Andiyan na naman si Toby. Siguradong ako na naman ang pupuntahan nito.Kunwari mag-si CR na naman ang dahilan nito kay Mr. Herrera para makalabas.Sakto naman wala kaming teacher ngayon. Ang galing lang tumayming.
Wala naman akong problema kay Toby. Mabait siya tsaka gentleman. Kahit noon na hindi pa siya nanliligaw hindi ko man lang siya nakitaan ng kagaspangan sa pag-uugali. Marami ngang nagkakacrush sa kanya sa batch namin kaya nga nagtataka ako kung bakit ako pa ang napagtapunan niya ng atensyon. Hindi lang atensyon ang sobra niyang ibinibigay. Pati yung paninda nilang puto pao, lagi akong may rasyon. Iniisip ko nga siguro galit na sa akin ang nanay nun kasi naman laging bawas ang kita nila. Hindi ko naman siya matanggihan, kasi una nakakahiya di ba effort yung tao tsaka pangalawa, masarap kasi yung puto pao nila. Hinding hindi mo talaga tatanggihan.
Pero kahit gaano kabait si Toby at ganun kasarap ang puto pao nila, hindi pa rin kami bagay. Alam ko yun agad, nung magtapat pa lang siya. Madali lang namang malaman yun e. FLAMES HOPE CAMEL lang.
Paano ko ba siya babastedin? Hindi pa ba sapat yung sulat na ibinigay ko sa kanya para maintindihan niyang wala na siyang pag-asa. Crystal clear naman yung resulta may explanation pa nga, ano pa bang kulang?
T O B Y S A N B U E N A V E N T U R A = 11 E (enemies) P (wede) C (rush)
_____________
18 S (weetheart) O (o) M (arriage) = ANGRY
O di ba wala kaming future together?? So bakit patatagalin ko pa. Hindi naman ako abusada. Kaya ko namang bumili ng puto pao at siguro makakahanap din ako ng ibang guy na katulad ng qualities ni Toby. Nanghihinayang ako kaya lang walang magagawa. Hindi umayon ang resulta.
Papalapit na si Toby. Ang nakakapagtaka parang hindi siya malungkot, nakangiti pa nga ata.Ano ba namang klaseng tao 'to lagpas sa langit ata ang fighting spirit.
"Abigail, puto pao o. Bigay ni nanay."
"Toby hindi mo ba natanggap yung sulat ko?"
"Natanggap ko, nakakatawa nga eh"
"Natatawa ka pa dun? E hindi nga tayo bagay."
"Hindi naman ako naniniwala sa Flames Flames na yan eh. Isa pa pangalan lang yun. Hindi mo naman pinili yun sa simula, iyon lang ang naisip ng mga magulang mo na ibigay sa'yo. Ang mahalaga kung ano yung pagkatao sa likod ng pangalan na iyon. Sincere ako sa'yo Abi. Sana naman pagbigyan mo kong ipakita yun sa'yo"
"Pero..."
Matagl din akong nag-isip. Siguro nainip na rin siya. Bago magpaalam ay may dinukot muna siya sa kanyang bulsa.
"Sige kung hindi ka naniniwala, tignan mo na lang 'toh."
Ibinalik niya sa akin ang sulat na ibinigay ko kanina. Sa likod ay may nakasulat. Napangiti na lang ako. At kinilig at the same time.
"Sori ha, nagkamali ako"
"Ok lang Abi. Naiintindihan ko naman eh. Pwede na ba kitang ihatid mamaya?"
Tatanggi pa ba ako nito? Malay mo nga naman may future pala talaga kami. Isa pa napatunayan na naman niya yun sa sulat niya.
"Uhmmm sige."
Muli kong tinignan ang papel na bigay niya. Katulad ng isinulat ko ay nag FLAMES HOPE CAMEL din siya. Mali nga naman ako. Mali ako ng spelling ng pangalan niya.
T O B I S A N B U E N A V E N T U R A = 12 S (weetheart) E(wan) A (ngry)
________________________
21 A (ngry) H (indi) C (rush) = SWEETHEART
ayon naman pala e.... sweetheart naman ang result kaya pagbigyan na si tobi. :D
ReplyDeletemay second chance pala eh. hehehe. makapag flames hope camel nga din heehehehe
ReplyDeletehaha natuwa naman ako sa flames. ung hope naabutan ko pa. pero masyado naba akong matanda hindi ko alam yang camel na yan? haha!
ReplyDeleteaaralin ko muna ulit kung pano. mukha namang reliable haha!
go na kay tobi! :P
Bakit ganun? FLAMES lang ang alam ko dyan sa tatlong yan. Siguro yan ay dahil sa otsenta anyos na ako haha!
ReplyDeleteayon naman pala eh.. sa susunod eh check the spelling hahaha..
ReplyDeleteflames lang ang alam ko..hope camel.. di ko lam hehehe..
di ko gets ung result ng flames hope camel bakit nagkaganoon. lol
ReplyDeleteNaalala ko ang elementary at highschool days all over!!! :)
ReplyDeletewala akong mantindihan. hahaha
ReplyDeleteAng cute ng story. Hihi. Kaya lang nakalimutan ko na kung paano yang FLAMES na yan. hehe.
ReplyDeleteI-FLAMES mo nga ang pangalan natin. Trip lang. Send mo saken ang result. haha. :D
ang cute cute naman hehehe palakpakan hehee :b
ReplyDelete:angel hindi ako naniniwala sa flames dti nga yan ang ginagawa namin eh wala lang naman
ReplyDelete