Wednesday, October 20, 2010

Sayang


Payakap naman... I Love you..

...
...
...

I Love you too.


***** A Month Ago *****

Tuloy na ‘ko

Ha?? Tuloy saan??

Tignan mo ‘to hindi ka kasi nakikinig kanina pa ko nagsasalita.

Ah sorry naman, may iniisip kasi ako

Sus, nasa harap mo na nga ako, iniisip mo pa rin kagwapuhan ko? Obsession na tawag diyan teh.

Grabe rin imagination mo bui.

Haha. Makinig ka kasi.

Ano ngang sabi mo?

Sabi ko, tuloy na ko.

Saan?

Sa UK, naapprove na petition sa akin ni ate. Next month lipad na ‘ko.

Ah ok.

Ayus. Textmate is that you? Parang di kaibigan,heartless ka talaga! Hindi ka ba iiyak o kaya naman magwawalk out sa announcement ko?

Pag ginawa ko ba yang mga sinasabi mo eh hindi ka na tutuloy ha?

Aba’y syempre pag-iisipan ko, depende kung gaano kagrabe magiging reaction mo.

Weh? Di nga?

Wow seryoso ang bata. Hahaha Naniwala ka naman agad. Ano ka ba? Minsan lang dumating yun, uurungan ko pa ba?

O tignan mo, ganun din naman pala. Timang nito gusto pang mag-emote ako. Gago din eh. Tara na nga, malalate na tayo sa trabaho.

Lagi ka na lang nagmamadali, hintayin mo naman ako.

Bagal mo kasi.


***** A Month Later *****


Salamat ha.

O ano na naman yan. Aalis ka na’t lahat magdadrama ka pa.

Haha pagbigyan mo na hindi ko lang mapigilan. Paano talagang sinulit mo yung natitira kong isang buwan dito. Grabe, naenjoy ko lahat ng araw na magkasama tayo.

So ibig sabihin ba niyan, padadalhan mo na ko ng balikbayan box sa susunod na buwan?

Box lang ba? Oo naman yun lang pala eh.

Tado! Siyempre, may laman. Gusto mo ikaw na lang.

Uyy, mamimiss niya ko.

Ulol. Wala kaya akong nagawang matino last month dahil sa’yo, buti na lang…

Aaalis na ako?

Oo naman. Hahaha joke lang. Ingat ka dun ha.

Aba’y oo naman. O ikaw, wag ka munang mag-asawa, antayin mo ko.

Feeling mo naman.

Wahahaha sino kaya. Antayin mo ko kasi kikilatisin ko muna, yun ang ibig kong sabihin.. Papabayaan ba naman kitang mapunta kung kani-kanino lang?  O kung gusto mo nga antayin mo na lang ako.

Gago ka talaga! Lumayas ka na nga.

Bakit dahil male late ka na naman sa trabaho? Ugali mo rin teh.

Tanga ka, nakaleave ako.

May lagnat ka? Aba himala, umabsent! Anong nakain mo?

Takte, umabsent na nga para sa kanya, ang dami pang sinasabi. Layas na, baka di ka pa makaabot.

Oo aalis na, wag kang atat. Huwag mo kalimutan bilin ko ha. Lika nga dito. Payakap naman…



I Love you ... Matagal na.



I Love you too. Mas matagal na.

10 comments:

  1. astiggg!!! nag aaway pa, dun din naman pala. haha:)) ang kyut ng story! nakakilig na nakakatuwa na nakakaaliw.liiiike! :D

    ReplyDelete
  2. Napangite ako dito.
    ASTIG>
    nainlove ako sa post na ito XD

    ReplyDelete
  3. aww..i love it..haha..ang cute ng mga conversations..realistic! :D

    ReplyDelete
  4. ang sweet, ang galing to the highest level ang kilig factor

    ReplyDelete
  5. Tamang asaran pero ramdam ung love sa isa't isa :)

    Kung ako, di na ako aalis nyan

    ReplyDelete
  6. ayyyiiieee!!! inlabado ka rin pala ha... heheheh :D
    so nice entry :D
    inlove much :D

    ReplyDelete
  7. nakakakilig naman toh..kaso nalungkot ako bigla..mas naramdaman ko yung lungkot nung kwento kahit kwela yung lines..haaay ang emo ko talga

    ReplyDelete
  8. ang sarap ng inlove!!!

    kaso ang sakit ng goodbyes..

    kinilig ako promiseee!!! haha!
    hintayin mo sya ah!! eeee!! ♥♥♥


    wv: neysz (naman!)

    ReplyDelete
  9. aizt..wow nman..kilig ako maxado,,hahaizt

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design