Pages

Tuesday, January 31, 2012

Lagaw kita sa Iloilo =)

Wala pa po ako dun. Papunta pa lang. :D Salamat sa kapatid ni opismate, finally makakapunta na rin ako ng Iloilo. :D

Last year, pinadala sa akin ni opismate ang itinerary at (posibleng) budget namin para sa trip na ito.


Yown, dalawang araw lang naman akong magpapagulong-gulong sa buhangin at magpapasunog kay haring araw bago maglibot sa city proper. Shaks walking uling ako nito malamang. hahaha Wish ko lang makilala ko pa sarili ko pag-uwi.

At dahil may itinerary na, feeling ko wala man lang akong contribution sa trip na ito. Kaya naman bilang ganti, ay gumawa ako ng aking ILOILO CHALLENGE. Oo ang arte ko lang. LOL

1. Makarating sa airport ng hindi nagtataxi mula sa bahay - Haller Antipolo to NAIA3, ang gastos! Sayang ang miles LOL (See challenge no.3)

2. Magdala ng SUPER LIGHT na bagahe. - Oo wag sanang magaya sa Baguio trip ang bitbit ko. :D

3. Magtipid. - sana ang magastos ko lang ay yung andun sa itinerary.

4. Magkaron ng bagong kakilala. - Ilang oras lang naman akong maghihintay kina opismate dahil mauuna ako sa kanila. Eto na ang chance na magkaroon ng kakwentuhan na taga-doon. :D

5. Walang update sa FB, Twitter at text - tukso layuan mo ako LOL Huwag niyo ko masyadong mamiss ha! :P

6. Macapture yung sunrise at sunset.  - sana magamit ko na yung hihiramin kong camera. Next time ko na bibitbitin si Luna.

7. Snorkeling - matututo ba kong maglangoy dito??

8. Makakain ng:

 - mangga sa Guimaras
 - La Paz Batchoy sa Ted's o Decos'
 - siopao sa Roberto's (anu kayang mas masarap king o queen siopao?)
 - native litson manok sa Tatoy's Manokan
 - BURGER (oo malaki talaga) sa Perri Tod's
 - sizzling Bulalo sa The Mango Tree

9. Kumatok at humiling sa lahat ng simbahan na mapupuntahan. - Bye muna sa bloghopping, say hello naman to church hopping. :D

10. Magsulat ng story either romantic or horror about sa place.  - Yan ang natututunan sa workshop. LOL

11. Mag-uwi ng Ilonggo este salita ng mga Ilonggo (Hiligaynon) pala. - nakita ko lang sa net yung "lagaw". Gusto ko matuto ng iba.

12. Malagyan ng check yung isa sa nakalagay sa bucket list ko. - hulaan niyo kung ano yun :))

13. I-enjoy ang bakasyon. - Kung anuman ang mangyari na wala sa plano, ADVENTURE!


Weeee, ilang araw na lang makikita na kita! Sayted me much! Sana magawa ko lahat yung challenge. :D

14 comments:

  1. Gora! sarap aman yan! kami kaya san magandang mag road trip? hehehhe!! pasalubong ko ha!

    ReplyDelete
  2. Wow ingat kamo diri, gani ingatan mo imo lawas.

    ReplyDelete
  3. yun o di ko damang excited ka masyado! hahahah

    ingat ka ok! God bless

    ReplyDelete
  4. yun o di ko damang excited ka masyado! hahahah

    ingat ka ok! God bless

    ReplyDelete
  5. huwow! nakakainggit naman toh! gusto ko yung no.1 goal mo ha at yung 9 at 10. Lahat na pala. haha. dagdagan mo ng pang 14. ilagay mo "isama sa jhengpot, isilid sa bagahe" hehe :r

    ReplyDelete
  6. nakakahawa naman ang excitement dito.. saya nyan ah..

    enjoy and be safe! :D

    ReplyDelete
  7. wow, mag guiguimaras kayo.

    Gusto ko bumalik ng iloilo para mag guimaras. lols

    ReplyDelete
  8. try mo sa biscocho haus sa iloilo and buy biscocho and butterscotch :) (namiss ko blog mo ate)

    ReplyDelete
  9. try mo sa biscocho haus sa iloilo and buy biscocho and butterscotch :) (namiss ko blog mo ate)


    --- maskman

    ReplyDelete
  10. Punta ka Tatoy's...saka maghanap ka ng baby back ribs...kasarap.

    Magkapitbahay lang sila ni Guimaras ineng.

    Daan ka sa The Trappist.

    ReplyDelete
  11. ganda ng listahan. sana nga magawa mo lahat ng yan. sana makapamasyal din ako kung san san tulad mo sis hahaha ingat sa byahe. =D

    ReplyDelete
  12. Naks.. Tumatravel blogger na din. Hahaha. I-meet mo din si Ate Leah ulit.

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design