Sunday, March 6, 2011

Dear YOU



Ok ka pa ba? Nagkatuluyan ba kayo o halinhinan na lang sa pag-aalaga kay utoy? Naalala lang kita, dahil kasi sa'yo  muntik na akong hindi makapagtapos ng college buti na lang naliwanagan ako este ang nanay ko pala. Buti na lang....

Kayo pa rin ba ng mama mo? Siguro sweet pa rin kayo sa isa't isa. Sana naman,  para mabigyang katarungan yung pakikipaghiwalay mo sa akin para sa kanya. Buti na lang nakipaghiwalay ka atleast alam ko ang pakiramdam. Buti na lang...

Siyanga pala may bayag ka na ba? Naaala ko kasi dati parang wala. Actually hindi ko naman talaga sigurado kung meron talaga o wala. Palagay ko lang yun. Pero buti na lang hindi ko inaalam baka kasi ngayon kahit may anak na tayo hindi pa rin ako kilala ng magulang mo. Buti na lang...

Asan ka na ba? Last time kasi tayong magkatext, sinabi ko hiwalay na tayo na at wag ka nang magpaparamdam. Si tanga, sinunod nga. Hindi naman sa namimiss kita. Ikaw lang kasi yung pinakamatagal. Ngayon napatanuyan kong hindi nga sa tagal ng relasyon nasusukat ang kung anumang yun na sinusukat ng iba. Buti na lang...

May himig mang pagtatampo pero sige na nga tampo talaga ako.  Kasi naman , hindi ka na nga nagpakita, namatay ka pa. Ang saklap lang di ba? Walang closure. Hindi tuloy kita maikwento, kasi ang alam ko lang yung simula , pero yung dahilan ng katapusan hanggang ngayon clueless ako. Pero uulitin ko, buti na lang ganun ang nagyari kasi...
 
Kung tayo ang nagkatuluyan sigurado hindi ko SIYA makikilala.
 
Kaya naman beh, papa, bossing, bhe at dy, isang malaking THANK YOU.

Sana'y katulad ko, siksik, liglig at nag-uumapaw ang iyong lovelife.



Nakaalala lang, 
beh, mama, bossing, bhe at my


P.S.

Siya nga pala. Hindi kami...Hindi pa... Maaaring hindi rin maging kami. 

Pero masaya ako.Lalo na't hindi pa siya ang pinatutungkulan ko sa sulat na ito.
 
Iniinggit lang kita. Sorry naman.





6 comments:

  1. sana mainggit siya ng todo :)

    ReplyDelete
  2. sino kaya ang iniinggit mo? hahaha

    ReplyDelete
  3. hhahhaa..thanks sa post..na enjoy ako pagbasa..buti nalng ngvisit ako, kng hindi di ako maaaliw..buti nalang...

    ingats!!goodluck:)

    ReplyDelete
  4. deds na ba sya? o sadyang di na nagparamdam?

    ReplyDelete
  5. Hmmm. Ex mo walang bayag? ahaha. Totoo ba to? wew.

    good thing may bago ka na. hehehe. check mo na kung may bayag. hehe.

    ReplyDelete
  6. hehe. ano ba yung sinusukat ng iba? astig nito ah!

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design