Pages

Monday, March 22, 2010

Part 1

“Uuwi ako..”

“Na naman? Anong gagawin mo dun?”


Madalas ganito ang naririnig ko sa mga kaboardmate ko tuwing ibabalita ko na uuwi ako sa amin at madalas din na hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanila. Naiinis ako kasi wala talaga akong maisip na isagot kundi “gusto ko lang umuwi”.

Tatlo hanggang apat na oras ang itinutunganga o itinutulog ko sa bus bago ako makarating sa amin. Minsan kasi traffic, halo-halo yung mga nakasakay, meaning merong bababa sa bawat bayan na madadaanan papunta sa amin o kaya naman naisip lang ng driver na maging mas maingat nung araw na yun.

Katulad ng gabing ito,mukhang matatagalan ako bago makarating sa amin.Medyo maluwag yung bus, mga anim lang ata yung natatanaw kong ulo sa unahan, sa likod naman nag-iisa lang yung kahon sa dulo, mukhang nag eemote. Naiinip na ko.Siguradong mag aantay pa sila na mapuno ang bus, matumal yata ang customer ngayong gabi. Naiispan ko na lang makinig ng music sa cellphone.

Hindi ko namalayang napaidlip na ako. Mahigit 30 minutes na ang lumipas at medyo nadagdagan na rin ang mga kasama ko sa bus, halos mapupuno na nga. Medyo naeexcite na ko, kasi naman wala pa akong katabi. Paisa-isa na silang sumasakay, kumakabog na yung dibdib ko, pinagpapwisan na rin pati mga kamay ko. Ito ang pinakapaborito kong part tuwing bibiyahe akong mag –isa, yung kilatisin ang makakatabi ko. Hinihintay kong may magtanong sa aking kung maykasama ako o may nakaupo na ba sa tabi ko, pero parang malas ata ako ngayong araw na ‘to. Lumakad ang bus na wala man lang nagtangkang tumabi sa akin.

Nasa may Megamall na kami, nang may pumara sa bus. Nakita ko siya nagtatatakbo papalapit sa pinto, papalapit sa akin. Napatitig ako sa kanya, para akong namaligno.Ang ganda ganda ng mga mata niya.


“Miss, gamit mo?”

“Ay, sori.. wait lang”
(Sabay lagay ng bag ko sa ilalim ng upuan)

Pagkatanggal ko ng gamit, diretso upo na siya sa tabi ko.Tinitigan ko siya, pinag aaralan ko yung kabuuan niya. Well-toned ang katawan, yung hindi naman pang gym na muscle kumbaga yung mukhang healthy na payat. Tapos yung pagkaitim niya parang hindi natural, feeling ko nasobrahan lang sa swimming. Dark jeans, sneakers at green na polo. Nice yung mukha niya, maaliwalas yung dating. Hindi siya yung kagwapuhan pero infairness ang ganda talaga ng mga mata niya. Kakaiba eh, parang nakacontacts yung dating pero hindi naman. Napatitig pa lalo ako sa kanya nung pumikit na siya at aktong tutulog nang mapalingon siya sa akin.

“Miss, may problema ba? Kanina ka pa kasi nakatingin.”

“Ah eh.. wala naman. sensiya na”


Nairita ako, medyo may kasungitan pala ‘tong katabi ko. Pasalamat siya, maganda yung mata niya. Pinili ko na lang tumingin sa may bintana kasi napahiya din ako sa nangyari at nagdecide na matulog na lang. Hindi pa man ako napapapikit ay narinig ko na ang kanyang paghilik, mukhang pagod na pagod ata yung mokong at feel na feel ang pag-hagok. Napatawa na lang ako habang tinitignan ko siya. Hindi ko maiwasang hindi siya tignan eh. Ewan ko ba, parang may something about sa kanya.

Naputol ang pagtitig ko sa kanya ng gisingin siya ng konduktor.

“Boss, san ka?”

“Lucena”


Pareho pala kami ng pupuntahan. Mukhang matatagalan ata ako sa pagtitig sa kanya. Gusto ko sana siyang kausapin, pantanggal inip lang habang nasa biyahe lalo na’t hindi ako dalawin ng antok. Tila dininig naman yung gusto ko dahil nagkaron sila ng diskusyon nung konduktor nang magsimula na itong maningil ng pasahe.

“ Bossing, baka naman pwedeng 180 muna ang ibayad , sa terminal ko na ibibigay yung kulang magwiwithdraw pa kasi ako.


“Naku, hindi pwede.Pati pamasahe eh ginagawa niyo ng installment”

“Eh bossing…”


“Kung gusto mo ibababa ka na lang naming kung hanggang san aabot yang pambayad mo. Sumakay ka na lang ulet sa ibang bus pag may pamasahe ka na”, sbay lipat ng konduktor sa pasahero sa unahan.


Napansin ko na di siya mapakali sa kinauupuan niya, sa isip isip ko na lang baka importante yung pakay niya dun kaya hindi na siya nakakuha ng pera. Kahit naaawa ako sa kanya pinigilan ko yung sarili ko na pautangin siya, nakakahiya kaya baka kung ano pa yung isipin nung tao. Antayin ko na lang na siya yung manghiram. Humarap na lang ulit ako sa may bintana para matulog nang maramdaman ko na may tumatapik sa balikat ko.

“Miss, excuse”

“Bakit?”

“Miss baka naman pwede muna ako sa’yo makahiram ng singkwenta, bayaran ko na lang mamaya tutal pareho lang naman tayo ng bababaan”


Mukhang nabasa yata nitong mokong na ‘to yung nasa isip ko ah. Medyo natagalan muna bago ako nagreact. Tinignan ko muna siya saglit sabay kuha ng pitaka ko para ibigay sa kanya yung hinihiram niya sabay sabi:

“Kung bakit naman kasi bibiyahe ka ng kulang ang pamasahe mo. Ngayon ka lang ba pupunta sa Lucena?”

“Pasensiya na miss ha, hayaan mo babayaran talaga kita kahit doble pa nitong hiniram ko. Nakalimutan ko kasi na kumain nga pala ako ng dinner kanina, akala ko naman sakto na yung natira kong pera. Pasensiya na talaga.”

“Sus wala yun, para san pa na magkababayan tayo. Ilang taon ka na ba at mukhang umaatake na ang memory gap sa’yo?”

“Grabe ka naman miss, 27 lang ako, biglaan lang talaga pag-uwi ko kaya ayun hindi ako nakapaghanda. Ako nga pala si Charles.”

“Andrea.. San ka ba sa Lucena?”

“ Ah eh sa…. dun ako malapit sa simbahan sa bayan”

“Ganun ba, malapit lang pala ako sa inyo. Sa bayan din ako bago dumating sa riles”

“Magkapit-bahay pala tayo Andrea noh. Teka ok ka na ba?”

“Ok saan?”

“Ah wala akala ko kasi may problema ka kanina kung makatitig ka parang lagpasan yung tingin mo. Seryosong seryoso ka eh”


Namula ako dun sa sinabi niya. Nakakahiya pala talaga kanina.

“Naku, wala yun para lang kasing familiar ka.”


Marami kaming napagkwentuhan. Mukha ngang buong duration ng biyahe e nagtsitsismisan kami. Single pa pala siya. HR Assistant dun sa kompanya nila. Naitanong ko din kung bakit ganun yung kulay niya, yung hindi mukhang natural. Mountaineer pala siya at yung grupo niya yung nagbabantay sa Mt. Banahaw tuwing mahal na araw. Naakyat na daw nila halos ang mga bundok sa Quezon at kakaiba daw talaga yung experience. Parang lahat daw ng stress at problema sa buhay ay nawalala. Heaven daw yung feeling.

Nagtanong din siya tungkol sa akin. Ako naman si ate comfortable na, kwento ng kwento. Hindi pa yata kami titigil kung hindi kami nawalan ng topic na mapag uusapan. Nasa may San Pablo na kami nun at dahil na rin siguro sa pagod nagdecide na kami na magpahinga muna.

5 comments:

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design