Pages

Saturday, January 21, 2012

Openbook

Wala akong ideya kung ano ang ibig sabihin nito pero dahil nakita ko na si Ricky Lee ang magiging guest nila ay naghakot ako ng ilang tao na pwedeng makasama. Buti na lang nauto ko si Essa na sumama at magpareserve ng seat.


Dumating ang Biyernes. Tamad na tamad ako. Pero nakapunta pa rin ako, hahaha secret na lang kung paano nawala ang aking topak . Pagdating namin dun, nakita ko agad siya. Casual lang ang suot tsaka pagala gala lang dun sa resto. Para ngang isa lang sa mga customer.

Lumabas ulit kami kasi daw kelangan pang magparegister. 200 lang ang entrance pero nadagdagan ng 700+. Kasi naman eh, naglagay pa sila ng libro dun, napabili tuloy ako :)) Buti na lang pwedeng magpa-autograph ^_^

Masaya yung event, o mas magandang sabihin na nasiyahan ako. Sobrang nakarelate lang kasi ako sa talk niya. Para ngang gusto ko na lang sumigaw ng, "Wow normal pala ako, ayan ang proof sa harap ko" :)) Marami siyang kinuwento at ito yung ilan sa mga nakuha ko sa kanya:

1.  Ok lang na maging tanga o sa term niya ay maging naive, dahil dito marami kang nadidiscover, maraming surprises at madami kang natututunan.

2. Yung mga eksena sa buhay mo na walang closure o yung mga "bubog" na naiwan dyan sa puso mo eh isa sa mga nagbibigay sayo ng inspirasyon. Pero di naman ibig sabihin na kailangan mong dumaan sa mga ganun, yun eh kung meron lang naman :).

3. Research. Research . Research. Mahalaga talaga ito sa pagsusulat dahil mas nabibigyan mo ng buhay ang mga karakter sa iyong kwento. Para kahit hindi mo pa nararanasan, dahil lang sa pagmamasid at pagbabasa, naiintindihan mo yung nararamdaman ng tao sa isang sitwasyon.

4.  Kapag nagustuhan mo ng gawin ang isang bagay, yakapin mo ito ng buong buo at huwag kang bibitaw. Hindi 25%, hindi rin 50%, kundi 100% (o kung may 101% pwede din) ang ibigay mong effort at focus para dito.  Hindi lang siya basta gusto kundi gagawa ka ng paraan para makuha siya, para matutunan siya.

5. Humility. Hanga ako sa kanya dito, hindi mo siya makikitaan ng angas kahit na ganun siya kasikat. Bow ako sa kanya lalo na dun sa libreng paworkshop niya. Wala lang parang giving back the blessings and sharing your talent na walang kapalit. Crush ko na yata si sir Rico. :))

Kumuha ako ng video. Update ko na lang mamaya. Ngayon pictures muna :)



book signing 


e di syempre dapat may picture kaming dalawa :)

 yung mug kay essa yan, pero nagpalit kami 
kasi ang napanalunan ko sa raffle eh yung book na meron na ako :P


Salamat nga pala kay Essa, dahil sinamahan niya ako. At kay kuya Paul na nagtyagang kumain ng onion rings (di rin naman natin naubos ^_^). Ang swerte nating tatlo, umattend lang tayo ang dami pa natin nahakot pabalik, freebies mula sa raffle at ilang aral mula kay sir Rico.


Dahil sa feeling lucky ako sa event na ito, syempre share ko din sa inyo yung blessing. Abangan na lang po ang pasabook para ngayong buwan. Happy Long Weekend sa lahat! :)

9 comments:

  1. Ayos,dapat sinama mo yong baby mo, tingnan natin kung paano niya titingnan si Rico.

    ReplyDelete
  2. inggit ako. gusto ko magpa-autograph ng book ko na amapola sa 65 na kabanata! :D atsaka yung para kay B :D

    ReplyDelete
  3. happy weekend too! ^^
    ang galing...sana theres really nothing like that here...congrats!

    ReplyDelete
  4. mukha ngang maganda yung naging talk kung ganyan yung mga insights na napulot mo sa kanya sis.

    ReplyDelete
  5. I agree dun sa number 1. Mukhang ang dami nga matututunan, matry nga yan minsan panggap panggap na writer. LOL

    ReplyDelete
  6. daming aral na matututunan :)

    answerte nyo naman at nakauwi pa kayo ng freebies..hehehe

    ReplyDelete
  7. Mars, ang galing naman! Bagay sa 'yo ang mga book launch kasi isa kang bookworm... :)

    ReplyDelete
  8. wow parang gusto ko na ring basahin ang libro na yan. hindi man ako mahilig magbasa pagttyagaan ko yan. meron na ba sa nbs yan?

    ReplyDelete
  9. Wow...swerte naman! may freebies

    ReplyDelete

 

A D.I.Y. Blogger Template by Sommerfugl Design