"Nakakahiya, baka mamaya mapag-iwanan lang ako nung mga kasama ko tapos makuha lahat ng flag ko"
Ito yung naiisip ko mula nung gabi at bago magsimula yung race. Ano nga naman ba ang laban ko sa mga zombies at sa malayuang takbuhan? Gusto na ngang umurong ng pwet ko kundi lang ako sobrang effort makapunta lang dito eh (may sakit ako nito eh hahaha tsuri boss :P )
Pero kapag pala andun ka na sa aktwal na race, juskupurude ang tangi mo na lang magagawa eh magsisigaw at makipagpatintero sa mga walang awang kumukuha ng flag na nakasabit sa baywang mo. Taragis yan, magdadasal ka talaga na sana makarating ka na sa finish line. hahahaha
Pag signal ng go sa starting point, kagulo na kami. Kanya-kanyang isip ng diskarte. Tapos maya-maya magtataka ka na kasi nagpupulasan na yung iba. Meron tumatakbo sa kanan, sa kaliwa, sa kabilang lane at sa kung saan pa makalagpas lang kasi eto agad ang bumulaga sa amin:
Oo, nagkalat na agad ang mga zombies at nakikipaghabulan din sila sayo. Tapos bago ka makausad, pipili ka muna kung sa easy way o sa horde way (syempre sa horde way kami. ANG TAPANG!) at andyan na naman sila. Taragis!
O di ba, patintero ang emote ng mga mananakbo. hahahaha Hay grabe, talagang kelangan mong makipag-gitgitan, makipagtulakan at humanap ng grupo para lang maiwasan ang mga emotero't emoterang zombies sa race.
Tapos hindi lang ito yung poproblemahin mo kasi naghanda rin sila ng obstacles ala Takeshi's castle.
Obstacle 1: gapangan portion. May extra life kapag nakalapgas ka dito :) |
Obstacle 2: garter galore. keri lang pero paglabas kasi ang daming zombies na nakaabang. ISKEYRI! |
Obstacle 3: Maze. Ang dali lang nito, isang diretso lang asa labas ka na! |
Kung pwede lang, dinala ko na 'to habang tumatakbo. :)) |
Nakarating ako sa finish line na mayroon pang tatlong flag. YES! Apat sana yan eh kundi lang dito sa pasimpleng zombie na inatake ako sa likod! Kala mo di kita matatandaan ha! (Bitter mode on!)
Ganun pa man, masayang masaya pa rin ako dahil nakatapos ako ng walang galos, at buhay pa. :) Kaya ko naman pala eh. Kayang kaya! :D Mag-aabang na nga ako ng kasunod na zombie outbreak eh!hahah SAYTED!
Salamat pala sa mga nakasama ko sa takbong ito. Hindi ko na dinitalye ang maagang alay-lakad natin makahanap lang ng tutuluyan at makarating sa Nuvali at yung channel na gustong gustong panoorin ni ano. LOL Sa susunod na takbo ulit ha!
*ang ibang larawan ay naharbat lang sa google, tumblr at sa mga nakasama ko sa takbuhan. :)
Sa lahat ng zombie apocalypse eto ang mukhang masaya. congratumalations mam madz, you're still alive!
ReplyDeletewow.. sarap na experience yan..
ReplyDeletefoe sure tanggal ang ilang taba ko dyan :)
magandang araw po ma'am :)
inggit much!.... T_T di bale mei isa pang run outbreak... for sure sasama na ako dun... :D nice one madz.. :D
ReplyDeletewow ang galing naman nito. Parang pang reality tv show ang effect. eto ba yung sa antipolo trip mo na nababasa ko sa twitter? Galing galing mo naman natapos mo. ikaw na. sorry ngayon lang nakadalaw dito r I'm not sure kung nadalaw ko na dati. Pero I'll try to be a regular from now on. :)
ReplyDeleteOK!! ok.... OK... mukhang masaya nga... MASAYA NGA!! ok.... :( nekstaym... nekstaym... tatkabo n tlga ako.. hays :ll
ReplyDeletecongrads!!!! You survayb!!! :D
ReplyDeletekakaibang zomberience yan ah!
ang sayang xperience naman nyan!!!!!!!!!!!!
ReplyDeletexD
hahaha tawa much sa mga pictures... sana pala sumama na ko, para ako na lang hahabol sa inyo... hahaha
ReplyDeletesayang, namiss ko yung opportunity na makatakbo dito.. congrats sa inyo ni kiki madz.
ReplyDeletekongratsunelesyons madeline!!! ikaw na! galing mo ha!sana makasama na ako sa susunod na ganito....ang sarap at ang saya lang hehee
ReplyDeleteangaling naman nito, mukhang masaya pero effective na takbuhan dahil kita naman ang hirap sa tumagaktak na pawis, congrats po, muli pong napadaan dito sa bahay mo :)
ReplyDelete