“ Uuwi ako”
“Wow himala naisipang mong umuwi. Anong gagawin mo dun?”
Anim na buwan na ang lumipas mula noong umuwi ako sa amin . Hindi ko pa rin alam kung ano ang isasagot ko sa mga kaboardmate ko, pero wala na akong inis na nararamdaman sa sarili ko kasi naiintindihan ko na.
Malamig ang gabi, mukhang maraming sakay ang bus. Pumuwesto ako sa bandang dulo malapit sa may bintana. Malapit ng umalis ang bus pero wala pa rin tumatabi sa akin. Kumakabog na yung dibdib ko, pinagpapawisan na rin ang kamay ko. Dumadaan lang sila sa pwesto ko pero tila mailap yata ako ngayon sa katabi. Umandar yung bus na mag-isa lang ako.
Pagdaan sa may Megamall, naalala kita. Yung payat na tumatakbo papunta sa pinto papalapit sa akin. Napangiti ako sabay nakadama ng lungkot sa pangyayaring iyon. Tumingin na lang ulit ako sa may bintana para hindi nila na umiiyak na ako.
“Miss, yung gamit mo”
“Ay, sori.. wait lang”
Parang deja vu yung nagyayari. Parang re-enactment lang nung naaalala ko. Ginaya ko na lang yung sinagot ko noon kay Charles. Wala lang, katangahan siguro. Nakatungo akong kinuha yung gamit sabay lagay sa ilalim ng upuan. Babaling na sana ako nang abutan niya ako ng panyo.
“O umiiyak ka na naman. Tahan na, andito na ko”
Napatawa ako sabay yakap sa kanya.
“Yakap ka ng yakap diyan pano pala kung hindi ako ito”
“Basta. Alam ko naman na ikaw yan e. Charles sorry ha kung natagalan bago ako nagpakita. Sinabi sakin ng kapatid ko na lagi ka daw pumupunta sa bahay kaya hindi muna ako umuwi sa Lucena. Nalilito pa kasi ako eh, marami pa rin akong tanong sa sarili ko na hindi ko masagot”
“ At ngayon Andrea, nasagot mo na ba lahat sila? OK ka na ba?”
Tumitig ako sa kanya, yung titig nung huli ko siyang makatabi sa bus.
“Oo Charles ok na ko. Alam ko na rin kung bakit ako umuuwi, kung bakit kumakabog yung dibdib ko, pinagpapawisan yung mga kamay habang inaantay ko yung taong makakasabay ko sa biyahe. Kasi siguro hinahanap din kita, ikaw rin yung hinihintay ko. Siguro nga malakas ka sa taas kaya kung may anong pwersa na nagtulak sakin papunta sa’yo. Noon hindi ko masagot yung mga kasama ko kung bakit ako laging umuuwi pero ngayon alam ko na kung bakit”
“Bakit ka nga ba umuuwi Andrea?”
“Bakit ako umuuwi? Para tanggapin yung pinakaimportanteng regalo Charles, yung kaligayan ko at ikaw yun. After ng nangyari sa amin nung ex ko, naisip ko ayoko na. Sinarado ko na yung puso ko kasi natatakot na ‘kong masaktan. Nung makilala kita at marinig yung mga sinabi mo, natakot lalo ako. At napakaimposible rin sa akin na isipin na dito ko matatagpuan yung kaligayahan ko pero siguro nga ito yung way Niya para ipaalala sa akin na walang pinipiling lugar o pagkakataon ang pagmamahal. Dumadating ito ng di mo inaasahan at nasa sa iyo na lang kung paano ito i- eembrace. Finally, I accepted that it was you”
Hinintay ko siyang umimik ngunit wala siyang nasabi. Mahigpit na yakap na lamang ang kanyang naitugon. Ang yakap na siyang nagsimula ng panibagong paglalakbay para sa aming dalawa. Hindi na ako bumibyaheng mag isa pero nararamdaman ko pa rin ang kabog sa aking dibdib sa tuwing makakatabi ko siya. Iba kasi talaga ang hatak niya. Parang namamagnet ako tuwing titingin siya akin. Nanunuot sa buo kong kong pagkatao ang kanyang pagmamahal at assurance na kailanman ay mananatili siya sa tabi ko.
****
Alam kong kahit nandyan ka na Charles, inaalala mo pa rin ako. Palagi kong iniisip kapag tumitingin ako sa kalangitan na mga mata mo ang tinititigan ko. Nadarama ko pa rin ang iyong pagbabantay lalo na kina Charels at Andrew. Ipanatag mo ang loob mo, aalagaan at mamahalin ko sila katulad ng pagmamahal mo sa akin. Ikukuwento ko rin sa kanila ang paglalakbay natin patungo sa isa’t isa. Sa totoo lang, namimiss na kita Charles, pero wag kang mag- alala hindi na ako umiiyak. Ok na ko.
I LOVE YOU Charles!
Tuesday, March 23, 2010
Part 2 (kabuuan) - ENDING
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
romansa sa bus ang dapat na title nito.. haha
ReplyDeletekabilis nagkainlaban.. hehehe
hayaan mo pag iisipan ko yang suggested title mo..hehe
ReplyDeletehaha luv at first sight daw ih...tagal din nag antay ni Charles...
hehe kayo pa? kala ko pa naman ikaw na ang soulmate ko..haha
ReplyDeleteTange ka,ndi ko nga sabi istorya yan..isang taon na kong di bmbyahe...haha
ReplyDeleteLove it...
ReplyDeleteTnx at nagustuhan mo Mariz ^_^ Mukhang gaganahan pa lalo akong magsulat nito...
ReplyDeleteweee... ang danda danda... tutuo pu bang nanyari yan? :D
ReplyDeletefiction po ulet :P
ReplyDelete