Mahirap buuin ang tiwala sa sarili, hindi lang kasi isang beses kang magkakamali ng iyong mga desisyon sa buhay. Sa bawat pagkakamali mo pa, nababawasan ang katiting na tiwalang pilit mong binubuno upang lumago. At mas nagiging mahirap magkaroon ng tiwala sa sarili kung madalas kang inilulugmok ng iba sa kahihiyan at lugami. Manananggal ang tawag ko sa kanila – manananggal ng tiwala.
Maraming pagkakataong nilalabanan ko ang kawalan ko ng tiwala sa sarili atmaraming pagkakataon ding nagugupo ako ng aking sarili mismo. Ang hindipagsagot sa panahong ipinapahiya ka ng maharlika mong guro dahil sa iyong paniniwala ay isang malaking pag-amin ng kahinaan. Tila inilalabas ang tunay na kulay ng iyong kuyukot. Kahit alam mong dapat ipinaglaban ang nangangalumata mong prinsipyo sa buhay, mas pinili mong magtago sa yungib ng iyong pagkatalo.
Kung may paligsahan nga sa mga taong kulang ang tiwala sa sarili, malaki ang tsansang hindi pa rin ako makakakuha ng gantimpala. Kasi kahit sa ganitong pakontes ng mga dikya, wala pa rin akong tiwala sa sarili ko na mananalo ako. Isang malalim na buntung-hininga at halinghing lang ang kaya ko.
Ngunit ni minsan, hindi ko naisip na sukuan ang panibugho kong kinasangkutan. Sa mga pagkakataong, nagagapi ang aking sarili, doble ang isinusukli kong pagod upang mag-aral ng matuwid at matutunan ang bawat pagkakamali at ipagpatuloy ang aking munting banal na adhika. Ilan taon ko ring pinilit na palaguin ang aking tiwala sa sarili, upang kumawala sa peklat ng aking kahinaan ng loob.
Sa ngayon, malago na ang aking ipinunlang tiwala sa puso ko. Minahal ko kasi muna ang aking sarili bago sila. Nagsisilbing alingawngaw ito upang pagkunan din ng tiwala ng ibang tao sa paligid ko. Sabi nga ng kaibigan kong si Luwalhati sa akin, hindi mo maibibigay sa iba ang bagay na wala ka. Siniguro ko munang mayabong na ang aking puno, hitik na sa bunga at nakahanda nang ipamahagi sa ibang nangangailangan.
Hinog na ang pulot-pukyutan ko, kanya-kanya na kayong hugot.

*Napadaan ako kanina sa isang blog na gumagawa ng blackout poetry. Mula sa isang akda ay kukuha ka lamang ng ilang salita na siyang bubuo sa iyong tula. Sinubukan ko lang :D Natatawa ko sa resulta, ang sabaw!
*Ang akda ay isa sa mga lahok sa nakaraang Kamalayang Malaya ni J.Kulisap :)
hahahaha apir! ang galing, subukan mo naman yung nasa umpisa lahat hahaha
ReplyDeletetesting!!!!!
ReplyDeleteastig!... :D walang ibang masabi... hehehehehe \m/
ReplyDeleteayo ito ah... effort nga lng bsahin...
ReplyDeleteayan pumasok!!!
ReplyDeleteang galing ni sphereq pumasok yong comment nya!
ReplyDeleteoo nga pasok na pasok :))
ReplyDeleteang galing mapa anonymous at sphereq parehas pumasok hahaha
ReplyDeletexD
ReplyDeletexD
ReplyDeletehahahaha ang galing kahit si yong si pong nakapasok! xD
ReplyDeleteParang masaya gawin to sa mga pang Xerex na akda. para pwede nang i-publish na hindi mahahalayan ang mambabasa.
ReplyDeletebumablackout poetry .. haha
ReplyDeleteayos to :)
ayuz yan ah hehehehe... masubukan nga minsan..
ReplyDeletenice. di ko masyadong makuha yung concept kasi masyadong artistic yung dating sa akin haha
ReplyDeleteBigla akong kinabahan nong nabasa ko yong Kamalayang Malaya. Lol.
ReplyDeleteMaganda, kakaiba..bago sa panlasa.
:)
sabaw ka dyan. galing kaya.
ReplyDelete