Pages

Tuesday, September 24, 2013

Hello Pico!




Ang may kasalanan kasi nito ay si friend/opismate (friend 1) na nangulit kay friend/housemate/opismate (friend 2) na nabanggit ko sa nakaraang post. Naging hobby ni friend 2 ang pag-akyat sa bundok. Ngayon itong si friend 1 eh gusto daw niya umakyat ng Pico de Loro kaya nagrequest kay friend 2 na magset ng event. E di siyempre pumayag naman si friend 2. Kung tatanungin niyo kung paano ako napasali sa kulitan nilang dalawa eh hindi ko na rin matandaan.  

Alam niyo kasi nakailang invite na itong si friend 2 sa akin pero puro ako decline. Kasi naman ako yata ang reyna ng sablay. Walang araw na hindi ako nadadapa o nadudulas. Pinakamahina na dito e talisod. Kaya naman nagtaka din ako sa sarili ko kung paano nila ako napapayag. Kung alam lang nila, para akong preso na nag-aantay ng sentensiya sa sobrang takot. Lalo na nung ang pasimuno ng lahat na si friend 1 ay biglang nagback out 2-3 days before the event. Kaloka lang di ba? Ako yung sabit, ako pa yung matutuloy.

So ayun na nga, the day came. Pambihira ang lakas ng ulan! Mas maagap akong nagising kay friend 2 pero nagtulog-tulugan ako. Malay mo nga naman biglang tamarin dahil bumabagyo. Pero NO, ginising niya pa rin ang nagtutulog-tulugan kong diwa. Lintek, katapusan ko na!

Imagine niyo na lang na habang bumibyahe kami eh kitang-kita naming na nagliliparan yung mga signage ng tindahan sa labas tapos walang tigil ang ulan. Gusto ko nang bumalik talaga pramis, pero kapag tinitignan ko yung mga kasama ko, parang normal lang sa kanila yun, tuloy pa rin daw.

kala mo mainit pero ang lakas ng ulan sa labas

At yun nga, kasabay ng malakas na ulan at hangin eh ilang oras naming inakyat ang Pico. Hindi na kami nakapag summit kasi sobrang sungit ng panahon. Kahit nga yung tinatawag nilang clearing, wala rin akong naabutan. White background na lang siya, parang nagpa 1x1 photo ang style. Ganun kasama ang panahon kaya pagbaba naming napa ‘thank you Lord’ talaga ko.

early lunch muna sa DENR, hoping na titigil ang ulan

 
one of the boys


 
ang view


                                                                         summit campsite


alibangbang - landmark daw sa pico

nakangiti ba ako? lol


siyempre di mawawala ang wacky shot


team syet

Sa totoo lang kahit sinabi ni friend 2 na mukhang haggard daw itsura ko pag-akyat at pagbaba, nag enjoy ako. Sobrang malaking distraction yun ulan sa’kin para hindi ko maramdaman yung pagod. Tsaka sobrang bait ng mga nakasama ko. Imagine, nasira yung sapatos ko tapos pinahiram ako nung isa at nagtsinelas na lang siya. Tapos pinagdala pa nila ko ng gamit nung di ko na kaya. Hihihi Prinsesa lang ang peg. Pero seryoso, maswerte ako sa mga nakasama ko dahil todo assist sila tsaka naramdaman ko na wala talagang iwanan.  Pati nga yung mga nakakasalubong namin eh, nag-aassist din, ang gagalang pa. Parang magkakakilala kahit hindi naman.  Tapos may unli happy birthday song pa nung socials, kasama yung ibang mountaineers. Ang saya lang! 

Hindi ko makakalimutan ‘tong first/bday climb na ‘to. Unang akyat pa lang, bagyo na ang hinarap ko plus yung fear na mahulog o madisgrasya. Siguro nga sa sobrang takot di ko na nakuhang lagnatin eh. Haha Pero blessing pa din kasi bago ako madagdagan ng isang taon eh napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko naman pala. Buti na lang sinubukan ko. :D

6 comments:

  1. Mukang masaya naman ang experience parang gusto ko tuloy sumama sa barkada ko na hiker din... nasan dyang si friend 2? (curious lolz)

    ReplyDelete
  2. yes, try mo din i'm sure mag-eenjoy ka! :) Si friend 2 yung girl na katabi ko sa last pic.

    ReplyDelete
  3. ganyan ang mga mountaineers.. it's as if, the mountains had connected each one... bumabati, ngumingiti at umaalalay di alintana ang pagiging istranghero sa isa't-isa..

    ReplyDelete
  4. yehey! mads, pwedeng-pwede na kita hilain talaga pag nag-pulag ako. hahaha

    ReplyDelete
  5. Sobrang babait naman nila. Parang ang sarap tuloy mamundok. =))

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design