Pages

Monday, March 22, 2010

Part 2 (kalahati)

“Andrea…Andrea… Huy gising na, andito na tayo!”

Napabalikwas ako sa pwesto ko sabay takip ng panyo sa bibig” Nahalata yata ni Charles kasi bigla siyang napatawa.

“Huwag kang mag –alala hindi tumulo yung laway mo at kung tumulo man kanina ko pa yan napunasan. hahaha Akina nga yang gamit mo, tara na baba na tayo.”


Pagbaba namin sa bus dumretso agad kami sa malapit na ATM machine. Tumanggi na akong kunin yung bayad pero nagpipilit pa rin siya.

“Sige kung ayaw mo akong singilin, ihahatid na lang kita sa inyo, bayad ko nalang yung makita kang safe na umuwi”


“Wow banat ba ‘yan? Haha Pero sige di ko na tatanggihan yang offer mo tutal naman malapit lang naman yung sa inyo, madami naman tricycle dun sa may amin.”

Kahit medyo pagod, nagdecide kaming lakarin na lang pauwi. Masyado siguro kaming nag enjoy sa company ng isa’t isa kaya ayaw pa naming maghiwalay. Pagdating sa bahay, itatawag ko na sana siya ng tricycle pero sabi niya maglalakad na lang daw siya.

“Ano ka ba, kanina naglakad na tayo, may panata ka ba? Mukhang trip na trip mong maglakad”


Napakamot siya sa ulo. Parang bigla siyang naging uneasy.

“Ano kasi Andrea, uhmm may ipagtatapat sana ako sa’yo. Huwag ka sanang magagalit.”

“ Bakit naman ako magagalit? Ano ba yun?”


“Andrea kasi… hindi naman talaga ako tagarito”

“ANO? E bakit nagsinungaling ka? Pati ba yung mga kinuwento mo hindi totoo? Charles ba talaga pangalan mo? So kaya pala kulang yung pamasahe mo kasi hindi mo naman pala talaga alam kung magkano yung pamasahe. Pambihira!” Tumaas na yung boses ko nun hindi ko kasi magets kung bakit kailangan niya pang gawin ‘yun.

“Charles talaga pangalan ko at lahat ng kinuwento ko sayo totoo maliban nga dun sa tagarito ako. Pasensiya ka na Andrea hindi ko na kasi naiwasan e. Wala na akong maisip na paraan lalo na nung nakatabi ulit kita. Ayoko nang palampasin yung pagkakataon.”

“Ulit? Meaning nakasabay mo na ko dati?”

“OO Andrea nakasabay na kita dati, nakatabi pa nga kita.May hiking kami nun malapit dito kaya kanina konti lang dinala ko pamasahe kasi akala ko hindi ganun kalaki yung difference. Naaalala mo ba kanina nung tinanong kita kung ok ka na? Nung time na yun iyak ka ng iyak, pugtong pugto na nga yung mga mata mo eh. Siguro sa sobrang sama ng loob mo di mo na maalala na pinahiram pa kita ng panyo, siningahan mo pa nga.”


“So gusto mong kunin yung panyo? Sorry ha di ko na kasi alam kung san ko yun nailagay baka nga naitapon ko na.”
Napipikon na ko, sa kanya, sa akin, sa pangyayaring yun na kinukwento niya. Kapag naalala ko kasi hindi ko maiwasan na hindi masaktan.

“Hindi yung panyo yung binalikan ko kundi ikaw. Alam mo ba gusto kitang isama nun sa hiling namin. Gusto ko kasi mawala yung sakit na nararamdaman mo. Baka kako makalimutan mo yung tao o yung dahilan kung bakit pumapalahaw ka sa bus.”

Bumalik sa akin yung moment na yun. Nagbreak kami ng boyfriend ko, actually fiancé. Malapit na kaming ikasal nun, pero sinugod ako ng bestfriend niya telling me that she’s pregnant at yung ex ko ang ama. I confronted my boyfriend at sa reaksyon na nakita ko sa mukha niya, totoo nga na nabuntis niya. Dahil sa sakit at kahihiyan, umuwi ako sa amin at doon nagpagaling. Dalawang taon na ang lumipas, pero iba pa rin yung epekto sa akin nun.

“Andrea wag ka ng umiyak. Hindi ko sinsadaya na ipaala pa sayo yung nangyari. Pero simula kasi nun hindi na kita makalimutan. Tuwing magkakaron kami ng hilking sa Quezon, ikaw yung naiisip ko. Lagi kong hinihiling na ikaw yung makatabi ko sa bus. Gusto kong malaman kong ok ka na. Kumakabog yung dibdib ko habang nag aabang ng magtatanong sa akin kung may kasama ba ako o may katabi na. Hindi ko maipaliwanag pero hinahanap kita, hinahahanap ka ng puso ko.”


Speechless ako sa sinabi niya. Mixed emotions. Hindi ko alam kung paano magrereact sa kanya.

“Sige na isasakay nalag kita, ipapahatid na lang kita sa terminal”


Kitang kita ko yung panlulumo sa kanyang mga mata habang sumasakay sa tricycle. Kaya lang wala talaga akong magawa. Parang hinigop niya lahat ang lakas ko ng mga panahong iyon. Pumasok na ko sa bahay, dala yung gamit ko habang iniiisip yung mga narinig ko sa kanya.

8 comments:

  1. Love at first sight?
    Gosh! di ko kinaya yung courage ni fafa Charles hah! Kilig ako.

    ReplyDelete
  2. kahit ako kinilig din kay Charles... Bukas p0st ko ang ending..tnx sa pgbisita

    ReplyDelete
  3. lupit a..

    may kissing scene sana na madami. hehe

    ReplyDelete
  4. hahaha naku panjo mejo nahihirapan pa ko kung pano ko isusulat yung mga ganong eksena...magpapraktis muna ako..


    ...magsulat sa papel! LOL

    ReplyDelete
  5. hehehe

    u min madalas kayo magkita?
    wow..
    sarap siguro mahalikan..

    ReplyDelete
  6. loko di ko istorya yan ^_^

    wow never been kissed panjo? I doubt it..LOL

    ReplyDelete
  7. oo never pa ulit ako nakakatikim ng first kiss...



    testingin pa.. haha

    ReplyDelete
  8. Hahaha 'never pa ulit'? Auz ka na...


    Parang pabango ah may tester...

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design