Pages

Thursday, December 19, 2013

Year End Post



January 1, 2013

Happy New Year Madz!

Hope this year will be a better year. Improvement lang sa lahat ng aspect and I’m sure magiging ok ka. Remember that you are not alone. You always have Him and your family. The RIGHT GUY may come this year but do not despair if he didn’t. Just take care of yourself and prepare when that time comes. 

Please, guard your heart & think a hundred times before doing something. Of course, STAY POSITIVE as always. Enjoy your travels. Meet people, learn new things & HAVE FUN! :) Stay beautiful girl & reach for the top! Excel in your work and you’ll see good results!

2013 is Madz’s year!!!

Remember:
*Be honest
*Don’t be afraid to get what you want
*You can have it…Want it & get it!

Sumulat ako sa sarili ko noong bagong taon (Jan2013) at yung nasa taas nga ang laman. Reading this, bumalik yung mga nangyari sa akin and I can say that I’m truly blessed  this year.

Career:

Napromote ako, sa wakas (March)! :D  Dagdag responsilibidad pero ok lang. Mas challenging , mas nakakaganang magtrabaho. I’m aiming for the next position, konting lakas ng loob pa.  :)

Health:

Na-ospital ako this year (June). Reminder siguro na kailangan kong bantayan at panatilihing malusog ang aking sarili. Ayun, may nakakapansin naman ng mga pagbabago. Sana matuloy-tuloy ko pa. 

Spiritual:

Tuloy pa rin ako sa pakikinig sa preaching ni Bro. Bo Sanchez. Malaki yung nagawa nito para sa akin at sa family ko. Next year, sisikapin ko na mas madalas pumunta sa PICC kesa makinig lang online.

Recreation:

Di pa rin nawawala ang pagka-adventurous ko sa pagsubok na magtravel mag-isa. This year bukod sa b-day trip ko sa Ilocos (September), first time ko rin nakapag out of the country (Singapore – February). Tapos year end gala ko na yung sa Corregidor, kasama naman ang friends (Nov-Dec.).

At isa pa palang nacross out sa bucket list ko ay pag-akyat sa bundok (Pico de Loro – September)!

Maraming gala at pag-akyat sa bundok pa sana next year!

Finances:

Although maraming kagastusan ngayong taon, finally naisipan ko na ring magbukas ng account sa bangko. J Kailangan ng mag save para sa future hihihi 

Relationship:

Konting kwento lang: May isa akong guy na nagugustuhan na nakakasama ko paglabas-labas.  We were doing ok, then suddenly parang may bumulong sa’kin (gut feel) na I needed to wait and be sure of my feelings for this guy. So I asked him to give me time and he agreed. But things suddenly become sour between us. We unfriended and unfollowed each other.  To cut the story short, FO (friendship over) ang kinalabasan. I was disheartened and then grateful na rin at the same time. Dismayed,  kasi we were friends eh. I value him more than my feelings for him that’s why I asked for space. But I think, he didn’t understand my point. I hope in time he does.  I am grateful because I wouldn’t be this happy today if I rushed into things. 

This year, nasimulan ko na maging priority ang sarili ko above all else. Narealize ko na hindi naman ako pwedeng magbigay ng wala naman ako sa sarili ko. I also learned to cherish the people who pushes me to be the best of myself and let go of those who does nothing but break my heart. Kailangan ng mag-evict para magkaroon naman ng espasyo para sa mga taong gustong pumasok sa buhay ko. 

Volunteer Opportunities:

Sobrang blessed ako pagdating dito. At nagpapasalamat din ako sa mga indibiwal at grupo na nagtitiwala sa akin at sa kakayahan ko.  Huwag kayong mag-alala, hangga’t kaya di ako mawawala. :)

Family:

My mom got sick this year. Sobrang hirap para sa amin ng pamilya ko dahil wala kaming magawa kasi magkalayo kami. Emotional rollercoaster talaga ito para sa amin. Pero thankful dahil hindi Niya kami pinabayaan. All our prayers were answered at tignan mo naman ngayon, makakasama pa namin siyang mag Pasko dito sa Pinas. :D


Sa lahat ng nangyari sakin ngayong taon, masuwerte pa rin ako dahil naisulat ko itong lahat. I’m blessed to be alive. At sana sa mga susunod na taon marami pa akong babalikan na mga pangyayari sa buhay ko. 

Merry Christmas and Happy New Year! :)

7 comments:

  1. sayang yung topic sa relationship....

    Di niya naisip na mas okay yung friendship kahit paano, atleast you have someone na makakausap, makakakwentuhan ganyan.

    Pero hopefully you'll find someone for you madz. :D hehehe

    adbans merry christmas

    ReplyDelete
  2. yey! ang aga ng year end post pero ok lang yan...

    Hope maka-jam ulit kita sa ibang outreach event ehehe..

    Saya ng year na ito for you and hope next year as well ehehe.

    ReplyDelete
  3. working on my year end post too :)
    thank you for being part my 2013 and sana sa mga susunod pang pagkakataon :D
    Godbless!

    ReplyDelete
  4. One of the great things that blogging can do is making me feel better. Lalo na sa mga post na ganito na super positive and enlightening... Ate Mads you're such an awesome lady.. I'm pretty sure that right guy for you is just around the corner!! :)

    ReplyDelete
  5. We persuaded the engineer to leave the 2 heads with us so that they could be
    installed as part of a follow up call and we would only have
    to pay for the call out and not for the parts.
    Wouldn't it be something to not have to rely on black
    Friday to be able to squeak by another year. But its marketing potential isn't just limited to being a talent spotter.
    This year, the sales are starting even earlier with many on Thursday evening.



    Here is my homepage black friday deals

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design