Sa darating na ika-23 ng Marso taong kasalukuyan ay magdaraos ng isang proyekto ang Isang Minutong Smile para sa mga kabataan ng Alay Pag-Asa Foundation. Hangarin ng proyektong ito na makatulong sa pagbibigay ng maayos at delikadidad na edukasyon sa mga batang walang pangtustos para dito.
Kaya naman po humihingi kami ng suporta mula sa inyo na sana’y maging kaisa din namin kayo sa hangaring ito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng libro na pupuno sa silid-aklatan na inihahanda ng foundation, matututo at mahihilig ang mga bata sa pagbabasa. Makakatulong din tayo sa paghubog di lamang sa intelektual na aspeto kundi pati na rin sa karakter ng isang bata mula sa mga librong ibabahagi natin na kapupulutan ng aral.
Bukod po sa mga aklat ay maaari din tayong magbigay ng mga kagamitan sa paaralan katulad ng:
1. Lapis
2. Papel
3. Pambura
4. Kwaderno
5. Pangkulay (Crayons)
6. Panukat (Ruler) atbp.
Suportahan po natin ang proyekto ng Isang Minutong Smile at bigyang ngiti ang mga kabataang nagnanais matuto at maging katulad natin na nagsusumikap marating ang mga pangarap.
Para po sa mga nais tumulong maaari po kayong makipag-ugnayan sa mga sumusunod:
Maridel Mangaron – hartlesschiq@gmail.com
Zyra Bambico – blessedzyra@gmail.com
O kaya naman ay sa opisyal na pahina ng Isang Minutong Smile.
Maraming Salamat po!
Salamat dito :)
ReplyDeleteSana'y mas marami pang tumulong para mas maraming NGITI :)
this project is inspiring. sana mas maraming matulungan. God bless.
ReplyDelete