Pages

Sunday, April 29, 2012

30-Day Photo Challenge: Day 13



A picture of your favorite band or artist


Up Dharma Down


Wala naman talaga kong mga peyborit peyborit ek ek na yan, kasi basta maganda sa pandinig ko eh pasok na yan sa banga. Pero kasi ito lang band na 'to ang matagal ko nang pinapakinggan at walang kupas ang paghanga ko sa lyrics ng mga kanta, samahan pa ng magandang boses ni Armi Millare. Sa mga kanta nila e itong lima ang madalas kong pakinggan, lalagyan ko na rin ng link just in case gusto niyong pakinggan:

1. Oo








2. Sana




3. Indak




4. Tadhana




5. Anino








Saturday, April 28, 2012

30-Day Photo Challenge: Day 11 & 12

Day 11- A picture of something you hate




Ayoko ng nasa bahay lang at nakaupo. Pramis, sobrang naiinip ako. Kailangan laging may ginagawa at abala. Maliban na lang kung nagbabasa ako ng libro. Yun nag iisang exception :P


Day 12 - A picture of something you love



Long walks. Travel. Adventure. Yan gusto ko yan, lalo na pag may kasamang special someone. Landi lang!  :D 

Friday, April 27, 2012

Pasabook (14)

Dahil mahaba-haba ang bakasyon (para ito sa mga balak magleave ng April 30 LOL), isisingit ko na ngayon ang pasabook para sa buwan ng Abril.

Malamang ang ilan sa inyo ay kilala ang awtor ng librong ito lalo na yung umaattend ng SBA. Kung gaano po siya ka-witty in person ay ganun din ang nilalaman ng kanyang akda. Maswerte nga po ang inyong lingkod dahil nagkaroon ako ng chance na makasalamuha siya sa iba pang mga activities. :D Niweiz meron po pala silang workshop sa buwan ng Mayo, baka po interesado kayong sumali:




So ayun  balik tayo sa title ng post hehe, eto na po ang libro ni Ms. Bebang Siy na maaring mapanalunan ng isa sa inyo.




Napakadali lang naman ng gagawin niyo para magkaroon ng chance na manalo ng librong ito. Sundin lang ang mga sumusunod:

1. Open po ito sa lahat ng blogger na nasa Pilipinas.

2. Mag-iwan lamang ng comment sa post na ito. Kahit anong comment basta lumabas lang pangalan niyo. :D 
 
3. One entry per blogger lang po.

4.Hanggang May 1, 2012 (Tuesday) lang po na mga comments ang kasali sa bobolahin.

5. Para sa resulta, bumalik na lang po dito sa May 2 (Wednesday) at kung ikaw ang nanalo paki-email na lang po  (hartlesschiq@gmail.com) ang inyong contact details (syempre kasama na yung buong pangalan :D).


Kitakits na lang sa May 2, Happy Long Vacation everyone! :P

Saturday, April 21, 2012

30 Day Photo Challenge: Day 9 &10


A picture of the person who has gotten you through the most

A picture of the person you do the most messed up things with

- dadalawa na lang kami, di pa ba siya yung ilalagay ko dito?? hahahaha 
Basta sa lahat lahat ng pinaggagawa ko sa buhay eh siya yung naglaan ng oras na makinig at magpayo kung kinakailangan. At alam ko na kung may gagawin pa kong kalokohan eh siya yung unang susuporta sa akin, di ba sis? *wink* *wink*


hbdsis

Friday, April 20, 2012

30 Day Photo Challenge: Day 8

A picture that makes you laugh
210081_223662384317979_100000226564620_1113620_5767388_o
Tuwing uuwi ako at nagtitingin ng mga photo album sa bahay, hindi pwedeng hindi ako mangingiti. Kasi naman tulad nitong picture sa taas, naaalala ko kung paano kami damitan ng aming tita: yung parang sasayaw lang. Halos pare-pareho ng damit: naka-jumper,mahabang medyas at yung tshirt pag hindi cartoon character eh parepareho din ng tatak. Pati nga yata gupit ng buhok nagkakapareho na kami. Hulaan niyo na lang kung sino ako diyan. LOL

30 Day Photo Challenge: Day 7

 

A picture of your most treasured item

Piks3853

 

Meet Badong, Christmas gift ng mom ko last year. Siya ang pinakaiingatan kong bagay sa ngayon dahil ito yung nag-coconnect  sa aming tatlo ng mama at ate ko kahit anong oras pa yan at kung saan man kami naroroon at that moment (hahaha mama ko kasi kahit nasa trono nakalaptop LOL). Open-mouthed smile

Tuesday, April 17, 2012

Lunes

Pare ano, sumama ka na. Big time yung bahay na aakyatin namin, tiba-tiba tayo dun.

Mahirap na baka mahuli tayo.

Sisiw lang yun pre, sanay na naman kami sa ganyan. Kunin mo lang kung anong gusto mo tapos sa’yo na yun. Bahala ka na kung san mo ipagbebenta. Isipin mo pati yang si Bong. Patikimin mo naman ng mamahaling pagkain, kahit Jollibee man lang. Tignan mo mga anak ko, paminsan minsan eh nakakapag-Andoks. Diskarte lang pre.

Ano bang plano niyo?

Sa Lunes. Puntahan mo ko dun sa dating bigasan, alas-kwatro ng hapon. Diretso na tayo dun sa target.

Sige pag-iisipan ko.

Muli akong tumingin sa aking anak na nanonood ng telebisyon sa kapitbahay. Tila napansin niya ito at napatingin din sa akin. Maya-maya pa'y tumakbo na siya papalapit at sinisigaw ang isang sikat na kainan.

'tay!jabi, jabi. Kain Bong jabi ha! Sabay turo sa komersyal sa tv kung saan sumasayaw ang mga mascot nito.

Tatlong taon na simula ng iwan sa akin si Bong ng dati kong kinakasama na si Michelle. Pumunta ito ng ibang bansa para maging domestic helper sa Taiwan. Bagama't hindi sa akin, naging mabuti pa rin naman ang pakikitungo ko kay Bong. Nang tumagal nga'y inako ko na rin siyang parang tunay na anak.

Ngunit makalipas ang ilang buwang pakikitawagan ay hindi na nagparamdam si Michelle sa amin at ang pangako nitong magpadala ng buwanang sustento ay hindi na natupad. Kaya naman, ang pinagkukunan lang namin para sa pang araw-araw na gastusin ay yung kinikita ko sa pagkukumpuni ng sapatos at payong.

Mahirap ang buhay para sa amin ni Bong. Minsan nga naiisip kong ipamigay na lamang siya o kaya'y ipaampon. Subalit kapag tumitingin na siya sa akin at ngumingiti, naiisip ko na kakayanin ko pa naman. Na makakaraos din kami.

Ngayon, isang pagkakataon ang binibigay sa akin para makalasap ng kaginhawaan ang aking anak. Ano ba ang dapat kong gawin?

Sunggaban ito o talikuran?

'tay jabi, jabi...

Ginulo ko ang buhok ni Bong. Ngumiti siya at mahigpit na yumakap sa akin.

Sa pagkakataong iyon, naging malinaw ang sagot sa tanong ko kanina. Alam ko na ang gagawin ko.

Aalis ako sa Lunes.

**********

Lunes ng gabi. Pawisan at hingal na hingal kong tinahak ang daan pauwi sa bahay. Patingin-tingin ako sa paligid habang tinatanggal ang gloves na nakasuot sa aking kamay. Damang-dama ko pa ang pamamanhid ng aking mga kamay. Subalit, mahigpit pa rin nitong hawak ang isang supot na mayroong mascot na drowing sa gitna.

Sinundo ko si Bong sa kapitbahay. Tuwang tuwa ang bata habang pinagmamasdan ang aking dala.

Nginitian ko siya subalit may luhang sumusungaw sa aking mga mata.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakabuhol ng supot at inilagay sa hapag kainan ang binili ko para kay Bong.

Hinintay ko ang kanyang reaksiyon.

Mataman niyang tinignan ang pagkaing nakahain. Maya-maya pa'y kinuha nito ang supot na pinaglagyan nito at lumapit sa akin habang tinuturo ang nakadrowing na mascot dito.

'tay jabi jabi...

Anak pasensya ka na kung hindi ka naibili ni tatay ng gusto mong pagkain ha. Hindi ko yata kakayanin na makulong at mahiwalay sa'yo. Sa susunod pangako, bibilhan kita. Nakakuha ako ng trabaho diyan sa may ice plant. Regular na trabaho. Pasensya muna ngayon ha.

Tinignan akong muli ni Bong na tila naiintindihan ang aking sinabi. Tuluyan na akong napaiyak sa kanya noong kumuha siya ng kutsara at nagsimulang humigop ng sabaw sa dala kong lugaw.

Nakangiti pa siya habang nilalantakan ang pagkain at hawak hawak ang supot sa kabila niyang kamay.

Monday, April 16, 2012

When all else fails, don't think. Just RUN!



"Nakakahiya, baka mamaya mapag-iwanan lang ako nung mga kasama ko tapos makuha lahat ng flag ko"

Ito yung naiisip ko mula nung gabi at bago magsimula yung race. Ano nga naman ba ang laban ko sa mga zombies at sa malayuang takbuhan? Gusto na ngang umurong ng pwet ko kundi lang ako sobrang effort makapunta lang dito eh (may sakit ako nito eh hahaha tsuri boss :P )

Pero kapag pala andun ka na sa aktwal na race, juskupurude ang tangi mo na lang magagawa eh magsisigaw at makipagpatintero sa mga walang awang kumukuha ng flag na nakasabit sa baywang mo. Taragis yan, magdadasal ka talaga na sana makarating ka na sa finish line. hahahaha

Pag signal ng go sa starting point, kagulo na kami. Kanya-kanyang isip ng diskarte. Tapos maya-maya magtataka ka na kasi nagpupulasan na yung iba. Meron tumatakbo sa kanan, sa kaliwa, sa kabilang lane at sa kung saan pa makalagpas lang kasi eto agad ang bumulaga sa amin:



Oo, nagkalat na agad ang mga zombies at nakikipaghabulan din sila sayo. Tapos bago ka makausad, pipili ka muna kung sa easy way o sa horde way (syempre sa horde way kami. ANG TAPANG!) at andyan na naman sila. Taragis!








O di ba, patintero ang emote ng mga mananakbo. hahahaha Hay grabe, talagang kelangan mong makipag-gitgitan, makipagtulakan at humanap ng grupo para lang maiwasan ang mga emotero't emoterang zombies sa race.

Tapos hindi lang ito yung poproblemahin mo kasi naghanda rin sila ng obstacles ala Takeshi's castle.

Obstacle 1: gapangan portion. May extra life kapag nakalapgas ka dito :)

Obstacle 2: garter galore. keri lang pero paglabas kasi ang daming zombies na nakaabang. ISKEYRI!

Obstacle 3: Maze. Ang dali lang nito, isang diretso lang asa labas ka na!

 I-imagine mo naman kung anung level ang kapaguran namin, bago makarating sa finish line. Buti na lang along the way eh may mga refreshment area at may mga nakaabang din na medics. Dito, safe kami. :) 

Kung pwede lang, dinala ko na 'to habang tumatakbo. :))

Kapag nakalagpas ka na sa obstacle 3, ayun matuwa ka na kasi malapit ka na sa finish line. Pwedeng ka nang tumigil at magpapicture.







Tapos konting takbo pa,ayun FINISH LINE na! WOOHOOOO! Eto yung maglulundag ka na parang baliw habang sumisigaw ng I'M ALIVE, I'M ALIVE!





Nakarating ako sa finish line na mayroon pang tatlong flag. YES! Apat sana yan eh kundi lang dito sa pasimpleng zombie na inatake ako sa likod! Kala mo di kita matatandaan ha! (Bitter mode on!)


Ganun pa man, masayang masaya pa rin ako dahil nakatapos ako ng walang galos, at buhay pa. :) Kaya ko naman pala eh. Kayang kaya! :D Mag-aabang na nga ako ng kasunod na zombie outbreak eh!hahah SAYTED!

Salamat pala sa mga nakasama ko sa takbong ito. Hindi ko na dinitalye ang maagang alay-lakad natin makahanap lang ng tutuluyan at makarating sa Nuvali at yung channel na gustong gustong panoorin ni ano. LOL  Sa susunod na takbo ulit ha!






*ang ibang larawan ay naharbat lang sa google, tumblr at sa mga nakasama ko sa takbuhan. :)

Thursday, April 12, 2012

Ba't Ganun? (Rant Post)



Wala naman akong BB....




... at lalong di pa ko nakakapunta ng Malaysia.


So paano ako nakapagpost nito kanina sa twitter? 

WTF! ANO 'TO GLITCH?

Takte naman eh, pinalampas ko na nga yung sa email ko. Tapos pati ba naman sa twitter. Hanep ka din eh, TINDI mo!

Kuya/Ate o kung ano/sino ka man, hindi ako sikat para gamitin mo yung twitter acct ko at isa pa wala kang mababasa sa email ko kundi updates sa FB, Ensogo, CebuPac, Jobstreet at kung saan-saan pang subscription page. Hindi ako nakikipagtsismisan sa email. At kung may balak kang bayaran ang bills ko, sige andun din yan sa email acct ko.Pakasasa ka!

Hindi ako magpapalit ng password palagi para lang sa'yo. Kaya please lang kung may natitira ka pang respeto sa katawan, gamitin mo naman. Nakakasira ka ng araw eh! AS IN!

Sunday, April 1, 2012

Pasabook (13) RESULT

Ito na nga pala ang resulta ng pasabook para sa buwan ng Marso. Ngayon ko lang nai-post kasi busy ng slight ang lola niyo. :D





Pang trese na, ni kalabit yata ng pangalan ko, hindi man lang napapasabit.
Nararamdaman ko ito na yon..itong ito na yon ...
na hindi pa rin ako mananalo  





grabe din kung makapangunsensya 'tong nagcomment na 'to, nakaabot nga yata kay random.org. Tignan mo naman, sa wakas, nanalo din siya :)))))




Congrats kuya Jkulisap! Alam mo na yung gagawin mo ha, para makuha yung book :) LOL


Ngayong buwan, ang ipapasa ko namang libro ay akda ng isang pamilyar na mukha para sa ating mga blogger lalo na dun sa mga umaattend ng Saranggola Blog Awards. Sino siya? Secret, walang clue! :)) 

Initials? B.S. 


Kitakits sa susunod na pasabook! :D Enjoy your vacation! 

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design