Pages

Tuesday, March 23, 2010

Part 2 (kabuuan) - ENDING

“ Uuwi ako”

“Wow himala naisipang mong umuwi. Anong gagawin mo dun?”


Anim na buwan na ang lumipas mula noong umuwi ako sa amin . Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko sa mga kaboardmate ko, pero wala na akong inis na nararamdaman sa sarili ko kasi naiintindihan ko na.

Malamig ang gabi, mukhang maraming sakay ang bus. Pumuwesto ako sa bandang dulo malapit sa may bintana. Malapit ng umalis ang bus pero wala pa rin tumatabi sa akin. Kumakabog na yung dibdib ko, pinagpapawisan na rin ang kamay ko. Dumadaan lang sila sa pwesto ko pero tila mailap yata ako ngayon sa katabi. Umandar yung bus na mag-isa lang ako.

Pagdaan sa may Megamall, naalala kita. Yung payat na tumatakbo papunta sa pinto papalapit sa akin. Napangiti ako sabay nakadama ng lungkot sa pangyayaring iyon. Tumingin na lang ulit ako sa may bintana para hindi nila na umiiyak na ako.

“Miss, yung gamit mo”

“Ay, sori.. wait lang”


Parang deja vu yung nagyayari. Parang re-enactment lang nung naaalala ko. Ginaya ko na lang yung sinagot ko noon kay Charles. Wala lang, katangahan siguro. Nakatungo akong kinuha yung gamit sabay lagay sa ilalim ng upuan. Babaling na sana ako nang abutan niya ako ng panyo.

“O umiiyak ka na naman. Tahan na, andito na ko”

Napatawa ako sabay yakap sa kanya.

“Yakap ka ng yakap diyan pano pala kung hindi ako ito”

“Basta. Alam ko naman na ikaw yan e. Charles sorry ha kung natagalan bago ako nagpakita. Sinabi sakin ng kapatid ko na lagi ka daw pumupunta sa bahay kaya hindi muna ako umuwi sa Lucena. Nalilito pa kasi ako eh, marami pa rin akong tanong sa sarili ko na hindi ko masagot”

“ At ngayon Andrea, nasagot mo na ba lahat sila? OK ka na ba?”


Tumitig ako sa kanya, yung titig nung huli ko siyang makatabi sa bus.

“Oo Charles ok na ko. Alam ko na rin kung bakit ako umuuwi, kung bakit kumakabog yung dibdib ko, pinagpapawisan yung mga kamay habang inaantay ko yung taong makakasabay ko sa biyahe. Kasi siguro hinahanap din kita, ikaw rin yung hinihintay ko. Siguro nga malakas ka sa taas kaya kung may anong pwersa na nagtulak sakin papunta sa’yo. Noon hindi ko masagot yung mga kasama ko kung bakit ako laging umuuwi pero ngayon alam ko na kung bakit”

“Bakit ka nga ba umuuwi Andrea?”

“Bakit ako umuuwi? Para tanggapin yung pinakaimportanteng regalo Charles, yung kaligayan ko at ikaw yun. After ng nangyari sa amin nung ex ko, naisip ko ayoko na. Sinarado ko na yung puso ko kasi natatakot na ‘kong masaktan. Nung makilala kita at marinig yung mga sinabi mo, natakot lalo ako. At napakaimposible rin sa akin na isipin na dito ko matatagpuan yung kaligayahan ko pero siguro nga ito yung way Niya para ipaalala sa akin na walang pinipiling lugar o pagkakataon ang pagmamahal. Dumadating ito ng di mo inaasahan at nasa sa iyo na lang kung paano ito i- eembrace. Finally, I accepted that it was you”


Hinintay ko siyang umimik ngunit wala siyang nasabi. Mahigpit na yakap na lamang ang kanyang naitugon. Ang yakap na siyang nagsimula ng panibagong paglalakbay para sa aming dalawa. Hindi na ako bumibyaheng mag isa pero nararamdaman ko pa rin ang kabog sa aking dibdib sa tuwing makakatabi ko siya. Iba kasi talaga ang hatak niya. Parang namamagnet ako tuwing titingin siya akin. Nanunuot sa buo kong kong pagkatao ang kanyang pagmamahal at assurance na kailanman ay mananatili siya sa tabi ko.


****

Alam kong kahit nandyan ka na Charles, inaalala mo pa rin ako. Palagi kong iniisip kapag tumitingin ako sa kalangitan na mga mata mo ang tinititigan ko. Nadarama ko pa rin ang iyong pagbabantay lalo na kina Charels at Andrew. Ipanatag mo ang loob mo, aalagaan at mamahalin ko sila katulad ng pagmamahal mo sa akin. Ikukuwento ko rin sa kanila ang paglalakbay natin patungo sa isa’t isa. Sa totoo lang, namimiss na kita Charles, pero wag kang mag- alala hindi na ako umiiyak. Ok na ko.


I LOVE YOU Charles!

Monday, March 22, 2010

Part 2 (kalahati)

“Andrea…Andrea… Huy gising na, andito na tayo!”

Napabalikwas ako sa pwesto ko sabay takip ng panyo sa bibig” Nahalata yata ni Charles kasi bigla siyang napatawa.

“Huwag kang mag –alala hindi tumulo yung laway mo at kung tumulo man kanina ko pa yan napunasan. hahaha Akina nga yang gamit mo, tara na baba na tayo.”


Pagbaba namin sa bus dumretso agad kami sa malapit na ATM machine. Tumanggi na akong kunin yung bayad pero nagpipilit pa rin siya.

“Sige kung ayaw mo akong singilin, ihahatid na lang kita sa inyo, bayad ko nalang yung makita kang safe na umuwi”


“Wow banat ba ‘yan? Haha Pero sige di ko na tatanggihan yang offer mo tutal naman malapit lang naman yung sa inyo, madami naman tricycle dun sa may amin.”

Kahit medyo pagod, nagdecide kaming lakarin na lang pauwi. Masyado siguro kaming nag enjoy sa company ng isa’t isa kaya ayaw pa naming maghiwalay. Pagdating sa bahay, itatawag ko na sana siya ng tricycle pero sabi niya maglalakad na lang daw siya.

“Ano ka ba, kanina naglakad na tayo, may panata ka ba? Mukhang trip na trip mong maglakad”


Napakamot siya sa ulo. Parang bigla siyang naging uneasy.

“Ano kasi Andrea, uhmm may ipagtatapat sana ako sa’yo. Huwag ka sanang magagalit.”

“ Bakit naman ako magagalit? Ano ba yun?”


“Andrea kasi… hindi naman talaga ako tagarito”

“ANO? E bakit nagsinungaling ka? Pati ba yung mga kinuwento mo hindi totoo? Charles ba talaga pangalan mo? So kaya pala kulang yung pamasahe mo kasi hindi mo naman pala talaga alam kung magkano yung pamasahe. Pambihira!” Tumaas na yung boses ko nun hindi ko kasi magets kung bakit kailangan niya pang gawin ‘yun.

“Charles talaga pangalan ko at lahat ng kinuwento ko sayo totoo maliban nga dun sa tagarito ako. Pasensiya ka na Andrea hindi ko na kasi naiwasan e. Wala na akong maisip na paraan lalo na nung nakatabi ulit kita. Ayoko nang palampasin yung pagkakataon.”

“Ulit? Meaning nakasabay mo na ko dati?”

“OO Andrea nakasabay na kita dati, nakatabi pa nga kita.May hiking kami nun malapit dito kaya kanina konti lang dinala ko pamasahe kasi akala ko hindi ganun kalaki yung difference. Naaalala mo ba kanina nung tinanong kita kung ok ka na? Nung time na yun iyak ka ng iyak, pugtong pugto na nga yung mga mata mo eh. Siguro sa sobrang sama ng loob mo di mo na maalala na pinahiram pa kita ng panyo, siningahan mo pa nga.”


“So gusto mong kunin yung panyo? Sorry ha di ko na kasi alam kung san ko yun nailagay baka nga naitapon ko na.”
Napipikon na ko, sa kanya, sa akin, sa pangyayaring yun na kinukwento niya. Kapag naalala ko kasi hindi ko maiwasan na hindi masaktan.

“Hindi yung panyo yung binalikan ko kundi ikaw. Alam mo ba gusto kitang isama nun sa hiling namin. Gusto ko kasi mawala yung sakit na nararamdaman mo. Baka kako makalimutan mo yung tao o yung dahilan kung bakit pumapalahaw ka sa bus.”

Bumalik sa akin yung moment na yun. Nagbreak kami ng boyfriend ko, actually fiancĂ©. Malapit na kaming ikasal nun, pero sinugod ako ng bestfriend niya telling me that she’s pregnant at yung ex ko ang ama. I confronted my boyfriend at sa reaksyon na nakita ko sa mukha niya, totoo nga na nabuntis niya. Dahil sa sakit at kahihiyan, umuwi ako sa amin at doon nagpagaling. Dalawang taon na ang lumipas, pero iba pa rin yung epekto sa akin nun.

“Andrea wag ka ng umiyak. Hindi ko sinsadaya na ipaala pa sayo yung nangyari. Pero simula kasi nun hindi na kita makalimutan. Tuwing magkakaron kami ng hilking sa Quezon, ikaw yung naiisip ko. Lagi kong hinihiling na ikaw yung makatabi ko sa bus. Gusto kong malaman kong ok ka na. Kumakabog yung dibdib ko habang nag aabang ng magtatanong sa akin kung may kasama ba ako o may katabi na. Hindi ko maipaliwanag pero hinahanap kita, hinahahanap ka ng puso ko.”


Speechless ako sa sinabi niya. Mixed emotions. Hindi ko alam kung paano magrereact sa kanya.

“Sige na isasakay nalag kita, ipapahatid na lang kita sa terminal”


Kitang kita ko yung panlulumo sa kanyang mga mata habang sumasakay sa tricycle. Kaya lang wala talaga akong magawa. Parang hinigop niya lahat ang lakas ko ng mga panahong iyon. Pumasok na ko sa bahay, dala yung gamit ko habang iniiisip yung mga narinig ko sa kanya.

Part 1

“Uuwi ako..”

“Na naman? Anong gagawin mo dun?”


Madalas ganito ang naririnig ko sa mga kaboardmate ko tuwing ibabalita ko na uuwi ako sa amin at madalas din na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila. Naiinis ako kasi wala talaga akong maisip na isagot kundi “gusto ko lang umuwi”.

Tatlo hanggang apat na oras ang itinutunganga o itinutulog ko sa bus bago ako makarating sa amin. Minsan kasi traffic, halo-halo yung mga nakasakay, meaning merong bababa sa bawat bayan na madadaanan papunta sa amin o kaya naman naisip lang ng driver na maging mas maingat nung araw na yun.

Katulad ng gabing ito,mukhang matatagalan ako bago makarating sa amin.Medyo maluwag yung bus, mga anim lang ata yung natatanaw kong ulo sa unahan, sa likod naman nag-iisa lang yung kahon sa dulo, mukhang nag eemote. Naiinip na ko.Siguradong mag aantay pa sila na mapuno ang bus, matumal yata ang customer ngayong gabi. Naiispan ko na lang makinig ng music sa cellphone.

Hindi ko namalayang napaidlip na ako. Mahigit 30 minutes na ang lumipas at medyo nadagdagan na rin ang mga kasama ko sa bus, halos mapupuno na nga. Medyo naeexcite na ko, kasi naman wala pa akong katabi. Paisa-isa na silang sumasakay, kumakabog na yung dibdib ko, pinagpapwisan na rin pati mga kamay ko. Ito ang pinakapaborito kong part tuwing bibiyahe akong mag –isa, yung kilatisin ang makakatabi ko. Hinihintay kong may magtanong sa aking kung maykasama ako o may nakaupo na ba sa tabi ko, pero parang malas ata ako ngayong araw na ‘to. Lumakad ang bus na wala man lang nagtangkang tumabi sa akin.

Nasa may Megamall na kami, nang may pumara sa bus. Nakita ko siya nagtatatakbo papalapit sa pinto, papalapit sa akin. Napatitig ako sa kanya, para akong namaligno.Ang ganda ganda ng mga mata niya.


“Miss, gamit mo?”

“Ay, sori.. wait lang”
(Sabay lagay ng bag ko sa ilalim ng upuan)

Pagkatanggal ko ng gamit, diretso upo na siya sa tabi ko.Tinitigan ko siya, pinag aaralan ko yung kabuuan niya. Well-toned ang katawan, yung hindi naman pang gym na muscle kumbaga yung mukhang healthy na payat. Tapos yung pagkaitim niya parang hindi natural, feeling ko nasobrahan lang sa swimming. Dark jeans, sneakers at green na polo. Nice yung mukha niya, maaliwalas yung dating. Hindi siya yung kagwapuhan pero infairness ang ganda talaga ng mga mata niya. Kakaiba eh, parang nakacontacts yung dating pero hindi naman. Napatitig pa lalo ako sa kanya nung pumikit na siya at aktong tutulog nang mapalingon siya sa akin.

“Miss, may problema ba? Kanina ka pa kasi nakatingin.”

“Ah eh.. wala naman. sensiya na”


Nairita ako, medyo may kasungitan pala ‘tong katabi ko. Pasalamat siya, maganda yung mata niya. Pinili ko na lang tumingin sa may bintana kasi napahiya din ako sa nangyari at nagdecide na matulog na lang. Hindi pa man ako napapapikit ay narinig ko na ang kanyang paghilik, mukhang pagod na pagod ata yung mokong at feel na feel ang pag-hagok. Napatawa na lang ako habang tinitignan ko siya. Hindi ko maiwasang hindi siya tignan eh. Ewan ko ba, parang may something about sa kanya.

Naputol ang pagtitig ko sa kanya ng gisingin siya ng konduktor.

“Boss, san ka?”

“Lucena”


Pareho pala kami ng pupuntahan. Mukhang matatagalan ata ako sa pagtitig sa kanya. Gusto ko sana siyang kausapin, pantanggal inip lang habang nasa biyahe lalo na’t hindi ako dalawin ng antok. Tila dininig naman yung gusto ko dahil nagkaron sila ng diskusyon nung konduktor nang magsimula na itong maningil ng pasahe.

“ Bossing, baka naman pwedeng 180 muna ang ibayad , sa terminal ko na ibibigay yung kulang magwiwithdraw pa kasi ako.


“Naku, hindi pwede.Pati pamasahe eh ginagawa niyo ng installment”

“Eh bossing…”


“Kung gusto mo ibababa ka na lang naming kung hanggang san aabot yang pambayad mo. Sumakay ka na lang ulet sa ibang bus pag may pamasahe ka na”, sbay lipat ng konduktor sa pasahero sa unahan.


Napansin ko na di siya mapakali sa kinauupuan niya, sa isip isip ko na lang baka importante yung pakay niya dun kaya hindi na siya nakakuha ng pera. Kahit naaawa ako sa kanya pinigilan ko yung sarili ko na pautangin siya, nakakahiya kaya baka kung ano pa yung isipin nung tao. Antayin ko na lang na siya yung manghiram. Humarap na lang ulit ako sa may bintana para matulog nang maramdaman ko na may tumatapik sa balikat ko.

“Miss, excuse”

“Bakit?”

“Miss baka naman pwede muna ako sa’yo makahiram ng singkwenta, bayaran ko na lang mamaya tutal pareho lang naman tayo ng bababaan”


Mukhang nabasa yata nitong mokong na ‘to yung nasa isip ko ah. Medyo natagalan muna bago ako nagreact. Tinignan ko muna siya saglit sabay kuha ng pitaka ko para ibigay sa kanya yung hinihiram niya sabay sabi:

“Kung bakit naman kasi bibiyahe ka ng kulang ang pamasahe mo. Ngayon ka lang ba pupunta sa Lucena?”

“Pasensiya na miss ha, hayaan mo babayaran talaga kita kahit doble pa nitong hiniram ko. Nakalimutan ko kasi na kumain nga pala ako ng dinner kanina, akala ko naman sakto na yung natira kong pera. Pasensiya na talaga.”

“Sus wala yun, para san pa na magkababayan tayo. Ilang taon ka na ba at mukhang umaatake na ang memory gap sa’yo?”

“Grabe ka naman miss, 27 lang ako, biglaan lang talaga pag-uwi ko kaya ayun hindi ako nakapaghanda. Ako nga pala si Charles.”

“Andrea.. San ka ba sa Lucena?”

“ Ah eh sa…. dun ako malapit sa simbahan sa bayan”

“Ganun ba, malapit lang pala ako sa inyo. Sa bayan din ako bago dumating sa riles”

“Magkapit-bahay pala tayo Andrea noh. Teka ok ka na ba?”

“Ok saan?”

“Ah wala akala ko kasi may problema ka kanina kung makatitig ka parang lagpasan yung tingin mo. Seryosong seryoso ka eh”


Namula ako dun sa sinabi niya. Nakakahiya pala talaga kanina.

“Naku, wala yun para lang kasing familiar ka.”


Marami kaming napagkwentuhan. Mukha ngang buong duration ng biyahe e nagtsitsismisan kami. Single pa pala siya. HR Assistant dun sa kompanya nila. Naitanong ko din kung bakit ganun yung kulay niya, yung hindi mukhang natural. Mountaineer pala siya at yung grupo niya yung nagbabantay sa Mt. Banahaw tuwing mahal na araw. Naakyat na daw nila halos ang mga bundok sa Quezon at kakaiba daw talaga yung experience. Parang lahat daw ng stress at problema sa buhay ay nawalala. Heaven daw yung feeling.

Nagtanong din siya tungkol sa akin. Ako naman si ate comfortable na, kwento ng kwento. Hindi pa yata kami titigil kung hindi kami nawalan ng topic na mapag uusapan. Nasa may San Pablo na kami nun at dahil na rin siguro sa pagod nagdecide na kami na magpahinga muna.

Sunday, March 21, 2010

Namimiss kong madapa at magkasugat;
Namimiss kong kagatin ng lamok at magkamot;
Namimiss kong umiyak kapag may sakit;
Namimiss kong matanggalan ng sintas sapatos;
Namimiss kong mahabol ng aso;
Namimiss kong magsuot ng gusot na damit at
lumabas ng bahay nang may muta pa;
Namimiss kong magbayad ng penalty sa video rental shop;
Namimiss kong umuwi sa bahay na lipang at;
Namimiss kong uminom ng buko juice sa nirecycle na baso ni manong.

Babalik ka pa ba?
Namimiss na kasi kita...
Namimiss ko na rin yung ako nung tayo pang dalawa..

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design