Pages

Monday, January 16, 2012

My First Baby :)



Last year, naisipan ko lang naman na regaluhan ang sarili ko para sa Pasko, loser much? Hindi naman. I think of it as a reward for myself dahil nakaraos ako ng isang taon na buong buo :) At ang napili ko ngang regalo ay isang toy camera.

Wala akong idea tungkol dito at hindi rin naman ako expert sa pagkuha ng picture. Kaya lang nainlove ako sa itsura niya. hahaha Sabi pa ni bulakbolero nung minsan kung nagagandahan lang daw ako, wag ko ng bilhin kasi sayang lang di ko naman gagamitin. Pero dahil likas na matigas ang ulo ko at once na set na yung utak ko sa isang bagay, gagawa ako ng paraan makuha siya. Kahit pa ako yung bubuo sa camera. ^_^

Yep, its a DIY (do-it-yourself) camera. Ito siya nung makuha ko:




At ito naman siya pagkatapos ng... hmmmm sabihin na nating mga dalawang oras na pagkakalikot, pagscrew,pag unscrew, pagscrew ulit,  pagbaklas, pagbalik etc. Update ko mamaya itong post para dun sa video habang ginagawa ko siya (remembrance lang ^_^).



Meet my first baby, Luna :)


After ko siyang mabuo, alam ko na ang next step. Test shots. Para malaman kung gumagana ba si Luna. Bumili ako ng tatlong rolyo ng film at nagsimulang kumuha. Sa loob ng opis, sa labas, sa banyo. Oo kahit saan na maisipan ko. Ang hirap kayang mag-ubos ng 72 shots. :)) 

Tapos syempre dahil film ang ginamit ko, kailangan ko itong ipadevelop. Akala ko mahal yung magagastos ko kasi sa research ko konti na lang nagpprocess ng film dito tsaka yun nga mahal. Pero ayun nung makuha ko na yung result, nagrefund pa ko. Kasi ... kasi... walang lumabas na kahit anu dun sa film. Iyak na ko eh. Tinabi ko muna sa Luna. Heartbroken :(

Pero mga ilang araw lang, hindi na ako mapakali. Gusto kong malaman kung anu yung mali. Kaya naman bumili ako ng film. Isang rolyo lang (wag kasi masyado excited). At naisipan kong picturan yung harapan ng bahay namin. Konting ingat sa pag-ikot sa kasunod na frame, sa pagklik (di ko alam tawag eh) at sa pagrewind. Manual nga pala yan lahat kaya spell eyfort talaga :)

Pagbalik ko sa photo shop, sabi ko agad "ano wala ba?" Syet si ate lumapit dun sa kasama tapos sabi " ito ba yung walang laman?". May gulay, wala na naman huhuhuhu

Nabuhayan na lang ako ng loob kasi pag-abot sakin ni ate ang sabi "may walong nakuha, kunin mo na lang yung refund". YEY! Gumagana si Luna.






Konting research at experiment na lang, alam ko makukuha ko rin ang perfect shot :)








17 comments:

  1. ang kyut naman ni Luna! retro na retro ah! niiice! :D

    ReplyDelete
  2. ang cute naman nyan...inaassemble pa e no. hehe

    ReplyDelete
  3. dahil mo si Baby Luna sa ating meet up lol...
    ang kyut,,,,shaks vintagishhhhhh i lurve it

    -Unni-

    ReplyDelete
  4. Ang gaganda ng mga pictures, walang katulad.

    Joke ba koment ko o hindi? Lol

    ReplyDelete
  5. hak mali pa na type ko lol
    excited much?
    **DALHIN yan dapat di dahil puhaha sorry namen

    -Unni-

    ReplyDelete
  6. lahat ng camera maganda kapag iniexperementuhan parang walang silbi rin ang manual. Mas maganda kung kinakalikot. Art kalalabasan. Pero iba talaga itong laruan mong ito. Pangarap ko to eh. Kita mo naman yung kuha panalo.

    ReplyDelete
  7. my nbsa ako na isang article about sa diy cam, na mas mkakamura at exciting yun result unlike sa digicam na pagka take mo ng photos mkikita mo kagad un result unlike sa ginagmitan mo ng film at mas ngiging mpili k sa mga subject n kukuhanan mo at lalo k ngiging excited to see those result!
    gudluck to ur new baby!

    ReplyDelete
  8. Ay ang kyut ni Luna.. :D at kelangan pala muna iassemble. weee! I like.. gusto ko rin ng ganyan. :D

    ReplyDelete
  9. naks, ganda naman ng camera mows.

    film rolls talaga to? as in like the old versions? pano mo iuupload sa pc?

    ReplyDelete
  10. hong gondo ng kuha.. VINTAGE!.... pede ibenta.. hohohoho... at si LUNA... parang robot... hihihihih... ang cute...

    mmmmm.. bakit kaya laging babae ang ipinapangalan sa gamit.. (kotse, bangka, etc).. wla lang... hehehehhe... :D

    ReplyDelete
  11. Ang porma nga ni Luna eh. Parang transformers. Compliment yun ah? LOL. I wanna have one! Tsaka may napanood ako sa Pinoy TV na old-style camera na ganyan ang ganda ng mga nakukuha. Kaya magandang investment din yan, bright side na lang. Hahaha.

    ReplyDelete
  12. magagamay mo din yan ate mads ...

    mukang exciting yan ... nainggit ako..hehe

    ReplyDelete
  13. wow, diy! galing naman! vintage effect pa! winner ka baby luna!!!

    ReplyDelete
  14. Luna is beautiful! Ang gaganda din ng mga lomo shots mo.

    ReplyDelete
  15. hanganda ng camera. parang Black Bird Fly :) Gusto ko din ng sinaunang TLR cam.

    ReplyDelete
  16. probinsyano nga me..di ko alam na me ganyang cam na inaassemble...ayos rin ah..parang lego ^^ hihi...at ayos naman ung shots ah..parang lomo photography lang ^^ Hello Luna

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design