Pages

Monday, March 12, 2012

QB (Quiz Bee) for a Cause

Muli na namang nabuhay ang QB o quizbee sa bahay ni bulakbolero noong nakaraang linggo. Sa mga di po nakakaalam kung anong nangyayari tuwing alas-dos sa araw ng Martes, ito po ang pinagkakaabalahan namin ng ilan sa mga bloggers.

At matapos manalo ng grupo nila Midnytdriver, Joleah, Iyahkin at Essa, ay nagsuggest ang iba na gawin daw itong tournament. Maya-maya pa ay bumulong ang isang viewer na pwede siyang maging sponsor para sa papremyo. Siyempre ako pa ba naman ang tatanggi? LOL Kaya naman kanina ay napag-usapan namin kung ano ang magiging mechanics ng laro at kung ano ang ipapapremyo.


1. Magsisimula ang quizbee sa ganap na alas dos ng hapon dito. Siyam hanggang sampu lamang ang maaring makapasok sa chatroom kaya naman paunahan na lamang kayo na pumasok. 

2. Ang mga tanong ay iikot sa mga sumusunod na kategorya:


MEMA LANG (brain teaser)
HALU-HALO (text twist)
ANONG SCIENCE MO? (Science)
PANIS SA PINAS (Phil. History, Trivia)
PALITAN TAYO (world currency)
MATHDALI LANG ‘TO (math)
ITAGALOG MO NGA PLEASE (Filipino translation)
LARUIN MO AKO (Filipino Games)
CONNECT D’ DOTS (analogy)
HIMIG PINOY (music)
REBUS (picture puzzle)
I MIX HUE (color wheel)
TUGZTUGZTUGZ (Philippine Dance)
DAGDAG-BAWAS (number sequence)
TAKOT KO LANG SA’YO (phobia)
BUGTONG NI BONG2x (riddles)
HULAAN MO ANYO KO (land and water formation)
IBUKA MO ANG NGALAN KO (Philippine Acronym and Abbreviations)
BLOGGER KA? DI NGA? (All about blogs and blogging)
DAMI KONG GUTOM (food)
KOMERSYAL MUNA (TV Commercial)
TAONG BAHAY (Home appliances and tools)
NOSEBLEED KA TEH! (sawikain/Idioms)
YOU COMPLETE ME (Letter equations)
SABI SABI SA TABI TABI (Filipino Beliefs)

3. Ang mga kasali ay igugrupo sa tatlo sa pamamagitan ng palabunutan. Paunahan ang bawat grupo na makasagot ng tama sa mga tanong.

4. Ang grupo na may pinakamataas na puntos sa pagtatapos ng laro ang siyang hihiranging panalo.

5. Ang bawat kasali ay bibigyan ng indibidwal na puntos base sa rank per group para maaari pa silang igrupo sa iba sa mga susunod na laban.

First place - 3pts.
Second place - 2pts.
Third place - 1pt.

6. Sampung quiz bee ang gagawin at pagkatapos nito ay susumahin ang iskor ng bawat kasali para malaman kung sino ang top three.

ANO ANG PREMYO?

Ang top three ay makakatanggap ng t-shirt na mayroong tatak ng kanilang blog name. Bukod dito ay makakapagbigay din sila ng kaparehong t-shirt sa lima pang mga bata. :D Yep, naglaro lang sila sa quizbee, makakasuporta pa sila sa Blog Mo, Ipasuot Mo. Isang proyekto na naglalayon na damitan ang mga kabataang salat sa maayos na damit.

Kaya naman kung mayroon kang libreng oras tuwing Martes, alas dos ng hapon. Pumunta lamang dito para makigulo at sa huli ay magkaroon ng pagkakataon na magpasaya ng iba.

Kitakits! :D 



8 comments:

  1. naks..... andaming category. pigaan ng brains. hehehe. try ko maki-eps sa QB. lols.

    Nice post. visit khantotantra.blogspot.com




    joke lang.

    ReplyDelete
  2. Yown.. pwede na bang isama yung score last week? :)

    ReplyDelete
  3. ay mamaya na pala ire..hmmm

    ReplyDelete
  4. haaaist ako na ang trying hard! hahaha

    ReplyDelete
  5. NT...alam mo na kung saan ako abala Maridel, pero nasa likod lang ako pajump-jump. Lels.

    :)

    ReplyDelete
  6. ok pala to :)
    salamat po ate madz.

    ReplyDelete
  7. bakit di ako makapasok sa chatrum na yan mads...bakit bakit bakit.........??????????

    ReplyDelete
  8. yaiks.. parang mapapalaban ang utak kong may pentium 2 lang na processor ah? pero try ko.. para sa BMIM, para sa mga bata! hehe

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design