Monday, March 11, 2013

Nakipag-date ka no

Kapag umuuwi ako galing sa lakad,  ito ang madalas kong marinig sa mga kasama ko sa bahay.Siyempre ang lagi kong sagot ay 'hindi kaya' o kaya naman  yung expression ng mukha na nagsasabi ng 'ngiiiii' (hindi ko maexplain, sorry naman). Tapos susundan pa ng tanong na sinong kasama mo, ilan kayong lumabas etsetera etsetera. Sagutin ko man lahat basta nalaman nilang may lalaki sa kasama ko, isa lang ang conclusion nila: nakipag-date ako.


Sabi sa internet ang date o pakikipagdate daw ay:

 - a form of courtship which may include any social activity undertaken by, typically, two persons with the aim of assessing each other's suitability as a partner (mula sa wikipedia)

- kapag itinatangi na ng isang lalaki at ng isang babae ang isa’t isa at nagsisimula nang gumugol ng panahon na magkasama sa sosyal na paraan, higit pa sa pakikipagkaibigan ang karaniwang nasasangkot. (mula dito)

Check sa social activity - panonood ng sine, pagkain sa labas, pagsama sa outreach, window shopping - pero ekis naman dun sa higit sa pakikipagkaibigan ang motibo.Seryoso, wala pa yata akong lakad na may naramdaman akong more than friendship ang gusto. haha  Ako lang ba ang ang manhid o talagang malisyoso't malisyosa lang ang mga tao sa paligid ko? 

Para talaga sakin walang malisya ang lahat. Babae din lang kasi kayo sa paningin ko. Tao kayo este tayong lahat pala. Unless na lang bigla mo kong hawakan sa kamay at sabihan na: 'Madz, pwede bang exclusive na tayo?', yown ibang usapan na yan. Di na ko magpapakita sa'yo. hahah joke lang.

Fine. Alam ko nagiging daan din minsan yan papunta dun. Pero pwede bang maiba naman? Hindi ba pwedeng magkaibigan lang talaga? Na nagkataong pareho niyong gustong gawin ang isang bagay at kahit kayong dalawa lang, itutuloy niyo pa rin.

 Wala na ba talaga akong lusot sa usapang ganyan?  

Pramis kasi, hindi naman talaga. Wala akong ka-date. 

12 comments:

  1. Hehehe.. hindi ko mapigilan ang sarili ko na manukso.. uyyyy.. nakipagdate ka ba? Joke lang. Pero minsan di mo rin naman maiwasan na magkaroon ng ganung instances di ba? kaibigan lang sa umpisa.. labas dito labas doon.. tapos.. boom *spark!* hehehe at super nice ng new itsura of your blog..! LIKE!

    ReplyDelete
  2. Thanks! Ako din eh nagustuhan ko. :)

    Oo tama ka dyan minsan naman talaga dun yun nagsisimula.Nagmamaktol lang ako dyan sa post na yan kasi madaming makukulit sa buhay na pinapipilitan kahit hindi naman. Pikunin much lang. Lol

    ReplyDelete
  3. Manhid ka lang hahahaha. May malisya at landi na lahat ikaw pakikipagkaibigan pa rin ang nasa isipan hahahaha. Sihin sayo nyan "Madz di ko na kailangan ng kaibigan, marami na ako un wag ka na dumagdag" wahahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pramis hagalpak ako katatawa ng mabasa ko itong comment mo. Landi at malisya talaga ha!

      Ewan ko ba, hindi ko naman sadya na mangfriendzone. At hindi ko na rin siguro kasalanan na mahina silang magparamdam. Hahahaha

      Delete
  4. Kailangan talaga bago ang header ng blog para magkaroon ng upadate nang madalas ano? wahahaha pero mas gusto ko pa rin yung M(.)(.)D SWINGS na luma. hahahaha art yun eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha meron akong ginawa na ganun na header kaya lang naisip ko, kelangang child-friendly na. Mahirap iprint sa shirt yung ganung logo eh. Hahahah

      Delete
  5. ganda ng itsura ng blog mo, adre.. naiinggit tuloy ako at parang gusto ko na ring magpalit ng header tsaka theme.. hehehe

    pero hindi ka nga talaga nakipag-date? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat! gow lang i-make over ang blog!

      Opo hindi po. :)

      Delete
  6. ayyy napagod sa pakikipagdate? lol jowk. pwedi naman gamitan ng ibang term, pweding jam (parang mga rockstar lang) o kaya cofi-cofi lang pero date din pala un lol

    ganda ng bagong bahay mo hanlinis parang sarap magiwan ng alikabok dito jowk hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige ho iwan lang kayo ng alikabok, may general cleaning naman every week haha

      Delete
  7. auto friendzone ON!

    kasi mahilig ka sigurong mangfriendzone kaya ganun!!! wahahaha

    pero seryoso(?) date pwede naman date with friends eh pero kung may lumande na type take it, take it!!! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Agree ako sa sinabi mo. Tsaka na lang kapag may nagsabi na :))

      Delete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design