Pages

Monday, September 16, 2013

Going Solo



‘Huwag mong sanayin yung sarili mo na mag-isang bumibiyahe. Baka mamaya dahil sanay ka na, hindi ka na maghahanap ng kasama.’

Nakalipas na ang isang buwan ng sabihan ako ng ganito ng kaopisina/housemate ko. Hindi ko siya makalimutan dahil paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko na walang masama sa ginagawa ko. Una, hindi naman ako nakakasakit ng tao. Pangalawa, karapatan ko naman yun di ba? Pero ewan ko ba, apektado pa rin ako. Paulit-ulit ko pa ring dyina-justify sa sarili ko na tama yung ginagawa ko, na masaya akong mag-isa.

Nagsimula ang lahat noong Valentine’s day. Nagkaroon ng seat sale sa isang airline. Matapos makapagbook ng family trip, dumale na naman ang pagka-impulsive ko. Sinubukan kong magbook ng bakasyon na ako lang mag-isa. Na-enjoy ko naman. Sa sobrang enjoy ko nga nasundan pa yun, di lang domestic kundi pati international na trip.

Ano ba ang nakukuha ko sa pag-iisa kong ito at parang sakit siya na ayoko nang mawala?

Oras. Mula pa lang sa pabubook ng biyahe hanggang sa itinerary ito talaga ang hindi ko ipagpapalit sa pagbibiyahe ko nang mag-isa. Kung kailan ko gustong umalis, kung kailan ko gustong puntahan ang isang lugar, kung kailan ko gustong kumain etsetera etsetera. Lahat ng yan ay nakadepende sa akin. 

Ex. Walang maninisi dahil late nagising at hindi na nakapunta sa isang tourist spot. Na akala mo eh maliit na issue lang pero sa next na bakasyon nila eh hindi ka na isama. 

Unwind. Kaya ako nagbabakasyon, pumupunta sa ibang lugar ay dahil gusto kong magpahinga. Maaaring sabihin mo na ‘Paano mo masasabing pahinga iyan kung bumibiyahe ka pa rin?’ Ok wag maging literal guys. Haha Ang ibig sabihin ko dito ay yung makakita ka naman ng iba sa nakikita o ginagawa mo na sa pang-araw araw. Break baga. Unwind lang, ganun. 

Ikaw lang ang maselan.  Again, ang bakasyon ay pahinga at hindi panahon para makipagdeal o makipagcompromise sa mga kasamang hindi gusto ang ilan sa mga desisyon o  gusto mong gawin sa araw na iyon. Sa mga solo travel, ikaw lang ang pwedeng magcancel sa itinerary mo. Do it as you like, ika nga. Kasi di ka naman araw-araw pinapayagan sa opisina na magleave di ba? So ayun, might as well itodo o sulitin mo na ang bakasyon.

Meet people.  Ito siguro yung masasabi kong blessing na nakukuha ko tuwing mag-isa akong bumibiyahe.  Mapa-driver ng sinasakyan kong tricycle, jeep o habal-habal, nakatabi ko sa bus o kaya naman katulad ko na turista ay hindi ako nagingiming kausapin.  Na siguro kung may kasama akong iba, eh hindi ko yun magagawa dahil kami-kami lang ang magkakaung-ungan.

Spontaneity . Hindi ko alam kung ito ang tamang term para dito pero kapag mag-isa ako, andun yung freedom eh. Mas malakas yung loob ko na gawin o subukan  ang isang bagay. Wala kasing judgmental sa tabi-tabi o kung meron man ok lang kasi hindi naman nila ako kilala. Walang rules at walang nagdidictate sa kung ano lang ang dapat kong gawin o ikilos. 

Pero hindi naman ako plastic para sabihin kong  yan palagi ang nakukuha ko sa mga biyahe. Nalulungkot din naman ako minsan, katulad kapag kumakain o lumalangoy ng mag-isa (imagine that, so sad!). Pero minsan lang yun sa buong duration ng bakasyon ko. Oo, hinahanap-hanap ko din ang company ng friends at family pero minsan pala kailangan mo ring i-appreciate yung company ng sarili mo. To be in tune with yourself. Para sa’kin kasi dito sa mga bakasyon na ‘to mas nakilala ko yung sarili ko. Kung ano ba yung nakakapagpasaya sa akin at kung ano yung dapat ko nang iwasan at itakwil sa buhay ko. Mas nagiging totoo ako sa kung ano ang tunay na buhay at drama lang.

Hoy ha, hindi ko ito isinulat para hikayatin kang magbiyaheng mag-isa. Dahil hindi mo rin naman ako agad-agad mahihikayat na mamundok, sumali sa triathlon, magbadminton at kung anu-ano pang hobby na nakahiligan mong gawin. 

Sinulat ko ito dahil, ito yung alam kong ikwento, ito ang expertise ko. At siguro rin kasi, ito yung written justification na gusto kong malaman ni opismate/housemate kung bakit nag-eenjoy akong mag-isa.  

Mema lang.

24 comments:

  1. in so many ways nakakarelate ako sayo. Sinubukan ko na din ang mag travel mag-isa at sa totoo lang super naenjoy ko sya..

    http://rixsays.blogspot.com/2013/06/huling-hirit-sa-tag-init.html

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uyy sa Baguio naman ang solo trip! Dami kong tawa sa pagkain mo ng bulaklak. More solo trip and stories to share sa atin! :)

      Delete
    2. Tama, balak ko mag solo trip sa baler at sa visayas area :D

      Delete
    3. next year ako mag solo trip sa visayas, kitakits!

      Delete
  2. namimiss ko na din bumiyahe mag isa at gumising at gumala at gumimik mag isa... walang masama sa pagbyahe nang solo pero totoo din na nakakalungkot, later on, when everything is set and ready, you will share the journey with someone na sin naman. for the meantime, its good to enjoy solitude, it doesnt have to be a lifetime naman unless you chose it to be...diba..diba..diba...

    ReplyDelete
    Replies
    1. yiz, siyempre next time may kasama na kaya enjoy muna na mag-isa sa biyahe.

      Delete
  3. na try ko na solo flight medyo magastos kasi wala kang kahati sa expenses..yun lang yata yung issue ko sa solo travel...hehe

    minsan pag nasa byahe ako kahit kasama ko mga barkadudes eh I make it a point na may me time ako, kahit yung ako lang sa bus di ko katabi sila or iba yung katabi ko. yun lang! hi mam madz!!!! ^_~

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay kamusta nga pala Ilocos mo?

      Delete
    2. korek ka diyan, budget talaga ang nasasakripisyo pag solo travel lalo na yung mga tour na kailangan mong icover yung payment para sa apat hanggang anim na tao. hehe

      Oks na oks ang Ilocos trip ko, magastos pero nacover ko naman halos lahat ng gusto kong mapuntahan. Sarap umulit! :)

      Delete
  4. In so many ways.. ayuko mag isa ate madz... pero susuportahan kita jan... nung bumalik ako dito sa states..may takot din sa puso ko.. dahil sobrang nasanay ako na kasama si mayk sa kahit anong gawin kobaraw araw..kahit pagbili lang sa tindahan... pero masaya na din ako in a way na magkahiwalay kame ngayon.. at least may chance for individual growth talaga...

    Wel... siguro balance lang... make time for urself but dont totally forget to make time to bond with friends and family

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo balance din lang at siyempre kung san ka masaya. Yun naman ang importante dun eh. :)

      Delete
  5. It's the same with me. I don't want to call it singlehood. It's the beauty of independence, having an independent spirit. This summer nag biyahe nga ako mag-isa, nag road trip. Napa isip nga ako na masyado ako nagiging fond sa aking pag-iisa. It's not that I'm a loner, ang problema kasi hindi talaga kayang sakyan ng ibang tao ang trip ko. My friends don't buy the idea of visiting a historical place dahil ang gusto nila eh yung mga gala na hindi dapat ma enrich ang spirit at knowledge.

    nagkataon siguro na napakaiba ng mga mindset nila sa mindset ko kaya I chose to do things all by myself.

    Soon I found out na maraming benefits ang pagiging independent, tulad nga ng mga nasambit mo. Isa lang ang diyahe kapag gumagala mag-isa- WALA AKONG MATINONG SHOT, PURO SELFIE! hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha tama, puro selfie din karamihan mga pics ko. Pakapalan na nga ng mukha na magpakuha sa mga makakasalubong eh.

      Delete
  6. ehe... ewan ko ha... pero ako mas feel ko rin magtravel mag-isa... Taena yan... kasi ayoko ng mas maarte pa ang kasama ko kesa sa akin.. Lol!...hahahahhaha.. :P

    Damay damay din ang mga frends pag mei tym... :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kamusta naman ang sis ko fresh from SG? Pasalubong ko asan na??? Lol

      Korek, tumpak, plangak dapat tayo lang maselan!hahahahaha

      Delete
  7. go lang ng go teh :) basta happy ka.. dadating din yung time na may makakasama ka :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks sa support!haha May kasama o wala, gagala pa din ako!!!! :P

      Delete
  8. ako madz halos limang taon na na halos bumabyahe mag-isa. wala naming problema. Haha! masayang umikot sa night market at makipagtawaran na wala kang iniisip na naghihintay sayo. kakainin lahat ng gusto mo, pwedeng dalawang oras sa fruit stand. saka yong time na nakakapag-isip ka ng para sa sarili mo.

    Though totoo iniisip ko din minsan if ano ang pakiramdam na may kasama habang hinihintay ang sunset sa beach. Haha! pero habang wala pa, enjoy-enjoy lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hayy ikaw nga yata ang isa sa mga kapatid ko pagdating sa ganitong bagay. Sana lang makasama ko sa pag-akyat niyo sa mga batuhan at iba pang buwis buhay na adventure noh. hahaha

      Hmmmm sino kaya si sunset boy??? :P

      Delete
  9. Magyayaya sana ako na mamundok kahit sa mababang bundok lang gaya ng Mt. Romelo. :) Ako rin lagi akong mag-isa sa byahe kahit napakarami namin. You can have time naman with yourself with friends. Yun nga lang, hindi buong byahe. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha sir sige mag iipon ulit ako ng lakas ng loob para makasa ko sa Mt. Romelo, katatapos ko sa Pico nitong weekend eh. Ang bagal ko kasi nakakahiya naman maging pasanin. hehe

      Delete
  10. I would have to agree na minsan, kelangan mo ng "ME" time talaga. Mas free ka, and sa'yong sa'yo lahat ng decisions and time. =) Although naimagine ko ngang ang sad minsan kung lumalangoy ka mag-isa, pero, may time talaga na gusto mong ganon e... Di baaaa...? hehe!

    -Steph
    www.traveliztera.com

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo sad maglangoy mag-isa kaya medyo umiiwas ako sa beach pag mga solo travel.

      Delete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design