Pages

Tuesday, December 3, 2013

Weekend Getaway: Corregidor Island


Karamihan siguro sa inyo ay nakita na ang mga picture ko sa fb nung nagpunta kami ng Corregidor last weekend. Siyempre medyo sinipag lang akong magkwento at mag-update na rin ng blog kaya naman isusulat ko ang munting bakasyon kong ito.

Last July habang busy sa pagbabrowse ng website ng airlines at iba pang page na related sa travel ay nakita ko ang promo ng Sun Cruises and it goes something like this:



For only 2,200 (additional 200 for fuel surcharge), ang inclusion na ay overnight stay for 2 with day tour, buffet lunch for day 1 and free zipline ride. Sulit na sulit na kasi kung susumahin, 1,100 lang ang magagastos per person. So ang ginawa ko ayun, nagmessage agad kay officemate at hindi naman siya tumanggi sa imbitasyon ko. In fact, nagsama pa nga siya ng dalawa pa niyang kaibigan. We chose November 16 for no reason except dun lang talaga kami nagkasundong apat. :P

Ang siste, kung maalala niyo yung week na yan ay yung sinalanta ang mga kababayan natin sa Visayas ng bagyong Yolanda. Anong konek? Siyempre eh di maulan na bago mag 16 at nakareceive ako ng text galing sa Sun Cruises saying na cancelled ang aming supposed trip at kailangan naming magresched. We were having problems sa pagresched kasi may klase si officemate at may trabaho naman yung mga kaibigan niya. We even opted na Sunday magtour and maglileave ako ng Monday pero siyempre unfair naman sakin yun lalo na at ubos na ang leave ko. Mabuti na lang may isang mabait na bumulong kay officemate at naalala na holiday nga pala ng November 30 at walang pasok sa school or office. Kaya ayun, walang nagsakrapisyo ng leave without pay at klase. Haaay, thanks Ka Andres, you're my hero! :D

November 30, 2013

Usapan namin nila officemate ay 5:30am magkikita kita sa Taft MRT station. Pero dahil humingi ako sa sarili ko ng 15min extension nung magising ako ng 4am, guess what? Nagising lang naman ako ng 5:30am. Mabuti na lang matiyaga nila akong inantay at sakto alas-siyete ng umaga ay nandun na kami sa daungan ng ferry. Para pala sa mga magtatanong kung paano makarating dun, nasa likod lang siya ng Folk Arts Theater at maaring magcommute via MRT (Taft)-LRT (Vito Cruz) tapos sasakay ng orange na jeep. Pwede rin namang magtaxi katulad ng ginawa namin dahil late ako. hihi

Bakit mo gugustuhing pumunta sa islang ito?

1. History - hindi ako fan ng subject na ito at madalas ko siyang tinutulugan. Kaya naman kahit ako ay nasorpresa sa sarili ko ng buong araw pati kinabukasan na puro boses ng tour guide ang naririnig ko habang sakay ng bus ay hindi man lang ako nakaramdam ng antok. Siguro nga iba yung nakikita mo in person at naiimagine kung papaano ito naging 'military paradise' noong panahon ng Amerikano. Siyempre added bonus na yung makapagpapicture ka sa mga artillery na ginamit noon sa digmaan pati na rin ang mga lumang building dito. 


Meet sir Edward, our tour guide.

girl power!

2. Away (almost) from the hustle and bustle of the city life - paradise ang lugar na ito at hindi mo iisiping isang oras lang siya, via ferry sa Maynila. Puro puno sa paligid at napakatahimik. Pwedeng mag-emo o kaya naman magde-stress. Home away from home ika nga.



3. Adventure -  biking, hiking, swimming, kayaking, atv and zipline ride. Ilan lang ito sa ino-offer ng lugar. Oops bago ko makalimutan -- ghost hunting!awoooooo 




4. Accommodation -  Nag-iisa lang ang hotel sa Corregidor at ito ay ang Corregidor Inn. Sa kabuuuan wala naman akong naging problema sa kwarto (TIP: Piliin ang room 215 para sa magandang view). Walang TV sa room, dun lang sa lobby meron at nag-iisa pa. Pero feeling ko naman, katulad namin ito na yung pinaka least na worry mo. Mabango yung room, malinis ang sheets, may towel na provided, may heater, maraming electric socket at malamig ang aircon. Tsaka walang corkage fee, pwedeng magdala ng sariling food. Kahit nga extra rice lang orderin, iroom service pa nila. Paano ko alam? Secret. hahaha


Bakit hindi mo gugustuhin pumunta dito?

1. Food - kung balak mong magfood trip sa Corregidor, wag mo nang ituloy. 


2. Expectant mother- hindi sila pinapayagan sa tour dahil may mga activities na medyo stressful para sa mga nagbubuntis. 


3. Takot sa dilim, sa masisikip na lugar - karamihan ng tour na gagawin niyo ay sa mga ganitong lugar. Pero kung gusto mong iovercome ang mga takot mong ito, pwedeng dito ka na magsimula.



I hope to visit this place again. Yung nakabike habang lumilipad lipad ang buhok o kaya naman magcacamping habang nag-aantay ng bibisitang multo. Joke lang yung sa multo part. Gusto kong bumalik hindi dahil bitin yung weekend, pero siguro dahil ganun lang ako naenchant sa ganda ng lugar. Na kapag gusto kong magde-stress at magpahinga, isa ito sa pupuntahan kong lugar. Sana kayo din maengganyo na pumunta dito. Promise mag-eenjoy kayo. :D

9 comments:

  1. Saya nito ako gusto ko pumunta ng baterry way sabi nila isa sa mga spooky na lugar yun dyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep, inikot din namin yun. Mas masaya pag gabi kayo mageexplore, spooky talaga!

      Delete
  2. si empi din diba nakapag corregidor na?

    gusto ko din to matry....

    maygas, yung ilocos ko di ko pa nasisimulans

    ReplyDelete
  3. Sayang tapos na yung promo oh! awww.
    My friend was here last June, at mag isa lang siya.
    Pero I think mas cool kung overnight jan.. takutan! haha
    Bakit di advisable ang food trip?

    ReplyDelete
  4. Parang ang sarap ngang pumunta dyan. Gusto ko ring bumalikkahit papano sa nakaraan

    ReplyDelete
  5. mukhang nasulit ang C.I isa to sa mga list ko na puntahan for the heritage beside sa puno ito ng kasaysayan madami daw ghost story....

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design