga at nakasaksi sa pagdevelop ng aking handwriting. Madami akong kwento sa kanya, madalas ay tungkol sa school at sa mga nakikilala ko. Hindi naman siya nagsasawa na basahin iyon, palagi niya pa nga akong pinapayuhan at may bonus pang sweet nothings sa hulihan ng sulat. Nung una hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin yung mga paglalambing niya dahil hindi ko pa naman siya nakikita Pero dahil baka hindi na siya sumulat kaya sinasagot ko na rin. Matagal din kami na ganun. Palitan ng nararamdaman sa pamamagitan ng mga letra at salita. Laging may pagbati sa mga okasyon na dumadaan sa kalendaryo.Nga pala, nakita ko na siya sa picture, in fairness maitsura siya. Sabi nga ng iba para daw kaming magkamukha. Pero siyempre dahil iba rin naman sa picture, tinanong ko siya kung kelan kami magkikita. Ang lagi niya lang sinasabi ay malapit na.
At last dumating din ang araw na pinakahihintay ko, makikilala ko na siya sa personal. Excited na excited ako, alam mo yun yung parang masusuka ka na at sobrang lakas ng tibok ng puso mo. Ganun ang pakiramdam ko sa mga oras na yun buti na lang sinuportahan ako nang aking pamilya at sinamahan nila ako sa airport kung hindi baka nagcollapse na ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o iakto sa kanyang harapan. Para bang gusto kong bumalik sa sasakyan at isulat na lang na masayang masaya ako sa kanyang pagdating. Maya-maya pa ay sumigaw na ang tita ko, andito na pala si penpal. Andito na ang mama ko.
Masaya ako subalit hindi pala magiging ganun kadali ang lahat. Akala ko para pa rin kaming nagsusulatan sa isa’t isa, simpleng magpenpal. Subalit mas komplikado pala kapag nagkasama na kaming mag-ina. Noong una, ingat na ingat ako sa aking kilos at mga salita. Nakikita ko kasi yung reaksyon niya, parang natatakot ako na hindi siya matawa sa mga kwento ko o kaya naman magalit siya kung may ginawa akong kalokohan. Highschool pa naman ako noon. Medyo napapabarkada at nais subukan ang lahat ng makitang bago sa paningin.
Minsang nagkamali, inasahan ko na makakarinig ako ng sermon o dili kaya nama’y malalatayan ang aking mga hita. Subalit wala man lang nangyari sa dalawa. Tinanong lang niya ako na para bang nirereverse psychology. Hinayaan lang niya akong nakahiga at mag-isip. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot kasi iniisip ko bakit yung iba konting mali lang inuulan na ng sermon at palo. Bakit ako yun lang? Pagtagal-tagal naintindihan ko din siya. Effective nga naman, mas natatakot akong gumawa ng mali kasi alam kong wala namang dahilan para magrebelde. Kakaiba rin itong penpal ko, wais. :-D
Marami kaming nabuong alaala sa bahay na kasama ko siya. Pareho kaming tahimik subalit nakahanap kami ng paraan para magkalapit. May mga bagay na idinadaan ko pa rin sa sulat pero sinubukan ko rin naman na magkausap kami. Magsisimula sa simpleng kwentuhan na hahantong sa pagsasabi ko sa kanya ng aking mga problema at mga nangyayari sa akin sa labas ng aming bahay. Siya naman ay magkkwento rin ng mga pangyayari sa buhay niya at kung anu-ano ring kalokohan nung highschool pa siya. Para kaming naging magkapatid. Walang mga sikreto at parehong kinikilig sa buhay pag-ibig. Napakasaya ng bawat sandaling iyon. Parang nabura na sa aking puso si penpal at may pumalit na sa kanyang lugar. Ang aking mama.
Akala ko habambuhay na kaming ganoon. Na sa kanyang pagtanda ay magkakasama kami. Hindi pala. Dumating ang panahon na kailangan naming maghiwa-hiwalay.Nagkaroon ng problema na sumubok sa amin at ang nagsilbing haligi ng aming tahanan ay bumigay. Dagdag pa dito, nagkapamilya na ang aking kapatid at nagtrabaho naman ako dito sa Maynila. Naramdaman ko ang naranasan niya nung nasa ibang bansa pa siya. Yung gugustuhin mong umuwi pero hindi pwede kasi magastos, kasi kailangan mong magtipid para sa Pasko ay may maiiuwi ka sa iyong pamilya. Yung titiisin mo na hindi makapunta sa mga espesyal na okasyon ng iyong pamilya kasi tatama sa araw na may trabaho, na babawi ka na lang sa susunod. Yung alam mo na may dinaramdam ang isang miyembro ng pamilya ngunit idinadaan mo na lang sa iyak at dasal kasi may mas magagawa ka kapag magkakalayo kayo. Ilang buwan din kaming ganito at nag-aadjust sa bagong set up nang magdecide ang aking mama na umalis muli. Bumalik sa ibang bansa hindi para magtrabaho kundi para magpagaling at magpahinga. Yun kasi ang mas makakabuti, yung malayo siya, malimutan ang lahat ng nangyari.
Araw ng kanyang pag-alis, naghalfday ako sa aking trabaho. Inisip kong aabot naman siguro ako dahil gabi pa ang kanyang flight.Ngunit nagsungit ang tadhana sa akin, naging mabagal ang andar ng mga sasakyan. Nang makarating ako sa airport, wala na siya. Umuwi akong hindi man lang siya nayayakap at nasabihang maghihintay muli ako sa kanya.Kaya naman ng tumunog ang aking telepono pagbaba ko sa bus, hindi ko na napigilang umiyak.
Oo, talagang iniyakan ko ang tawag na iyon.Maraming bagay ang pumasok sa aking isipan. Na sana umabsent na lang ako. Na sana naiparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Na sana ganon kadali malimutan ang masasamang pangyayari para hindi na lang niya kinailangang umalis. Na sana hindi na lang dumating ang mga taong sumira sa masaya naming pamilya para hindi kami ganito. Magkalayo. Ang tagal na panahon bago kami nagkakilala tapos sa isang iglap magkakahiwalay na naman.
Tinanong niya kung nasaan ako. Sabi ko naglalakad pauwi. Sabi niya, pasensya na daw at hindi ako nakaabot. Hindi na daw kasi sila pinalabas after magcheck-in ng luggage. Natahimik kami. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko sa kanya. Tapos sabi niya baka naman daw mag-asawa na ako, wag daw muna. Napaiyak lalo ako. Siyempre pag dumating yung part ng yun ng buhay ko gusto ko kasama ko siya. Madami pa kaming napag-usapan pero hindi ko na maalala ang tangi ko na lang naalala ay ang pangako niya. Pangako na sa tamang panahon ay uuwi siya at magkakasama-sama na kami ulit.. Panghahawakan ko ang pangako niyang iyon, kaya ko namang mag-intay katulad ng pag-aantay na ginawa ko noon. Para lamang makilala ang aking penpal. Ang aking mama.
***
Mag-iisang taon na siyang nasa Italy . Hindi pa rin naman kami nawawalan ng komunikasyon. Bagamat hindi na sa paraan na aming nasimulan, yung nagsusulatan, mas naging madali sa amin na maging magkatawagan naman. Atleast doon, naririnig ko ang kanyang tinig. Nararamdaman kong unti-unti na siyang nagiging handa sa kanyang pagbabalik. Sana hindi na magtagal, sabik na kasi ako sa kanya. At kapag dumating ang araw na iyon, hindi na ako malalate. Hindi ko na palalampasin ang araw na iyon. Paghahandaan ko na ang pagbabalik ng aking mama. Ng pansamantalang phonepal ko.
pwedeng:
mama,
pamilya,
pangyayari,
personal
Saturday, October 9, 2010
long overdue
“Magreresign na ko Red”
“WHAT?”
“Magreresign na ko”
“Kelan ang effectivity?”
“Today . Matagal ko nang ‘tong gustong gawin.”
“Hindi ko alam, wala ka namang sinasabi”
“I tried Red…many times.”
“Why the sudden change of heart?”
“Hindi na ‘ko masaya. Parang… parang routine na lang ang lahat.”
“What do you mean?”
“Nababagot na ‘ko. Habang tumatagal, nawawalan ng passion and excitement. Its draining me.”
“Sana sinabi mo agad. Baka nagawan pa ng paraan. ”
“Hindi naman kailangan sabihin, performance pa lang, mahahalata na.”
“Sigurado ka na ba?”
“Oo”
“Tatalikuran mo ang lahat, para lang dito sa passion at excitement na sinasabi mo?”
“I think so.”
“ Then you are crazy.”
“Yes I am. Mababaliw ako kapag pinigilang ko pa ang sarili kong maging masaya.”
“May sigurado ka na bang lilipatan?”
“Wala pa.”
“Then stay habang wala ka pang nakikita.”
“Unfair kapag umalis na lang ako bigla once may nahanap na akong iba.”
“Wala na ba talagang chance na magbago pa ang isip mo?”
“Wala na Red.Irrevocable resignation na ito.”
“You’re joking right? Hindi mo ‘to pwedeng gawin. Hindi mo ‘to pwedeng gawin… sakin.”
“I’m sorry.”
“This can’t be happening. I love you Danielle. Please stay. ”
“I’m sorry Red. Hindi ko na ‘to kayang ituloy. I’m leaving you.”
Subscribe to:
Posts (Atom)