Lagi na lang bumababa ang isa kong paa. Hindi ko mabalanse. Tatapak pa lang ako sa pedal pakiramdam ko sesemplang na ko sa kalsada. Nakakahiya pag nangyari yun.. Makikita ng mga kapitbahay at tsaka siyempre ni Brennan.
“Pagbilang ko ng tatlo bibitawan na kita ha?”
“Wag natatakot ako. Baka mamaya malaglag ako eh”
“E pano ka matututo? Halos lahat naman nalalaglag pag nag-aaral magbisikleta.”
“Hindi ba ako pwedeng maiba?”
“Ano ka alien? Hala sige padyak na.”
Kanina pa kami nakabilad dito sa initan pero bakit ganun hindi siya nag-aamoy araw. Ano kayang pabango ang ginagamit ni Brennan. Nakakailang tuloy, baka kaya nagmamadali na siyang matapos kami dito e iba na ang amoy ko.
“Huy Hanna sakay na!”
“Nakasakay na”
“Aba e pumedal ka na, pano ka aandar niyan.”
“Kapitan mo muna ha”
“Oo na sige na, kakapit na”
Di ko masasabi na magkababata kami ni Brennan bagamat nasa isang bayan lang naman kami tuwing bakasyon. Sila kasi ng pinsan ko ang madalas magkasama. Taga- Maynila din siya pero malayo sa amin kaya naman sito lang kami nagkikita.
Matagal ko na siyang gusto, una pa lang na ipakilala ako sa kanya ng pinsan ko. Habol tingin lang ako sa kanya noon kasi nga magkaiba naman kami ng ginagawa. Kaya naman ng magkaroon ako ng chance na makasama siya ay hindi ko na pinakawalan. Ilang bakasyon niya na rin akong tinututruan at hindi pa rin ako matuto-tuto. Paano ba naman hindi sa pagbibisikleta ang pokus ko kundi sa kanya. Mas matagal akong matuto, mas matagal ko siyang makakasama.
“Slow learner ka pala Hanna”
“Ang yabang mo naman, eh sa kulang yung praktis natin nung nakaraang bakasyon eh”
“Hindi mo kasi pinagpatuloy kahit may pasok”
“E natatakot nga kasi ako. Teka, ayaw mo na ba akong turuan?”
“Kung di ko lang barkada pinsan mo eh. Asan na ba yun?”
“B…aka bukas pa dumating. May exam pa kasi ngayon kaya nauna na ako.”
“Ah ganun ba, akala ko kasi siya yung nakita ko kanina.”
“Ha?”
“Wala.”
Muli kong tinipa ang pedal ng aking bisikleta. Unti-unti ay umuusad na ako, ang sarap hangin na humahampas sa aking mukha. Sana ganito na lang palagi yunglahat ng bagay at lugar na daanan ko ay maganda. Ganito nga yata ang pakiramdam pag kasama mo ang iyong minamahal, kapag kasama ko si….
“Brennan??”
Lumingon ako sa aking tabi. Wala na siya. Lumingon ako sa likuran at doon ay nakita ko siya na kumakaway at nakangiti. Tuwang-tuwa ang sira ulo dahil sa wakas ay marunong na ako. Kung alam lang niya….
Dahil matagal akong nakatitig sa kanya ay hindi ko napansin ang batong nakaharang sa aking dinaraanan.
“Hannnnnnnaaaaa..”
Isang malakas na sigaw ang aking narinig bago ako tuluyang sumemplang. Napapikit na lamang ako at napangiwi sa sakit pagbagsak ko sa daan.
“Hanna ok ka lang?”
“Ok lang ako Bre…”
Pinsan ko pala. Kinabahan na agad ako. Dali-dali akong tumayo at inayos ang aking damit. Baka mabuking ako kay Brennan.
“Ok lang ako. Tara uwi na tayo.”
“Ano ba kasing ginagawa mo ha? Di ka tumitingin sa dinadaanan mo?”
“E kasi…”
“Oi Brennan andiyan ka pala. Kanina pa kita hinahanap. Kadarating ko lang.”
“Kuya, uwi na tayo…”
“E pare tinuturuan ko kasi si Hanna magbike.”
Ayun na. Nagsimula na akong mamula.
“Magbike?”
“Oo pare, ba’t takang taka ka e ilang bakasyon ko nang tinuturuan ‘tong pinsan mo”
“Kuya kasi tara na…”
“Hahaha. Naloko ka naman. Uto-uto ka talaga kahit kelan Bren. E marunong na ‘to, nagpapraktis yan after nung last na punta namin dito. Kung san-san na nga yan nakakapunta. Nakakalabas na ng village. Di ba Hanna??”
Hindi ako makapag-angat ng mukha. Hiyang-hiya ako kay Brennan. Pahamak kasi ‘tong pinsan ko eh. Ok na sana …
“O..oo”
Katahimikan.
“Kuya, mauna ka na, dalhin mo na ‘tong bike. Sabay na kaming uuwi ni Brennan, magpapasama pa ako sa kanya”
“O sige basta umuwi ka din agad baka hanapin ka ni tita. Malalagot ako.”
“Sige.”
Minasdan namin ang pag-alis ng aking pinsan. Hindi pa rin siya umiimik kaya naman ako na ang nagsimula.
“Brennan pasensya ka na..”
“Bakit?”
“E kasi nga marunong na naman akong magbi…”
“Bakit mo yun ginawa?”
Parang umurong ang dila ko. Kailangan ba talaga akong magtapat sa kanya? Dobleng kahihiyan naman ang mangyayari pag nagkataon. Sumemplang na nga mapapaamin pa.
“E kasi….”
Nag-iinit na ang aking mukha sa kahihiyan. Wala akong mabasa sa mukha niya na kanina pa titig na titig sa akin. Pakiramdam ko nung mga panahon yun eh babagsak na ang mga luha ko.
“E kasi…Brennan..gusto… Basta, sorry. Hayaan mo di na ko magpapakita sa’yo. Sorry talaga.”.
“Marunong ka bang lumangoy?
Ano daw??. Swimming? Weird. At nakuha pang ngumiti nitong lalakeng ‘to.
“Ha? Hindi eh. Bakit?”
“Magkita tayo bukas, tuturuan kita. Kumapit ka na lang sa’kin iika-ika ka na dyan eh.”
Naguguluhan akong napakapit sa kanya. Matutuwa ba ako nito o ano? Maya-maya pa ay pasipol-sipol na si Brennan.
“E magbasketball?”
“Ha?”
“Kung marunong ka?”
“Hindi.”
“Sige turuan din kita.”
“Ok.”
“E tirador?”
“Panlalaki kaya yun.”
“Kung marunong ka nga”
“Hindi.”
“ Tuturuan kita.”
“Tumambling?”
“Oo naman.”
“Matatagalan pa ba kayo dito Hanna?”
“Hindi ko alam e”
“E magluto?”
“Anong magluto?”
“Kung marunong ka?”
“Medyo. Bakit?”
“E kasi mapapadalas yata ako ng punta sa inyo….”
ang sweet ah. heheheh. post mo na ung kasunod :)
ReplyDeleteSo sila na? Hehe...
ReplyDeleteso kilig. ituturo nia ang lahat:p
ReplyDeletenakanaks. :D
baka pati pag_______ ituro :p
.
(Pag-yosi/pag-inom) wahahaha
naks naman!
ReplyDeletenakakagigil nakakakilig.. weeeehh!! :) sana ganyan na lang lahat ng crush sa buong wide world..
ReplyDeletehala bitin... grrh... naiimagine ko na eh.. sabay bitin.. anuver!!!
ReplyDeletehong swit swit nomon nito.... saka pareho pala tayo ng title ng blog! apir! :D
ReplyDeleteEYEEE. Hangsweeeeeeeeeeeeet nomon! :D
ReplyDeleteayeeih// :h
ReplyDeletepd ka ng mging author sa precious hearts hehehe :e
ReplyDeletehehehhehe!!! I so love this sissy! Kinilig ako sa simpleng mga diskarteng ganito!
ReplyDeleteThat's an awkward scenario for a girl but the guy did justice :) kilig!
ReplyDeletehehe. yun naman pala eh. tuturuan ka niya ng maraming bagay. tingin ko marami rin siyang matututunan sa'yo. at higit sa lahat, matututo kayong magmahal pareho. naks. natutuwa ako sa kwentong ito.
ReplyDeleteda moves!!!
ReplyDeletehi nakikibasa lang..
cutiee!!! :D
ReplyDelete